Chapter 29
Hindi ko alam kung nasan ako ngayon. Basta ang alam ko ay gusto kong lumayo dun. Sa sobrang pagmamadali kong umalis dun ay nakalimutan ko dahil ang bag ko. Bumibigat ang pakiramdam ko hindi ko namalayan na nanlalabo na Pala ang mata ko dahil sa mga luha ko. Napaupo na lang ako dito sa mga bench buti na lang walang tao dito baka kung ano ang isipin nila pag nakita nila ang sitwasyon ko. Mahina akong humikbi sinungaling siya sabi niya mahal niya ako. Kung sa bagay ex niya yun at mahal pa nya yun.
Ano ba 'tong pinag gagawa ko sa sarili ko? Dapat magsaya lang ako sayang ang punta ko dito. Napagdesisyon akong bumalik ulit dun kahit na alam kong masasaktan ako. Inayos ko ang sarili ko at peke na ngumiti nagtungo muna ako sa Cr para ayusin ang sarili ko. Medyo mugto ang aking mata naghilamos ako at inayos ang magulo na buhok.
After what happened I need to divert my thoughts to not think about what happened. Sa isiping hindi nya ako sinundan ay mas lalong kumikirot ang puso ko. Kumuha ako ng alak at walang alinlangan na inomin ito napapikit ako sa hagod nito sa lalamunan ko.
Ano bang klase na alak to? Napailing na lang ako at kumuha ulit.
Naramdaman kong medyo nahihilo na ako. Ang baba kasi ng alcohol tolerance ko kaya hindi ko Keri mga ganitong klase na alak. Mga tao dito ay lasing na rin. Hindi ko talaga mahanap si Tasha nasaan na ba yun? The ambiance of club is getting hotter and wild. Tumingin ako sa stage pero wala na dun sila Keino mapait akong napangiti maybe nasa ex niya. The DJ change the song and people here getting hyper bahala sila sa buhay nila.
Kukuha sana ako ng alak ng may pumigil sa kamay ko.
"Mind on your business." Sabi ko sa kung sino man
"Stop, your drunk already." Inis ko naman itong nilingon. Na dapat di ko na ginawa mapait akong ngumiti sa kanya.
"Oh your here.... Where's your ex?" Sabi ko at inagaw ang alak at tinungga ito. Medyo mapait ang lasa kaya napapikit ako.
Hindi siya nagsalita at blanko lang akong tinitigan. Ayaw niya akong sagutin bahala siya sa buhay niya. Nilayasan ko siya at pumunta sa dance floor hawak pa rin ang alak. Hindi ko na alam kong ano ang nangyayari sa paligid ko basta alam ko lang ay lasing ako. At umiikot na ang paningin ko kung hinahanap nyo si Keino Ewan ko dun wala akong pakealam sa kanya.
I went to the middle I dance and grind. May humawak pa sa baywang ko at sinabayan ako.
"Hey, beautiful your really hot and wild." Nakangisi nitong sabi. Hindi ako komportable sa paraan ng paghawak niya kaya tinulako ko 'to.
"Yan ang gusto ko ang palaban." He teasingly said.
Huminto ako sa pag sayaw dahil nahihilo na ko plus makulit ang isang 'to. "I'm not interested to you dude."
Pero ang loko mas lalong Lumapit sakin. Kunti na lang magdidikit na ang labi namin. I was about to push him away when someone grabbed him and punched him in the face.
Nagkagulo ang mga tao sa dance floor. Tiningnan ko kung sino sumuntok sa bastos na lalaki na 'yun. Pero gulat akong si Keino Pala yun ng lilisik ang mga mata niya at Galit na galit itong pinagsasapak ang lalaki. Inawat na sila ng bouncer dito.
Umiiyak akong lumapit sa kanya.
"Keino Tama na yan." Sigaw ko dito pero hindi pa rin ito tumitigil.
Wala na akong naisip na paraan kaya niyakap ko siya ng mahigpit at umiiyak pa rin sa mga nangyari. Napatigil siya sa pagsuntok sa lalaki dahil sa ginawa ko.
"Tama na... Uwi na tayo." Umiiyak kong saad dito. Tumingin ito sa'kin at nawala na ang galit na galit na itsura nya. Napalitan ito ng lungkot at pag aalala.
BINABASA MO ANG
Don't Cry My Love
Teen FictionSoreen's life was happy and peaceful but all this changed when she dreamed of the man who always disturbs her dreams two hearts bound together by one love.