CHAPTER 2: MY SNOBBISH BOSS

2 4 0
                                    

"Are you Miss Alora Celeste Amaryllis?" Tanong sakin ng babaeng lumapit. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa nay tapat ng front office para hintayin ang HR personnel.

"Yes, Ma'am! I am!" Tugon ko. Bigla akong tumayo. Eto na siguro ang HR personnel na magdadala sakin sa space ko sa opisinang ito. Excited na kinakabahan ako. First day ko sa first job ko. Yay! Sana di ako magkalat.

'Help me Lord God.' bulong ko.

"By the way Miss Alora–" bigla kong pinutol ang sanay sasabihin nito. Sakit sa tenga marinig ang buo kong pangalan. 'I can't take it!' Gosh!

"Ah ma'am! Celeste nalang po. HEHEHE "
Tumango ako. Nahihiya din ako. Alam kong kahit sya ang mababahuan sa pangalan ko. Tunog luma kasi ang pangalan ko. 70's pa ara eto nung nauso. Tumingin ako sa kanya at napangiti na may pagkailang. Well, nakatingin lang sya sakin. Walang bahid ng anumang ngiti sa labi. Mas kinabahan ako.

"Oh. Okay. Thanks. Miss Celeste. I am Katarina Velasco. Ako ang HR Manager here. So kindly follow me for you to know where is your office and to formally introduce to youu.. your boos. He is the Marketing Director. You will be his assistant. Okay?" Kaagad din itong tumalikod at naglakad. Hindi na nito hinintay na sumagot nan lang ako ng 'okay po' o 'salamat po.'

Maldita ang babaeng ito. Di naman kagandahan. Napatingin ako sa bandang pwet nito. Maiksi ang suot nitong skirt. Jusko! Parang kunting galaw lang ay lalabas na ang kaluluwa nito. Pero in fairness ga, malaki ang mga pwet nito. Kaya parang pato kung maglakad at parang hirap na hirap maglakad sa 6 inches heels nito.

Napangiti ako sa kapilyahan ko. Laitera din ako kahit papano. HAHAHHA.

Tahimik akong sumunod sa kanya. Ilang cubicles ang aming nalampasan. Infairness ha. Maganda ang ambiance ng office. Sossyal tingnan. Gosh!

In a few meters away, sa dulo ng kwartong iyon at may makikitang isa pang kwarto. Glass ang walls ito kaya makikita ang nasa loob. Ito siguro ang opisina ng marketing director. Hmm.. lakas makapangmayaman ang interior design nito.

May naaninag akong lalaki sa loob nito. Nakatalikod at parang may kausap sa phone. Mukhang bata pa. Naeexcite ako. Sa tindig nito, mukhang malakas ang appeal. Bumagay dito ang American suit nito.

Maya maya pa at kumatok saglit si ateng HR manager. Di lumingon ang lalaki sa loob pero sumenyas ang mga daliri nito na nagsasabing pumasok na kami. Kinabahan ako bigla. This is it! This is really is it!

"Alright Mr. Collins. See you in a bit. Okay? Thank you." Narinig ko mula sa lalaking nakatalikod. Sounds familiar ang boses nya. Pero I can't remember when and where ko sya narinig.  Interesting?!

Lovely ang masculine voice nya. Yung tipong boses palang kikiligin kana. If not mistaken, mukha syang 30's sa porma nya at dating. Well, nakatalikod palang sya, umaalingasaw na ang appeal nya. Jusko! Naeexcite ako!

"Sir Steve, nandito na po sya. Your new assistant." Sambit ni ateng Katarina sabay tingin sakin. In her eyes sinasabing magsalita ako.

"Uhmm. Hi Sir. My name is Alora Celeste Amaryllis. Your new assistant. Im happy to serve you!" Malakas kong sabi sabay tungo bilang paggalang. Kalurkey! Nasa fastfood ba ako para sabihin yon.

Humarap sya. Tumingin ako sa mukha nya at napasigaw ako.

"Youuu!??"

Kapag sinundan ka nga naman ng kamalasan. Ang lalaning nakasabay ko sa elavator kanina at ang boss ko ay iisa! Shet! Napangiwi ako. Parang gusto ko maglaho bigla.

Nakatingin sya sakin. Walang emosyon akong nakikita.

Napansin kong binaba nito ang tingin sa aking mga paa paakyat sa aking mukha. Napailing.

DESTINY UNCHANGE: TALE OF TWO LIFETIMEWhere stories live. Discover now