Pano Mo Nasabing Tanga Ako? (2)

70 2 0
                                    

Kabanata 2:

   “Sige una na ko. Kita nalang ulit tayo bukas. Basta galingan nyo ha? Papanuorin ko kayo.“ sabi ni Troy.

    “Ok sigee, aasahan ko yan ha?“ sagot ko sabay ngiti sa kanya. 

   Habang lumalakad si Troy palayo, tinititigan ko sya. Mas na challenge tuloy ako ng dahil sa kanya. Ewan, basta bigla ko nalang naramdaman na kailangan kong galingan. 

  Kasabay kong nag lakad pauwi si Lorein. Ihahatid ko sya sa bahay nila, malapit lang kasi. Hindi alam ng mga classmates namin na magkalapit lang yung bahay namin. Masaya ko dahil minsan ko lang makasama pauwi itong girl friend ko. Ayaw nya kasing may maka kita sa amin na mag kasama baka daw kami ma issue.

  “Ah... Lorein, masaya ko kasi kasama kita ngayon. Hehehe.“ sabi ko habang ngumingisi.

  “Ako rin naman eh, kaso sana walang maka kita sa atin. Mahirap na baka makarating kay daddy lagot ako dun.“ sabi nya.

   Medyo nalungkot ako nun kasi parang ayaw nya na mag kasama kami. Samantalang may relasyon kami. Minsan nga naiisip ko kung talaga bang gusto nya ko. O ginagawa lang nya akong tao na pwede nyang lapitan at iwanan pag wala nang kailangan. But I always erase that in my mind. Ayoko nang ganung pag iisip sa relasyon namin. Mahal ko sya. At alam ko mahal din nya ko. 

   Habang nag lalakad kami, inakbayan ko sya. Pero nabigla ako sa reaksyon nya.

  “Jeff ! Dont do that!“ sigaw nya sa akin sabay tanggal ng braso ko sa balikat nya. 

   “Bakit Lorein? May problema ba?“ tanong ko. Napahinto rin kami sa pag lalakad.

   “Jeff, this is a public place and we need to be careful. Mamaya nasa paligid lang natin sila daddy and mommy, yung mga classmates natin? Please Jeff, dont do that ok?“ sabi nya, nung una medyo tumaas yung boses nya pero habang sinasabi nya yan nagiging malumanay naman yung boses nya.

  “It's just two of us Lorein? You don't need to react like that?“ tanong ko, pero nataasan ko ata yung boses ko. Bakit kasi ganun sya mag react? Ayaw ba nya ko makasama. Tsaka kami lang naman yung nasa kalye at private subdivision to? Ewan nakaka lito sya.

   “Jeff, just dont do that again. Ok?“ pag lilinaw nya sakin.

    Medyo gusto ko syang asarin kaya...

   “Pano pag ginawa ko ulit? Ha? Lorein? “ sabi ko.

   “Maiinis ako sige.“ sabi nya.

   Nag patuloy lang sya mag lakad. Sinundan ko sya sabay akbay ulit. Isang malutong na sampal ang natikman ko mula sa malambot nyang mga kamay.

   “Jeff!?! Anu ba!?“ sigaw nya sakin.

   “Gusto lang kita lambingin?! Grabe ka naman?? Tayo lang yung nandito Lorein ok?!“ sigaw ko. Ang sakit kaya. First time ko nakita syang magalit ulit. 

   “Jeff, I explained already. Wag kang makulit. Jeff naman oh? Pag di mu yan tinigilan wag ka nang sasabay sakin. Mag papasundo na ko lagi sa daddy ko!“ sabi nya sakin. Halatang asar sya.

   “Ay?! Wag. Ayaw mo ba sakin?“ tanong ko. Gusto ko lang mag open ng medyo madrama. Tignan ko kung kakagat sya.

  “Jeff, gusto kita. We‘re in relationship diba? Isn‘t that enough?“ sabi nya.

  Medyo nabigla ako dun ha? Ano to? Feeling nya yung pagiging gf ko sya ay isang biro lang?

  “Ha? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Lorein? Yes, your my girl friend, we‘re in a relationship and its not enough. Gusto ko ipakita sayo na mahal kita. At dun palang na pwede ko sabihin na its enough.“ madiin kong pag lilinaw sa kanya.

   Napahinto sya sa sinabi ko. Kitang kita sa muka nya na siya ay naguguluhan. Parang ayaw nya sa sinabi ko.

   “Jeff, jeff. Hindi pa ba sapat na nakuha mo na ako?“ sabi nya. Mukang kumagat sya at seryoso sa mga sinabi ko.

    “Yes I‘m not satisfied. Bakit ba ayaw mo ha?“ tanong ko.

   “Dahil baka makasira ito sa pag aaral natin. At ayoko mang yari yun. Ayoko i-break yung promise ko kila momy. Sana maunawaan mo ko Jeff.“ pakiusap nya sakin.

   “Ha? So ganun? E bakit mo pa ko sinagot? Bakit pa tayo may relasyon kung ayaw mo pala?“ sabi ko sa kanya. Bakit ganun sya. Sino pala ko sa kanya?

   “Gusto kita Jeff. Because I know you since then. Pero gusto ko i-prioritize yung pag aaral ko.“ sabi nya.

   “Parehas naman tayo na una ang pag-aaral pero ang hirap kasi pigilan yung nararamdaman ko. Sawa na akong itago ito.“ paliwanag ko sa kanya. Gusto ko talagang ipakita sa kanya na mahal ko sya kahit sa ibang tao. Mahirap kasi magtago.

   “Hay nako ewan ko sayo Jeff. Basta wag mo sasabihin na may relasyon tayo kahit kanino. Dahil pag iyan naka rating kay daddy. Lagot ako. Lagot pati relasyon natin. Ok?“ sabi nya. 

  Hindi nalang ako naka imik sa mga sinabi nyang iyon. Mas hahaba pa kasi yung usapin namin at medyo na ba-badtrip na rin ako. Bakit ko ba kasi ito sinimulan. Tuloy parang ako pa ang mas affected. Nakarating kami sa bahay nila ng walang imikan. Nag pasalamat lang sya sakin sabay sarado ng gate nila. 

  Ang hirap pala ng ganto no? Sikreto ang relasyon nyo? Di ko tuloy alam kung totoo ba na mahal nya ko o sadyang pinag lalaruan lang nya ko? Hindi ko kasi ramdam yung pag mamahal nya. Haay... yamu na nga. Basta sakin parin sya at mahal ko sya, yun ang alam ko.

  Nakauwi na ko sa bahay. Nag text pala si Lorein. Sabi nya...

   JEFF, PRACTICE BUKAS NG PLAY. PLEASE BE ON TIME. THANKS.

   Parang wala lang yari samin kanina ha? Pero ok lang nalaman ko naman na may practice bukas.

    Maaga ako sa Theater Room ng school namin. 30 minutes early. Nanduon na yung ibang kasali sa play pero si Lorein wala pa. Nag laro nalang ako ng PSP ko.

   After 10 minutes dumating na si Lorein. May dala siyang boquet of roses. Siguro props yun para sa play.

   Lalapit na ko kay Lorein na biglang sumulpot si Troy at biglang akbay at yakap sa girl friend ko. Wala lang kay Lorein yung  ginawa sa kanya ni Troy. Naka ngiti panga siya at kinurot yung pisngi ni Troy na nang-gigigil habang tumatawa. Anung meron? Bakit ganito? Nag-iinit ako? Gusto kong sumabog. 

Pano Mo Nasabing Tanga Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon