Pano Mo Nasabing Tanga Ako? (8)

39 1 0
                                    

Kabanata 8:

       Pinunasan ko ng aking mga kamay ang mga luha sa pisngi ni Katherine. Hindi na sya basta kasintahan o kaibigan sa akin. Mahal ko sya. Mahal na mahal. Ayoko nang may maramdaman kay Lorein. Iba na sya. Bahala na sa kanya si Troy. Pinag palit nya ang aming mahabang pinagsamahan sa isang iglap lang. Nakaka lungkot pero ito ang totoo.

      Nahihiya akong mag practice kasama si Lorein. Feeling ko kasi baka halikan nya ulit ako. Pero sa pag kakataon na ito nandito at pinapanuod ako ni Katherine. Minsan tinitignan ni Lorein nang masama si Katherine pero ini-ignore lang sya nito. Bakit nya kami kailangang ganunin samantalang sila naman ni Troy.

    “Last practice na ito guys! Sa Monday play na natin. Galingan nyo guys. Act like totoo ang ginagawa nyo ok? Sige place your self na.“  sabi ni Direct.

     Ou nga pala last practice na ito. Dapat galingan ko na. Pero, panu ko gagalingan kung yung minsong kapareha ko sa palabas na ito ay yung taong ayoko na sanang makita? Nakakainis pero kaya ko ito. 

     “Jeff. Ok ka lang?“ sabi ni Katherine.

     “Hindi nga eh. Naiilang ako kay Lorein.“ sabi ko.

     “Ok lang yan. Basta gawin mo nalang yung best mo. Ok?“ sabi nya.

     “Sige, para sayo. “ sabi ko sabay pisil sa kanyang pisngi.

      Umakyat ako sa stage ng naka ngiti sa kanya. Nakakatuwa kasi yung reaksyon nya nung pinisil ko pisngi nya. 

      “How sweet naman.“ sabi sakin ni Lorein.

       “Ganun talaga pag mahal mo yung isang tao. Bakit? Hindi ba sayo ginagawa yan ni Troy?“ sagot ko. 

      “Wala ka nang pake dun.“ sabi nya. 

      Parang ayaw nyang pag usapan yung relasyon nila ni Troy. Hindi ko alam kung bakit. Pero siguro kaya ganun kasi baka naman hindi sila ayos ni Troy. 

    “Tara practice na tayo.“ sabi ko kay Lorein. Inirapan lang nya ako sabay lakad patungo sa gitna ng stage.

      Ibang iba na talaga sya. Nung mga bata kami napaka humble nya. Magkasama pa kaming nag lalaro at nagkakatuwaan. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit nag kaganuon sya. Ipinag palit nya ako sa isang taong hindi naman sya kayang mahalin.

      Nag umpisa na kaming mag practice. Ok naman ang nagaganap. Maayos at natutuwa samin ang director kasi maayos daw kaming umarte. Wala na sakin yun sanay na ko kay Lorein. At siguro ganun din sya sa akin.

    Nandito na ulit kami sa part kung saan hahalikan ko si Lorein. Napatingin ako kay Katherine. Nakangiti sya sa akin at naka ngiti. Hindi ko alam kung gagawin ko itong part na ito. Pwede bang may ka double? Nakakailang. 

      “Jeff ! Anu na?“ sigaw ni direct.

      “Ha? Ahh sorry Direct.“ sabi ko. Para kasing hindi ko kaya.

      “Gawin mo na.“ sabi sakin ni Lorein.

      “Wala na akong tiwala sayo.“ sabi ko.

      “Sige cut nga muna. Mag practice kayo ha? Break muna guys!“ sabi ni Direct.

     “Panu yan practice daw?“ sabi ni Lorein.

      “Break daw muna.“ sabi ko.

      “Tayo mag pa-practice sila mag break muna. Hindi mo ba naintindihan?“ sabi nya.

      “Naintindihan, ayoko lang intindihin. Bahala na, gagawin ko nalang mamaya.“ sabi ko sabay baba at takbo kay Katherine. Hindi ko na sya nilingon pero alam ko nakita ni Katherine yung reaksyon ni Lorein.

Pano Mo Nasabing Tanga Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon