Kabanata 9:
“Panong ...“ sabi ko.
“Basta kuya 3 minutes, ay 2 minutes nalang po. Sige po.“ sabi nung staff.
Oo alam kong ilang beses na kaming napanuod ni Katherine na nag pa-practice ng play pero hindi ko alam kung kabisado ba talaga ni Katherine ang mga gagawin nya bilang Juliet.
Naka ready na ko sa unang scene na gagawin namin. Naka suot kami ng pang cotillion. Eto yung unang mag kakakilala si Romeo and Juliet.
Nag simula nang tumugtog ang pang cotillion na sayaw. Una kaming lumabas sa stage. Sunod namang lumabas ang mga babae at mahinhin na lumakad para isayaw namin.
Ang ganda ni Katherine. Parang siya talaga si Juliet. Nang hawakan ko sya para isayaw tinitigan muna nya ako sa aking mga mata.
“Alam ko ang steps. Alam ko kung pano i-a-act lahat. Kaya wag kang mag alala ok?“ sabi ni Katherine sa akin. Alam kong alam nya, kaya ok lang ako sa kanya.
Sumayaw kami hanggang sa matapos na ang scene na iyon. Nag patuloy pa ang palabas hanggang sa malapit na kaming matapos.
Eto yung scene na mag tatanan kami ni Juliet.
“Romeo. I love you. And I don‘t want to lose you. You are my life. You are my heart. Make me feel that you love me.“ sabi ni Juliet. Alam kong nag ad-lib sya. Alam ko rin na yun din talaga ang gusto nyang sabihin sa akin kahit sa totoong buhay. Kaya, mag a ad-lib din ako.
“Juliet, my love. I love you too. And I promise I will never lose you. I will never make you cry. I love you. Forever. For eternity.“ sabi ko sabay halik kay Juliet. Pero shempre hindi yun totoo. Baka masampal ako pagkatapos nito eh.
Natapos duon ang storya. Nakita nilang maganda ang palabas namin kaya mga nag standing ovation sila. Nakaka overwhelm. Tuwang tuwa ang aming direktor sa ipinalabas namin.
“Nakoo! Ang galing mo palang umarte. Sana ikaw nalang ang nakuha namin umpisa palang.“ sabi ng direktor namin.
“Salamat po. Pero panu si Lorein. Nandyan na ba sya?“ tanong ni Katherine.
“Nag txt sya sa staff namin, hindi na daw sya makaka punta ngayon kasi may sakit pala sya.“ sagot ng direktor namin.
May sakit pala sya sana nag sabi sya para hindi nahirapan ang mga staff at direktor namin na maghanap ng kapalit. Buti nalang kabisado pala ni Katherine ang lahat kay Juliet.
After ng play nag pasalamat ang lahat kay Katherine. Dahil kung hindi sa kanya siguradong sira ang palabas namin. Marami lang ang nagtaka kung bakit siya ang gumanap at hindi si Lorein. Naintindihan at nagandahan naman sila kaya ok lang daw yun.
Personal akong nagpasalamat kay Lorein. Kitang kita ko na masaya sya.
“Salamat ha?“ sabi ko.
“Wala yun. Buti lahat ng ginagawa ni Lorein tinitignan ko. Alam mo ba kasi inisip ko dati na sana ako nalang ang kapareha mo sa palabas na iyan para magagawa at masasabi ko rin ang mga bagay na iyon sa iyo. Hindi ko naman akalain na mang yayari yun. Nalulungkot din ako kay Lorein baka sabihin nya umepal nanaman ako.“ sabi ni Katherine.
“Hindi sya magagalit. Nagkasakit sya eh. Alangan namang ihinto ang play. Sabagay kung walang may ibang alam edi sana hinto talaga ang palabas. Kaya maging thankfull din sya sayo diba?“ sabi ko.
“Sabagay, pwede rin yang dahilan.“ sabi nya sabay tawa ng mahinhin.
Nakakatuwa sya. Yung feeling ng na i-save na nya ang palabas namin. Nasabi ko pa yung gusto kong sabihin sa kanya.
Kinabukasan pumasok na si Lorein. Muka syang malungkot. Halatang medyo may sakit pa sya. Lalapitan ko na sana sya kaso biglang lumapit sa kanya si Katherine. Nag uusap sila ng parang normal na mag kakilala. Wala akong nakikitang away. Walang taasan ng kilay at boses. Hindi ko nga lang alam kung anu ang pinag uusapan nila.
Hindi ko na natiis na hindi lumapit at makisama sa pinag uusapan nila.
“Hi. Pumasok ka na pala baka may sakit ka pa?“ sabi ko.
“Sinat nalang pero ok na ako.“ sabi ni Lorein.
“Ano pinag uusapan nyo?“ tanong ko.
“Amm... mas mabuting ikaw nalang Lorein ang mag sabi sa kanya. Salamat nga pala ha? Sige wait nalang kita Jeff sa canteen.“ sabi ni Katherine saming dalawa ni Lorein.
Medyo nag hintay muna kami ng ilang segundo tsaka sya nag salita.
“Ang swerte nya sayo no? At ang swerte mo rin sa kanya. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nag paka tanga nung tayo pa. Alam mo? Napaka tanga ko. Kasi pinakawalan kita kahit may nararamdaman parin akong pag mamahal sayo. Siguro kung hindi kita pinag palit, tayo paring hanggang ngayon. Walang away, hindi ko nararamdaman ito. Pero huli na. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kayo na, at ayoko nang mangulo sa pag mamahalan nyo. Ingatan mo sya ha? At ingatan ka rin sana nya. Sorry sa mga nagawa ko ha? Salamat din.“ sabi ni Lorein.
First time nya yun sinabi sa akin. Lumuwag ng husto ang aking dibdib. Hindi pala sya totoong nag bago. Pinilit lang nyang maging iba para hindi maapektohan sa amin. Pero ngayon mukang natauhan na sya. Pero, kamusta sila ni Troy?
“Ahh. Wala yun. Alam kong hindi ka naman talaga ganyan. Teka, kamusta nga pala kayo ni Troy?“ tanong ko.
“Wala na kami ni Troy. Nakipag break na ko sakanya kasi hindi ko nga naman sya naaasikaso at sinasaktan din nya ko. Sya talaga ang nag iba. Ewan ko. Dahil din siguro sakin.“ sabi nya.
“Ah, pasensya na. Siguro mas mabuting hindi nalang natin sya pag usapan.“ sabi ko.
“Mag ta transffer na nga daw pala sya ng school. Naiinis sakin eh para daw di na nya ko makita at maka pag move on sya.“ sabi nya.
“Haay, mabuti pa nga para di mo narin sya ma alala.“ sabi ko.
“Salamat talaga. Friends na ulit tayo ha?“ sabi nya sakin.
“Oo naman. Friends“ sabi ko.
Friends na ulit kami. At alam kong hanggang dun nalang yun. Mahal ko si Katherine. Siya lang at wala nang iba.
BINABASA MO ANG
Pano Mo Nasabing Tanga Ako?
Teen FictionAlam kong nagmahal ka na. Pero, minsan ba naisip mo na naging tanga ka na dahil sa salitang PAGMAMAHAL? Ou, ako'y isang lalaki lamang na naging bulag sa isang taong alam kong hindi ko na kayang ibalik. At sa isang taong alam kong nandiyan lang sa ta...