ALORA CELESTE'S POV
Ilang linggo ang lumipas..
Napapansin ko na parang lalong naging palaiwas sa akin si Sir Steve. Minsan tatawagin lang ako nito kapag may ipapagawa. Hindi nya ako kinakausap or kahit na magpatimpla ng kape...well I am no really good in making coffee pero pinag-aaralan ko naman.
Minsan nga kapag pumapasok ako sa office para dalhin ang mga files n inuutos nito ay halos di man lang tumitingin sakin.
'I don't know'
Pero mahirap pala ang ganitong sitwasyon. You do not know kung gusto ba ako ng boss ko o napipilitan lang. Baka bigla nalang ako nito tanggalin.
Gosh! First job ko ito pero di man lang ako tumagal ng isang month. Parang nakakahiya sa resume ko if ganun lang kaikli ang aking working experience.
Fourth week ko na ito sa company pero wala pa ako masyadong kilala mula sa ibang department. Kahit nga sa PR department kung saan malapit ang table ko ay wala pa akong kilala. Wala pa kasing formal na pagpapakilalang nagaganap. Ang alam ko, marami akong kasabay na bago sa company at na distribute kami sa iba't ibang departments.
PR Department ang katabi ng office ng boss ko kaya natatanaw ko sila. Ilang metro lang galing sa table ko ay desk ng isang babaeng staff. Laging mapula ang lips nito at kung makasuot ng damit ay parang kulang nalang magbikini nalang. Sobrang pa sexy si ate. Well, gusto ko sana maging friends kami kaso snob niya ko lagi.
Naalala ko nung unang linggo lagi ko sya nginingitian pero irap lang ang sagot sakin.
Maldita!
Sabi nga ng mga chismis na naririnig ko, gf daw ito ng isang department head na may asawa na. Well, chismis palang naman kasi wala pang patunay.
Masaya naman ako kasi kahit papano, ang ibang mga katabi nito na sina Isabel, Marketing Associate at si Trina na Coordinator naman ay naging friends ko. Kasundo ko ang mga ito kaya sila nakakasabay ko sa break.
Tiningnan ko ang schedule ni Sir Steve ngayon. Wala naman syang meeting ngayon. Free day nya siguro ang Thursday maliban sa isang bisita daw na paparating. Potential client daw ito. Gusto daw nito muna na mameet si Sir Steve bago mag set ng formal meetings at pag usapan ang deals about sa pag promote ng hotels nito at condominiums.
Ang Abueva Development Inc. ay isa sa mga big clients in case ng company namin. Marami itong mga five stars hotels na nakakalat sa buong bansa kaya kung ganun nalang ang paghahanda ni Sir Steve at ang ibang departments.
Naglinis at nag ayos muli ako ng opisina ni sir para naman kaaya aya ito sa paningin ng nga bisita.
Pansin kong maraming drafts ng proposal sa table ni sir. Masipag talaga sya. Napangiti ako.
'Pogi na, masipag at mayaman pa!' Bulong ko. Kahit sino ay papangaraping maging bf o asawa ni sir. Hays! Suplado nga lang. Napailing ako. Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang pangangarap ng gising. Lalo na at never naman ako magugustuhan ni Sir.
Maya maya pa ay lumabas na ako ng office. Wala pa si sir. Nasa Office Management Department daw ito at may inaasikaso lang.
Umupo ako sa table ko at inayos ang mga papers na pinapasort ni Sir.
Sa ilang saglit pa ay may nakita akong paparating.
Isang babaeng nasa mid-50's. Maganda ito. Makinis pa ang kutis at maputi. Napanganga ako sa paghanga. Kamukha sya ni Sandra Bullock.
May dala dala itong aso na isang chihuahua. Ang cute! Sa likod naman nya ay may nakasunod na isang lalaking medyo may kalakihan ang katawan at naka-itim na polo at pants. Marahil bodyguard nya ito. Si Mrs. Abueva, CEO of Abueva Development Inc.
YOU ARE READING
DESTINY UNCHANGE: TALE OF TWO LIFETIME
FantasyDalawang tao ang labis na nagmamahalan sa isa't isa, at nakatali ng Red String of Fate nang napakalapit, na sila ay magkikita at magmamahalan sa tuwing sila ay muling magkatawang-tao, habang-buhay. What do you think reincarnation is? Do you believe...