𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 1

488 22 2
                                    

HUNTER

"Anak bilis na, mali-late na ang dada"

"Wait po papa malapit na po Huntress Rae"

Napailing nalang ako habang may sinusupil na ngiti sa labi. Lampas na kasi yata sa sampung beses nya 'yang sinabi pero hanggang ngayon ay hindi parin nya ako kinakatok rito sa loob ng banyo.

Pinipilian nya kasi ako ng damit na susuotin sa trabaho na syang araw-araw nyang ginagawa. Kung baga ba'y sya ang nagsisilbing stylist ko sa pang araw-araw.

Sobrang swerte ko hindi po ba?

Well, isa lang po 'yan sa maraming bagay na maswerte ako sa prinsesa ko. At kulang ang buong araw upang masabi ko ang lahat ng iyon.

She's my everything. An amazing and extraordinary gift from God.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok kaya medyo naginhawaan na ako dahil sobrang nanlalamig na ako rito sa loob. Gusto ko nang makapagdamit.

"Papa okay na po Huntress Rae," salubong naman sa akin ng prinsesa ko habang nasa likod ang dalawang kamay.

Tinatago ang napili nitong style ko ngayong araw.

"At ano naman ang napili ng mahal kong prinsesa?" nasasabik ko pang tanong.

Excited naman nyang inilabas ang damit at pantalon ko na itinago nya pa sa kanyang likod. "Tadaa!!"

It's a black polo shirt na may dalawang horizontal white stripe sa bandang kanan. Sa kaliwang kamay nya naman ay naroon ang itim din na pantalon.

Katunayan nyan ay lubos ang pagpapasalamat ko na simple lang ngayon ang napili nyang susuotin ko dahil minsan talaga'y napagtitripan nya akong pasuotin ng tuxedo na para bang ako mismo ang may-ari ng kompanya.

Nakakahiya, pero simula no'ng dumating sya sa buhay ko ay wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba makita ko lang kung gaano sya kasaya sa tuwing sinusuot ko ang mga inihahanda nyang outfits para sa akin.

"Wow naman, ang galing talaga ng prinsesa ni dada," puri ko bago sya pinugpog ng mga halik sa munti nyang pisngi.

At syempre, hindi pwedeng wala sa lips na may matching tunog pa dahil matinding tantrums ang aabutin ko kapag nagkataong makalimutan ko iyon.

"Talaga po papa? maganda ulit pili Huntress Rae?"

Pinisil ng dalawang kamay ko ang napacute nitong pisngi.

Ewan ko ba pero ang sarap-sarap sa pandinig kapag binabanggit nya ang ng ganyan ang pangalan nya. Nakasanayan nya na kasi 'yan simula pa noong natuto syang magsalita.

At kung mapapansin nyo naman, medyo bulol sya sa tagalog. Mas sanay kasi sya sa ingles kahit na tagalog naman ang ginagamit kong lengguwahe kapag kinakausap ko sya.

Nakakatawa nga eh, kami 'tong palaging magkasama at magkausap pero ibang lingguwahe naman master nya tipong deri-deritso talaga na para bang matanda na sya kug makipagpalitan ng ingles.

Hindi lang 'yon dahil fluent rin sya sa wikang italian, spanish, greek, french, deutsch at twenty pang iba na syang hindi normal sa dalawang taong gulang palang na bata.

She was just born too smart and intelligent. A born genius to be exact.

Bagay na namana nya.. sa ina nya.

"Oo naman, dabest yata ang prinsesa ko, akin na, magbibihis na ang papa," inilahad ko ang aking kanang kamay at agad naman nitong inabot sa akin ang susuotin.

"Don't take too long papa okay?"

"Okay," nagthumbs up pa ako at bago isinara ang pinto ay hinintay muna syang makaupo sa kama namin kung saan nya ako palaging hinihintay kapag ganitong magbibihis ako.

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐨𝐫𝐭𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟒 (𝐆𝐗𝐆)(𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐄𝐗) Where stories live. Discover now