Pano Mo Nasabing Tanga Ako?

208 3 2
                                    

Kabanata 1:

   Umagang umaga tumitilaok nanaman si Inay. Hay nako, sawang sawa na ako sa gantong mga eksena sa bahay. Akala ko manok lang ang tumitilaok pag umaga yun pala pati si Inay. 

  Habang nag bubunganga si Inay sa aming sala ako naman ay naka higa pa sa aking kwarto at naka tingin lang kisame. Ewan, parang na ba-badtrip na wala lang dahil kay Inay. Kung ano-ano kasi mga sinasabi. Mga tamad daw kami, mga hindi maasahan, at hindi daw nag aaral ng mabuti. 

  Hindi ko alam kung ano ha? Pero naging salutatorian naman ako nung elementary. Tapos sinasabi pa nya na hindi ako nag aaral ng mabuti? Pero, hayaan mo na nga sya. 

  Ang lamig, yung electric fan naka tutok sa akin. Wala pala akong suot na pang itaas kasi ang init kagabi. Abnormal talaga yung klima eh. Patuloy lang ako sa pag titig sa kisame namin kahit wala naman akong ibang makikita kundi yung nag iisang ilaw sa aking kwarto.

“Jeff ! !“ sigaw ni Inay galing sa baba.

“Jeff ! ! Bumangon ka na dyan! Tanghali ka na! Ang kukupad nyo talagang kumilos!“ dugtong pa nya.

“Opo, bababa na po!“ sigaw ko.

  Pag baba ko, nakita ko na may naka handa na palang pag-kain. Dati kasi kapag gumigising ako sa umaga wala talaga akong nakakain dito sa bahay. Nag iiwan lang ng pera si Inay para sa school nalang kami kumain. 

  “Ayos, buti naisipan mag luto.“  sabi ko sa aking sarili.

  Uupo na sana ako para kumain ng mag pa alam na si Inay kasi papasok na sya sa trabaho. Isang accountant si Inay. Yung Tatay ko naman isang civil engineer. Oo, may kaya kami kaso kung ganto naman laging senaryo sa bahay araw-araw hay nako. 

  Hotdog, ham, bacon, egg, pancake at champorado ang pagkain sa mesa. Halatang si Inay ang nag luto nito. Puro madadali eh. Kung si Tatay nandito, siguradong espesyal yung lulutuin nya para saming magkapatid.

  Katatapos ko lang kumain ng bumaba na si Kuya Greg galing sa kwarto nya. 

 “Late na late ka na bro.“ sabi ko.

 “Ok lang yan, ako bahala sa teacher ko. Konting uto lang yun ok na ko dun.“ sabi nya sabay tawa.

  Laging ganyan trabaho ng kuya ko pag na le-late at may problema sa mga teachers nya. Ginagamit nya yung muka nya para mapatawad sya ng teachers nya. Ewan ko nalang kung anu ginagawa nya sa mga lalaking teachers nya.

  Iniwan ko lang si Kuya Greg sa bahay after ko kumain, maligo at magbihis. Hindi pa ako late. Actually 30 minutes pa nga akong maaga eh. Nag tataka lang ako kung bakit sa tuwing papasok ako lahat ata ng tao naka tingin sakin. Ano bang nagawa ko? Oh baka naman ano nanaman ang ginawang kalokohan ni kuya? 

  “Jeff ! !.“ sigaw ng ka-klasse ko na si Raiza.  Sinigawan nanaman ako. Pangalawang beses na to ha? Excited na tumatakbo papalapit sakin si Raiza.

  “Jeff ! ! Ikaw ang napiling gaganap bilang Romeo sa play nang school! !“ sabi ni Raiza ng buong ngiti. Excited na excited pa sakin.

  Ewan, parang hindi naman ako natuwa. Feeling ko isa nanaman itong trabaho na gagawin ko. Sasabay pa sa academics ko, haggard nanaman. Pero syempre natuwa narin ako kasi ako ang napili sa 30 kataong sumali.

  “Ayos yan, sige.“ sabi ko.

  “Bakit parang ayaw mo?“ tanong ni Raiza.

  “Hindi, gusto ko. Kaso muka kasing mapapagod nanaman ako.“ sabi ko.

  “Ok lang yan, pakiligin mo ulit ang school. Baka ma promote pa yung play nyo sa ibang school ayaw mo ba nun?“ sagot nya.

  “Sabagay pwede rin.“ ito lang ang nasabi ko.

  Uso sa school namin ang mag karoon ng stage play. Ayoko na sana sumali ng play kasi masyado akong napagod nung gumanap akong Aladin nung nakaraang dalawang taon. Grade 7 ako nun. Grabe, lahat ginawa ko maging maganda lang yung play. Nag assume kami ng ma pro-promote kami kaso hindi. Natalo kami ng mga grade 10 students. Yun bang grabe hirap nyo tapos wala rin. Pero ok na rin kasi nag 1st runner up kami sa audience vote.

  Sabay na kami pumasok sa room ni Raiza. Siya nga pala ang Vice President ng Student Council para sa mga middle class. Lagi syang active kapag may mga event sa school. Mas active pa sa President.

  “Congrats“ sabi sakin ng mga classmates ko. Natuwa naman ako kasi supportive sila. 

  Pag upo ko nakita ko yung nag iisang tao na nag kukumpleto sa araw ko, si Lorein. Napaka ganda nya. Maraming nag kakagusto at nan liligaw sa kanya pero ako lang ang nagwagi sa puso nya. Ou, girlfriend ko sya. Kaso ayaw nya ipaalam sa iba kasi siguradong issue yun hindi lang sa kanya pati narin at lalo sakin. Ok lang yung lihim, pero hindi ko ma-express yung pag mamahal ko sa kanya. We‘re best friends since elementary. Kaya kilala ko na sya at kilala na rin nya ako.

 Nilapitan ako ni Lorein.

  “Ui, congrats ha? Romeo?“ sabi nya ng nakangiti. Oh! Ang ganda ng mga labi nya! Nakakaakit parang gusto kong halikan. 

  “Ah, ou. Salamat ha?“ sagot ko.

  “Why don‘t you start to call me Juliet para masanay ka na at hindi ka na mahirapan pag nasa stage na tayong dalawa.“ sabi nya.

  Ha? Juliet? It means, siya ang gaganap na Juliet? Oh my holy mony! Nung sinabi nya yon parang ginanahan na ako para sa role na Romeo. Eh sinu ba naman ang hindi gaganahan pag ganito ang Juliet mo?

  “Ah? Ikaw ba si Juliet? Ayos, tayong dalawa pala ang gaganap eh. Edi dun ko nalang ipapakita na mahal kita?“ sabi ko. 

  “Jeff ! Wag kang maingay. Pag may naka alam na tayo lagot tayong dalawa.“ sabi nya.

  “Ok, sorry. Excited lang akong ...“ natigilan ako.

  “Na?“ tanong nya. 

  “Wala nan dyan na si Ma‘am. Usap nalang tayo mamaya ok?“ sabi ko.

  Tumango lang sya at parang na wirdohan sakin. Sa totoo ang gusto kong sabihin ay excited ako na makasama sya sa isang play na kahit kami lang dalawa ang may alam na may relasyon kami maipapakita parin namin sa lahat na mahal namin ang isa‘t isa.

Nag simula at natapos ang klasse ng nakatitig lang ako halos sa kanya. Halos hindi ko nga maintindihan yung lesson ng teachers namin. Masyado kasi akong natuwa na kami palang dalawa ang gaganap sa play na Romeo and Juliet. 

  “Jep jep.“ Tawag sakin ni Troy.

  “Kayo pala ni Lorein ang gaganap sa Romeo and Juliet no?“ sabi nya.

  “Ou, bakit bro?“ tanung ko.

  “Ala, ang suwerte mo eh. Ang ganda ganda kaya ng kapartner mo. Pati nung story. Sana magawa nyo ng maayos yung play. Congrats ha?“ sabi nya sakin. 

  Parang may iba sa muka nya. Parang pang hihinayang at lungkot. Baka hindi nya tanggap na hindi siya ang nakuha sa play. Nag try din kasi sya. Sabay nga kami eh. Ewan, hindi ko alam kung ano masasabi ko sa kanya para hindi sya malungkot.

  “Salamat pare ha? Ou gagalingan namin.“ ang tanging sagot ko kay Troy.

  Magkaibigan sila Troy at Lorein simula nung pumasok kami sa Middle School. Makalaunan naging mag kaibigan na rin kami ni Troy kasi parehas kaming kasali sa Tennis. Mabait naman sya. Madaling pakisamahan. Parehas rin kami ng gusto kaya siguro madali rin kaming naging mag kaibigan.

Pano Mo Nasabing Tanga Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon