CHAPTER 1: FIRST JOB

3 5 0
                                    

ALORA CELESTE'S POV

"Arayyy!" Nasambit ko. Bigla kong naimulat ang aking mga mata. Nasa harap ko si nanay.

"Nanay naman eh, ansakit nun ah. Anlakas lakas." Sabay paghipo ko sa siguradong namumulang pisngi.

"Eh kasi naman anak, akala ko napano kana. Sumigaw ka ng pagkalakas lakas! Ayun sinampal kita kasi baka binabangungot kana." Sabi ni nanay. Nakangiti sya pero halatang may halong pag aalala.

"Ano ba napanaginipan mo at parang takot na takot ka? Dagdag nyang tanong.

'Sino ang lalaking yun?'

"Wala po nay. Kakapanood ko po siguro ito ng horror movies. Anong oras na po ba nay?" Tanong ko kay nanay. Kasalukuyan itong naghihiwa ng nga rekado para sa nga putaheng iluluto nya para sa munti naming karinderya sa harap ng bahay.

"Alas syiti na anak. Ngayon ang unang araw mo sa work deba? Anung oras ba yoon?" Sagot ni nanay. Bisaya kasi si nanay kaya minsan may matigas at malambot sa mga sinasabi niya.

"Oh my! Nay naman bakit ngayon mo lang ako sinampal? Este ginising?! Alas otso ako pinapareport sa office!" Pagkabigla kong sagot kay nanay.

Agad akong tumayo. Muntik pa akong madulas nang isuot ko ang aking nga tsinelas. Shet! Need ko na magmadali at baka maputukan ako nito. Ke bago bago late na agad sa unang araw. Napangiwi ako sa aking iniisip kong posibleng mangyari sakin kapag nalate.

Agad kong kinuga ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan namin at agad na tumungo sa banyo.

"Nak, may senangag dyan at daing. Kumain kana muna bago umalis ha. Lalabas nuna ako at babalik sa palengke. May nakalimutan akong bilhin" narinig kong sigaw ni nanay sa labas. Maya maya pa ay nabigla ako nang sumulpot sya sa aking harap. Kurtina lang kasi ang nagsisilbing pintuan ng banyo namin kaya easy access sa sinumang gustong pumasok. Well, squatter girl lang ako at di kami mayaman. Wala namang lalaki sa bahay since bata pa ako nung namatay si tatay. In short, kami lang ni nanay nagkatuwang sa buhay.

"Nay naman eh, hubot hubad na ako eh." Sabi ko na kasalukuyang nagsasabon ng katawan. Tumalikod ako. Nakakahiya parin kay nanay. Alam ko pareho kaming babar pero simula't sapul na nagkabuhok yung anu ko ay naging mahiyain na ako kay nanay.

"Sus anak. Nakita ko na yaan lahat. Mahihiya kapa sakin eh ako nga dati ang nagsasabon ng pechay mo. HAHAH. Paki abot nga nak yaang nakasampay ba bra dyaan. Wala pala akong bra na suot" sabi ni nanay na pangiti ngiti.

"Kahit na nay noh. Dalaga na ako. Kakahiya ka nay. HAHAHA. tseh!" Pasagot ko kasabay pag abot ng bra. Sobra kaming close ni nanay. Bilang kami nalang magkasama. Alam na alam ko ang mga hirap nya na maitaguyod at mapagtapos ako sa pag aaral mula nung namatay si tatay sa sakit na cancer sa baga. Mabisyo kasi ito nung kabataan sa sigarilyo. Tumino lang nung nakilala si nanay.

"Oh syah, anak ilock mo nalang ang pento ha. May dala akong dupelcate na susi. Ingat ka." Ani nanay. Umalis na ito. Nagmadali naman akong nagshampoo ng buhok at nagbanlaw. Kinuha ang tuwalya at nagtapis.

"Duplicate nay hindi dupelcate. Kaloka ka po." Patawa kong pagwawasto sa sinabi niya.
" Yaan mo na, pareho kang yoon" sagot naman ni nanay. At maya maya pay narinig ko ang pagsara nito ng pinto.

Anniversary pala ng kamatayan ni tatay. Nakalimutan ni nanay siguro. Sa edad na 45, napapansin kong medyo nagiging makakalimutin na din si nanay. Kapag maaga ako makalabas sa work, dadaan nalang ako sa puntod ni tatay.

Mabilisan akong nagbihis. Wala pang naissue na uniform sa akin kaya blouse ar skirt nalang isinuot ko. Pinaresan ko ng isang itim na sapatos. Sapatos ko pa ito sa college. Tipid tipid lang muna.

Isang secretary sa isang malaking marketing firm sa bayan ang work ko. Fresh graduate ako sa kursong BS Business Administration major in Marketing sa isang university dito sa bayan namin. Isang malaking kabawasan din sa gastos ni nanay.

Humarap ako sa salamin. Nagpahid ako ng kunting blush on at liptint. Well, may kagandahan din po ako kahit papano. Sabi nga ni nanay, pinaglihi niya ako sa singkamas kaya kaputian ako.

Napangiti ako.

"Hmm ganda mo teh." Sabi ko sa sariling reflection sa salamin. Syempre sarili ko ito. Ako dapat magtataas ng moral ko at confidence.

Umalis na ako ng bahay at sumakay ng tricyle papuntang bayan. 10 minutes away lang naman mula sa amin ang bayan. Kaya medyo di mahirap para sa akin ang bago kong trabaho.

First day! Kinakabahan mn. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Pagkababa ko ng tricyle, ilang hakbang at nasa harap na ako ng isang building. Nasa walong floor ang company ng pinagtatrabahuan ko.

"This is it! May 15 minutes pa ako" sabi ko sa sarili. Pagpasok ko sa hallway ng building, agad kong hinanap ang elevator. Tamang tama. Ako lang mag isa. Wala akong kasabay.

Pinindot ko ang 8 button at hinintay na magsara ang doors ng elevator. Ngunit bago pa man ito magsara at may biglang pumagitnang mga daliri.

Bumukas muli ang elavator. At pumasok ang isang lalaki. Napatingin ako sa shoes nito. Wow. Mukhang mamahalin. Mula sa sapatos ay itinaas ko ang aking mga mata patungong bandang dibdib. Nakalong sleeves ito. Well, in fairness sa dibdib ng mokong ito. Halatang matigas at mamuscles. Napagawi ako sa mga braso nya. Ayy! Fitted ang sleeves kaya kitang kita ang maskuladong arms nya. Napangiti ako. At nung akma na akong tumingin sa muka nya ay bigla itong nagsalita.

"Miss. Nasa gitna ka ng elvator. Can you?" May panguso itong senyas. Sinasabing tumabi ako at bigyan sya ng space.

"Ay sorry po!" Bigla akong tumabi. Napangiwi ako. Bigla akong tinamaan ng hiya. Lalaking lalaki ang boses nito. Napasulyap ako muli sa mukha nito.

Shet! Ang gwapo! Jusko si Chris Evans bato? Tisoy ba tisoy at matangos ang ilong. Hazel brown ang eyes. Namumula ang kissable lips. Napakagat ako sa lips.

"Miss, pasado ba?" Biglang tanong nito sakin. Nakaismid ito sakin.

Shocks! Nakatitig ba pala ako sa kanya. Namula ako. Kaloka! Di na ako nahiya. Bigla kong kinuha ang phone ko. Di ko sya sinagot at kunwaring may tinetext.

Susmaryosep! Nababaliw naba ako. Ano kaya ang iniisip ng lalaking to sakin?

Wierdo girl? Cheap girl? O kaya east girl? Shet!

Baka iniisip nito malandi ako!

Napasinghap ako. Kakahiya talaga!

Di na ako muling sumulyap sa direksyon nya at ginawang busy ang sarili sa pagkalikot ng cp ko.

Maya mata pa ay tumunog na ang elavator. 8th floor na. Ibinalik ko na ang cp sa bulsa ng blouse ko at agad agad nalumabas. Ayan! Nakatakas na ako sa kahihiyan ko. Napalingon ako sa likod kung saan naroroon ang elevator. Ngunit di ko inaasahan ang aking nakita!

Lumabas din ang lalaki! Pareho kami ng company na pagtatrabahuan!

'Patay ka Alora Celeste!' nasambit ko sa aking sarili.

For you to know, Alora Celeste Amaryllis ang aking pangalan. Ambaho noh? Ewan ko ba kay nanay kung bakit sa dami dami yun pa ang napili.

Alora for short or Celeste nalang. 21 years of age 5 feet and 2 inches tall. Maputi, maganda! Charot!

Lumapit ako sa babaeng nasa front office. Tinanong ko kung saan ang HR for my orientation.

Napansin kong tuloy tuloy na naglakad ang lalaking kasabay ko papunta sa loob. Baka matagal na siguro nagwowork dito ang lalaki. Wish ko lang hindi ko siya maging ka department. Kung hindi? Patay na!

____________________

NEWBIE LANG PO. SO ITO PONG MGA STORY KO AY MGA NAPAPANOOD, NAPAPANAGINIPAN, NABABASA SA IBANG STORIES NA PINAGHALO HALO KO NA TAPOS ADD ON PA SA IMAGINATION KO. ISINULAT KO NA PARA MABASA NYO AT DI KO MAKALIMUTAN :)
   
LUXXSOLARIS

DESTINY UNCHANGE: TALE OF TWO LIFETIMEWhere stories live. Discover now