"Sabagay mukhang mabait naman siya...mukhang aalagaan ka naman noon. Buti na lang mukhang hindi siya abnoy tulad nung kapatid niya."

"Huh? Bakit anung problema kay Micheal? Nag away ba kayo?" Tanung naman niya.

"A-a-ah?" Should I tell her? Isa pa expired na yung agreement namin.

"Wala! Sadyang moody lang talaga siya kaya nakakainis minsan...ahaha" Nakita ko na napangiti siya ng bahagya. Ang ganda talaga naming magbff...chos!

"Mabait naman siya ah. Pero tama ka sumpungin ang isang yun pero once na nakilala mo siya ng maayos makikita mo ang other side niya. The sweet, caring, funny and others na hindi mo aakalaing gagawin niya." Sinasabi niya yun habang nakangiti. Napanganga naman daw ako sa sinabi niya. Kung makasalita siya parang kilalang kilala niya na yung tao ah.

"Matagal na ba kayong magkakilala?"

"H-huh? H-hindi anu kasi nakwento lang saakin ng mommy nila."

"Ah..." Pansin ko lang...madaldal ang mama nila. Mana siguro yung abnoy na yun sa tatay niya.

Pero teka nga...bakit ba nasama ang autistic na iyon sa utak ko?

"Alam mo ang swerte mo sakanya." Bigla niyang sabi...

"Huh? Kanino?" Medyo na LG ata ako?

"Kay Micheal...oh I mean JM." Tss. Ako swerte? Saan banda? Autistic kaya yun...lahing abnoy.

"Hindi naman...sabihin mo ikaw ang swerte mo. Gwapo at mabait si TJ mukhang aalagaan ka." Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Ang weird din niya minsan.

"Nga pala maiba tayo. If you don't mind...anung nangyari sainyo nung boyfriend mo or should I say ex." Nakita kong nalungkot siya. Naku mukhang malakas pa din ang tama nitong bff ko. Naaawa tuloy ako sakanya.

"A-haha you don't need to answer. I understand haha." Naman Krystal ang bungaga mo!

"May mahal na siyang iba and I'm happy for him....for them" halata mo sa boses niya yung lungkot. Kawawa talaga siya sino kaya ang lalaking yun?

"Ah Ciara...pasensya na kung medyo tsismosa ako ngayon ah...pero pwede malaman kung bakit?"

"Bakit???" Nagtataka niyang tanong. Ay! Ang gulo ko kausap.

"I mean bakit kayo naghiwalay? Niloko ka ba? O pinaghiwalay kayo? Yung parang napapanuod ko sa koreanovela o baka naman nagkaamnesia siya at nakalimutan ka?"

Bahagya siyang natawa sa mga tanong ko. Aish naman! Sino ba hindi eh parang pang praning lang ang mga tanong ko.

"Hahaha...grabe ka talaga mag-isip Krystal pero wala dun ang sagot. Kasalanan ko." Then nakita ko na medyo may luha ng nagbabadya sa mata niya. Aigoo kasalanan to ng madaldal kong bibig!

"Ah eh....s-sorry masyado akong matanong. Ah change topic na lang tayo! Ahaha" pilit kong pinasaya ang atmosphere.

"Ah haha oo nga. Nga pala magkwento ka naman tungkol sa lovelife mo." Aish wala ako niyan at lalong wala akong oras para jan.

"Lovelife wala ako nun."

"Huh? Eh diba kayo ni Mich- I mean JM." Ay syet! Yun pala ang alam niya...nila. Otteoke? Parang napasubo ata ako sa autistic na yun ah? Pero pwede ko naman sabihin ang totoo ah! Tama since she becomes honest with me I think she has the right to know. Okay ito na...

"Ah hindi ah!"

"Huh?" She looks puzzled..
Sino bang hindi?

"Hey! My two gorgeous future daughter in laws!" Omona! What is she doing here?

His Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon