Kabanata 5:
Practice lang ng practice hanggang sa dumating na ang araw ng Sports Festival. Ang daming nagaganap sa school. Laban ng ganito, laban ng ganyan sa magkabilang panig ng paaralan. Masaya, parang may fiesta dito. Nakakatuwa yung mga istudyanteng nag sasayawan kasabay ng mga nag flash mob sa tapat ng Pricipals Office. Yung mga teachers nakiki saya din. Isa ito sa masayang part sa isang school year ng bawat mag aaral. Kahit papaano nalilimutan namin ang hirap ng pag aaral.
Kasama ko sa paglilibot sa school si Katherine. Ang ganda nya sa suot nya. Simple pero yung pagka simple nya ang nagpa angat sa kagandahan nya. Nakikigulo kami pag may kasiyahan na biglang magaganap sa school. Kahit mahinhin si Katherine marunong din syang makisaya. Nakakatuwa nga eh.
Naiisip ko parin hanggang ngayon si Lorein. Last kong pagkikita sa kanya ay nung nakaraang linggo. After ng klasse. Siguradong magkasama sila ni Troy ngayon.
Pasiklaban sa pagkanta ang tema ng kompitisyon na ginawa ng mga highschool students. Syempre, pinasali ko si Katherine.
“Ehh, anu naman ang kakantahin ko?“ sabi ni Katherine.
“Edi kahit ano. Wala ka bang kanta dyan sa cellphone mo?“ sabi ko.
“Meron, kaso... hindi ako prepared.“ sabi nya.
“ Ehh, biglaan naman talaga itong contest na ito. Kaya mu yan. I-chi-cheer kita.“ sabi ko sa kanya.
“Salamat. Sige.“ sabi nya sakin sabay ngiti. Yung ngiti nya na iyon na sinasabi na salamat sa pag suporta.
Nag simula na yung contest. Hindi ko naitanong kay Katherine kung anong kanta yung kakantahin nya. Basta alam ko pinilit ko syang sumali at susuportahan ko sya.
Kumanta na ang ibang kalahok sa patimpalak na iyon. 10 lang piniling kalahok. Yung iba parang joke lang ang pag sali. Ni konting ganda ng boses wala. Maya maya tinawag na si Katherine.
“Candidate number 7, a grade 9 student na napadaan lang kanina. Give her around of applause, this is Katherine!“ sabi ng MC.
Pag labas nya sa kurtina. Nakatapat lang sa kanya ang mga spot light. Seryoso ang itsura nya na talagang dinadamdam ang mga unang nota ng kanta. Hanggang sa inumpisahan niyang buksan ang bibig nya na nag lalaman ng maganda at malamig na boses.
(*)
Yung kanta nya na iyon. Medyo tinamaan ako. Naalala ko tuloy yung mga araw na lagi kong kasama si Lorein. Hindi ko alam, parang medyo natahimik ako.
Yung boses nya ang nagpatahimik sa buong kwarto na pinag dadausan ng kompetisyon. Parang natulala ang lahat ng tao pati yung mga nagkakatuwaang mga judges.
Grabe sa galing si Katherine. Nuong una ko sya mapakinggan nung nanalo sya dun sa nakaraang kompetisyon na sinalihan nya ay napa tulala din ako sa kanya.
Natapos ang pagkanta nya. Isang masigabong palakpakan ang tumambad sa kanya mula sa audience.
“Ayan ang talent!“ sabi ng MC.
Pagkatapos kumanta ng mga kalahok sinabi na agad ang winner. At syempre si Katherine ang nag champion. Ang galing nya eh. Nanalo sya ng 1000 pesos at isang maliit na trophy.
“Ang galing mo talaga!“ sabi ko.
“Hindi naman, siguro sadyang swerte lang ako ngayon.“ sabi nya sa akin.
Nag libot libot pa kami ng konti. Pagkatapos nun, dumiretso na ko sa Tennis club. Ngayon, ako naman ang papanuorin ni Katherine na lumaban. Sabi nya susuportahan din daw nya ko.
After ko mag bihis nilapitan ako ni Katherine.
“Galingan mo ha? Gusto ko manalo ka.“ sabi nya.
“Ou naman! Papakita ko sa boyfriend ng ex ko na kahit dito kaya kong manalo sa kanya.“ sabi ko.
“So, sya parin pala...“ sabi nya. Medyo naiba ang pinta ng kanyang emosyon.
“Hindi naman, basta gusto ko. Bakit?“ tanong ko. Hindi ko alam kung bakit sya nag kaganun.
“Wala naman, basta laruin mo yung laro na talagang gusto mo. Hindi dahil may gusto kang patunayan kundi dahil gusto mo ang nilalaro mo. Sige, aakyat na ko sa bleachers. Dun ako sa left side. I will cheer for you.“ sabi nya.
Medyo natauhan ako sa sinabi ni Katherine na iyon. Tama sya. Gusto ko ang Tennis. Simula bata ako pangarap ko na maging Tennis Player. Dapat laruin ko ito dahil gusto ko ito. Yama. Pero panu kung matalo ako ni Troy?
Maya-maya pa nag simula nang tawagin ng referee ang mga kasali sa competition. 24 players ang kasali.
Nag umpisang mag karoon ng labanan hanggang sa 4 nalang kaming natira.
Kalaban ko sa semi finals si Marlon. Nakalaban ko na sya nung 8th grade palang ako. Mabilis sya pero mas mabilis ako sa kanya.
Habang nag lalaro kami ni Marlon. Nahagilap ng aking mga mata si Lorein na nanunuod sa laban namin ni Marlon. But this time, she‘s not cheering for my side.
“Go Marlon! “ rinig na rinig ko ang boses nya na iyon.
Medyo nawalan ako ng tiwala sa sarili at nawala rin ako sa focus. Tila ayoko nang mag laro. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko. Kahit ba sabihin mo na cheer lang yan. Iba parin kasi kung nasa panig mo yung taong mahal mo.
Lamang na ng limang puntos si Marlon. Hindi ko alam kung mag papaubaya naba ako o lalaban pa ko. Konti lang naman ang lamang. Kayang kaya kong habulin.
“Go Jeff !“ pilit na sigaw ng isang babae sa kaliwa ko. Si Katherine.
Hindi ko aasahan na maka sisigaw ng ganun si Katherine. Sa hinhin ba naman ng boses nya. Sya lang sa halos lahat ng nanunuod ang talagang ag chi-cheer para sa akin.
Nag patawag ng 2 minutes break si Coach sa referee. Ayusin ko daw yung ginagawa ko. Napagalitan pa ko.
Biglang lumapit sakin si Katherine.
“Huy, Jeff . Kaya mu yan. Wag kang mag paapekto sa naririnig mo. Isipin mong mananalo ka ok? Nandito lang ako sa tabi mo.“ sabi ni Katherine.
First time kong narinig yon sa isang babae. Kahit dati oo nag chi-cheer sakin si Lorein pero never nya ako sinabihan ng ganito. Masyado akong na overwhelm sa sinabi ni Katherine. Parang may pana na tumama sa puso ko. Gusto kong maiyak o matuwa.
Pinaupo ko na si Katherine sa tabi ni coach. Gusto ko sya dun para makikita ko sya agad.
Hinabol ko at nilagpasan ng mabilisan ang score ni Marlon. Isang malakas na tira ang tumapos sa laro namin. Tuwang tuwa ako ng matalo ko si Marlon. Ngayon, lalaban na ko sa Finals. Natalo din ni Troy si Leonard sa laban nila.
“Isang laban nalang Jeff.“ sabi ni Katherine.
“Salamat sa pag papalakas ng loob ko Katherine.“ sabi ko.
“Ok lang yun. Malakas ka sakin eh. Oh. Galingan mo na ng todo sa Finale. Last na to. At si Troy ang kalaban mo. Gawin mo ang lahat para manalo. Maging masaya ka ha? Ok?“ sabi nya.
Naka ngiti lang ako sa kanya. Natutuwa ako kay Katherine. Iba yung feeling ng ganito. Si Katherine. :)
“Eto na ang pinaka hihintay ninyong lahat! Ang huling laban ng Tennis Competition in our Sports Festival !“ sabi ng isang lalaki sa mic ng buong sigla.
BINABASA MO ANG
Pano Mo Nasabing Tanga Ako?
Teen FictionAlam kong nagmahal ka na. Pero, minsan ba naisip mo na naging tanga ka na dahil sa salitang PAGMAMAHAL? Ou, ako'y isang lalaki lamang na naging bulag sa isang taong alam kong hindi ko na kayang ibalik. At sa isang taong alam kong nandiyan lang sa ta...