𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 4

259 39 3
                                    

HUNTER

"Okay lang po talaga ako, 'wag na po kayo masyadong mag-alala"  

"No you're not. We're not leaving."

Malalim na napabuntong hininga na lamang ako sa narinig na tugon mula kay kuya Mason at kuya Thyron.

Tapos sumunod pa sina Levi at Linus.

"Kaya nga bayaw, dito lang kami hanggang sa magaling na magaling ka na talaga" 

Dahil sa wala naman akong magagawa, nanahimik nalang ako't hindi na umimik pa. Namamaos na rin kasi ako sanhi ng kanina ko pa sila kinukumbinsing iwan na ako rito dahil may kanya-kanya silang ganap sa buhay.

Ilang araw na silang salitan kung bisitahin ako rito sa ospital na pagmamay-ari mismo ng pamilya nila kaya sobra-sobra na ang hiya na nararamdaman ko.

Masyado kasing malaki at delikado 'yong mga paso ko kaya sobra silang nagpanic no'ng sinabi ni Jivz ang tungkol sa nangyari sa akin roon sa Cebu. 

Ang babaeng 'yon kasi. Akala ko pa naman tutuparin nya na sa unang pagkakataon ang pangako nyang hindi ipapaalam sa mga Hendrickson ang nangyare sa akin.

Kung hindi pa nga sobrang importante ang pupuntahan ng mommy’t daddy nila sa ibang bansa ay hindi rin aalis ang mga ‘yon rito at babantayan rin ako na para bang nag aagaw buhay na ako. 

“Is there anything you need?” 

“Wala po kuya, ayus lang talaga ako” agad kong sagot sa tanong ni kuya Thyron. “Hihintayin ko lang po si princess..” dagdag ko pa. 

Kasama kasi nina Jasmine at Hailey si baby Huntress para maipasyal muna dahil natutulog pa ako kanina. 

Ayaw kasing umalis ng prinsesa ko na ‘yon sa tabi ko kapag gising na ako kaya napipilit lang nila syang ipasyal kapag tulog ako.  

Mga nakakababatang kapatid nga pala nina kuya kuya Thyron sina Jasmine at Hailey pati na rin si Harper na nagpaalam kanina dahil may bibilhin daw saglit.

Sa madaling salita ay buong pamilya silang ayaw akong iwan dito maliban nalang kay kuya Grayson dahil sundalo ‘yon at syempre, kay Athena na dahilan kung bakit ako narito.

“Ah bayaw, pwede ka ba naming makausap mamaya ni bunso? kung okay lang naman,” magalang na tanong ni Levi. 

“Oo naman..”simpleng sagot ko ikinangiti nila pareho ni Linus.

“What are you guys gonna talk about? bakit kayo lang mag-uusap?” may himig pagbibirong tanong ni kuya Mason sa mga nakababata nyang kapatid. 

“Just few things kuya. Kami naman po dahil palagi nalang kayo. Diba bunso?”

“Hm, porket mas matanda raw sila’t bata pa tayo kahit hindi naman na” nakangiwi at may himig pagtatampo namang sang-ayun ni Linus. 

Hindi ko naman sya masisisi dahil ‘yong mga ate, kuya, at mga magulang lang nila ang palagi kong nakakausap nitong mga nagdaang araw. 

“Come on dudes, bata pa naman talaga kayo” hirit pang muli ni kuya Mason na lalong ikinangiwi at ikinanguso ng dalawa.

Pero pagkatapos naman no’n ay nagpaalam na muna sina kuya Thyron para ibigay ‘yong kahilingan ng dalawang bunso. 

Kakausapin din daw kasi nila ako mamaya ng kaming tatlo lang. 

Naging mabilis lamang ang paglipas mga oras at ngayo’y sina kuya Mason naman ang aking kausap kasama si Harper na kararating lang.

Sakto namang may kanya-kanyang pupuntahang importante sina Linus at Levi kaya umalis muna ang mga ito subalit nangako namang babalik din. 

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now