Nandito na kami sa....well isa itong gubat, a very typical camping place. Madaming puno, madamo, madumi at kung ano pa. Ang kaibahan lang imbis na tent ang tuluyan namin... buhay kubo, mga apat na bahay kubo ang nakikita ko.

"'Nu ba yan...ang daming lamok dito baka mamaya magkadengue pa ako!" Reklamo ng aming Ms. Treasurer.

"Eh kala ko ba you  love camping?" Sagot ko. Di ako makatiis eh! gigil pa din ako sakanya.

"Pwede wag kang sumabat b*tch? Malandi!" WTH? Aba tawagin niya na ako ng b*tch, selfish, cruel at kung anu pa...wag lang malandi! Papatulan ko talaga siya.

Krystal...kalma okay? Don't stoop down on her level tama na yung kanina. Manahimik ka na lang. Breath in...breath out!

"Anu di ka na makasagot kasi totoo? Wag ka kasing assumera dahil never papatol si JM sa katulad mo!"

"So sa tingin mo ikaw papatulan niya?" Sabay taas kilay niya.

"I'm beautiful!" Sagot niya

"Dear hindi iyan ang sagot sa tanung ko.  Tsk tsk!" Kung maldita siya mas naman ako noh!

"Let's start the game!" Sigaw nung parang leader namin. Kaya naman nagsipagtipon kami.

"Ang laro natin ngayon ay tag of war kaya hahatiin ko kayo into 2 groups. Magbunutan tayo para fair." Then may nilabas siya na bowl at pinabunut kami isa-isa. Very elementary psh!

Nagsimula na nga ang boring na laro at ang hinayupak sa likod lakas makachansing! Ang sarap sapakin. Hawak ng hawak sa bewang ko. At hindi pa nakuntento tumaas pa talaga ang kamay sa may boobs ko. Syete siya!

Bumitaw ako sa pagkakawak ko sa unahan ko para sana sapakin ang lalaking pervert. Pero too late may nauna na saakin.

Syet! Naka devil mode na naman siya. Nakakatakot!

"Stop messing up with her if you want to live your life peacefully." At pagkasabi niya nun ay kinaladkad niya na ako paalis.

Note:

What's the matter with wattpad? Hindi ito yung original...hohoho ba't nawala yung kadugtong? Nakakainis! Medyo mahaba pa naman yun. 😭

His Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon