Chapter 20

18 3 0
                                    

Chapter 20

Kinaumagahan nag ayos na ako para makapasok na rin dahil umabsent nga ako kahapon. Pagkatapos ng morning routine ko ay bumaba na ako nakita ko si mama na nagluluto ng breakfast ko.

"Good morning Ma." I greet my Mom and she's smile and kiss my forehead.

"Good morning din nak. Wait lang malapit na ito matapos." Aniya habang naggigisa ng bawang para sa sinanag 'yan kasi favorite ko kaya palagi na rin nagluluto si mama.

Napansin ko wala si dad.

"Where's dad ma?" I asked.

"Oo nga Pala maagang umalis ang dad mo." Saad nito habang naghahain ng agahan namin.

"Tulungan na kita ma. Mukhang masarap ang Luto na yan ha." Ngumiti sakin si mama.

"Aba Oo naman ako kaya ang nagluto niya. Siya Sige kain na tayo." Biro pang sabi nito. Habang kumakain kami syempre hindi mawawala ang kulitan at biruan namin nakasanayan na namin yun.

"Sige ma, Una na ako baka malate pa ako kanina pa nag text si Natasha sakin." Tumango lang si Mama habang sumasayaw ng Pantropiko natatawang napailing na lang ako.

Tumawag ako kay Kalila.

["Hello! Ate Napatawag ka?"] Tanong nito sa kabilang linya.

"Kumusta na siya?" Tukoy ko sa kuya niya.

["Actually si Kuya until now hindi ka pa rin niya maalala... pinipilit ko na makilala ka kaso hindi niya talaga ikaw kilala."] Napabuntong hininga si Kalila. Parang mas na stress pa ito kesa sakin.

"Okay lang 'yan kalila at thank you, dahil sa patuloy mo pa rin ginagawa na dapat ako ang gumagawa. After ng class pupunta ako dyan."

["Sabi nga Pala ng doctor magaling na siya. At gusto na ni kuya na pumasok sa school Sabi ko nga na magpahinga pa siya dahil alam kong hindi pa siya gaano magaling."] Problemadong Aniya. Buti naman at magaling na siya at pwede ko siya puntahan sa school.

"Kailan daw siya papasok?" Tanong ko dito.

["Next week, papasok na siya."] I nodded kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Sige na kalila malapit na ako sa school kumusta mo na lang ako kay Tita." Sabi ko pa.

["Sige ate ingat ka dyan bye."] Nagpaalam na kami sa isa't isa at bumaba na ako sa kotse.

Habang naglalakad ako maraming mga students na nakakalat sa hallway. Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko.

"Alam niyo ba guyss papasok na ulit si keino I mean si pres?"

"Talaga!?"

"Oo ayon yan sa source ko."

"Buti Naman kung ganon para makita ulit natin siya kung paano mag perform sa stage."

"Oo ang galing pa naman ni pres tsaka. Siya ang vocalist ng banda malamang aabangan siya ng fans niya."

Lalong nalito ako sa pinag uusapan nila sino kaya tinutukoy nila? Ang aga aga puro chismiss ang atupag nila nakaka imberna sila. Umalis na lang ako sa cafeteria dahil puro yun ang laman ng usapan nila. Ang dami talaga marites sa mundo pumunta na lang ako sa room baka nandon na prof namin.

Pagpasok ko sa loob ay wala pa gaanong tao kunti pa lang kami naririto. Pumunta na ako sa upuan ko at sinalubong ako ni Natasha na nakangisi. Ano na naman kaya ang nakain nitong babae na ito? Nasisiraan na ata ng bait ito. Umupo na lang ako at hindi siya pinansin Marami rami na rin kami habang tumatagal nandito na rin mga ka groupmates ko.

"Tigilan mo nga ang pagngisi mo" nagkibit balikat na lang ako dahil sa mga kinikilos niya.

"Di mo sinabi sa'kin na papasok na Pala si keino. Balita ko performer siya nagtutugtog siya usap usapan kasi dito na may Banda Pala yang boyfriend mo." So ang pinag uusapan Pala nila kanina si keino. Tatanungin ko na lang si kalila about dito.

Don't Cry My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon