Kabanata 3:
“Troy ang sweet mo talaga. Salamat ha?“ sabi ni Lorein na GIRL FRIEND ko kay Troy.
Halos mabingi ako sa sinabi ni Lorein na iyon. Dudugo ata ang tenga ko. Gusto kong sapakin ang napaka kapal na muka ni Troy. Pero, pero, pero... wala akong magawa.
“Ang ganda nyan ha?“ biglang sali ko sa usapin nila.
“Jeff.“ ang tanging nasabi ni Lorein. Gulat na gulat sya na parang naka kita ng multo.
“Ui Jep jep! Maganda ba? Girl friend ko na nga pala si Lorein.“ ang sabi ni Troy.
Gusto kong suntukin sa muka nitong si Troy at sabihin na Walang hiya ka! Girl friend ko yan! Gusto mo pakain ko tong kamao ko sayo?
“Ah... kelan pa?“ tanong ko.
“Kahapon lang“ sagot ni Troy.
Napatingin ako kay Lorein. Kita ko sa mga mata nya ang takot at kaba. Gulat na gulat sya. Ang sakit sa puso. Yung nga naramdaman ko pala kahapon ay totoo. Hindi ako mahal ng taong mahal ko. Ginamit at pinag laroan lang nya ako. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Ayokong umiyak sa harap ng tarantadong lalaki na ito.
“Ayos, mag tagal sana kayo.“ sabi ko.
Ang tanga ko?! Nagulat ako sa sinabi ko! Bakit ko ba yun sinabi? Bwisit!?
“Syempre naman!“ tuwa pang sinabi ni Troy.
“CR lang ako ha?“ palusot ko sabay takbo sa CR. Bago ko umalis tinitigan ko muna si Lorein. Gusto kl syang sigawan. Parang yung puso ko sasabog. Naka titig lang din sya sakin hanggang sa tumalikod ako at umalis.
Ang sakit!
Ganto pala pag nabigo ka sa pag ibig. Yung babaeng minahal ko ng matagal. Pina asa at niloko lang pala ako. Gusto kong suntukin ang salamin sa harapan ko. Gusto kong mag wala. Ang sakit sakit.
First time kong makita ang sarili ko sa harap ng salamin na umiiyak. Nakaka awa pala ang itsura ko.
Bago pa may maka kita sa akin na umiiyak, hinugasan ko na ang muka ko.
PRACTICE START! ROMEO AND JULIET COME TO THE STAGE.
Wala ako sa focus.
Sisimulan ang play nung unang magka kilala si Romeo at Juliet sa isang Ball. Habang sinasayaw ko si Lorein. Naka titig lang ako sakanya. At sya din sa akin. Pinag mamasdan ko lang ang kanyang mga magagandang mata. Gusto ko syang yakapin at sabihin na “Bakit?“
“Sorry.“ sabi nya.
“Ang sakit.“ sabi ko.
“Patawarin mo ko.“ sabi nya.
“Mahirap, pero mahal parin kita.“ sabi ko.
Napa pikit si Lorein sabay tingala. Parang gusto nyang umiyak pero pinipigilan lang nya.
“Wag kang iiyak.“ sabi ko.
“Hindi.“ sabi nya.
“Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka Jeff.“ dugtong nya.
Gusto ko sana sabihin na Bakit mo ito nagawa sa akin pero biglang natapos ang tugtog ang pinag hiwalay kami ng director namin.
“Bravo. Very good. Ganyan sana until the end. Ok?“ sabi ni Direct.
Nag practice lang ako ng isang beses dahil need ako sa Tenis Club. Gusto ko sana kausapin si Lorein before luch break kaso di ko sya naka usap.
Nakita ko si Troy sa court. Sya palang ang player na nag lalaro. Si coach nasa gilid lang at pinag mamasdan si Troy.
Kina usap ako ng Coach namin. Iniimbita nya ako na mag laro sa darating na Sports Festival. Umoo naman ako.
Bakit ako pa ang napili ni coach samantalang nandyan naman si Troy?
After ako kausapin ni coarch, nag bihis ako at nakipag laro ako kay Troy. Maganda ang naging laro naming dalawa. Magaling sya. Pero syempre hindi ako nag patalo. After namin mag laro, kinausap ko si Troy sa Shower Room.
“Troy, gano mo kamahal si Lorein?“ tanong ko.
“Mahal na mahal. Bakit mo naman natanong?“ sabi ni Troy.
“Ala lang. Best friend ko kasi sya eh. Alagaan mo sya ng mabuti ha?“ sabi ko.
Para talaga akong tanga. Mahal ko si Lorein pero parang sumusuko na ko. Ayoko syang basta-basta bitawan. Wala lang siguro ko masabi kay Troy kaya nasabi ko yun. Ano ba naman ang magagawa ko kung hindi ipag katiwala na kay Troy si Lorein dahil sila na.
“Ou naman, ma aasahan mo ko dyan.“ sagot ni Troy.
Hadali siyang umalis sa Shower Room dahil sabay daw sila kakain ng Lunch ni Lorein.
Eto nanaman ako. Isip ng isip kay Lorein kung bakit nya yun nagawa sa akin. Iniisip ko kung ni minsan ba minahal nya ko? Kaya pala ganun sya sakin. Ayaw nyang isa publiko ang relasyon namin dahil meron pang iba sa puso nya. Iniisip ko kung hanggang sa oras na ito ay may relasyon paba kami o wala na.
Na ginhawaan ako sa pag ligo ko sa Shower Room. Yung mga studyante sa paligid ko naka tingin nanaman sakin. Medyo na iirita na ko.
Pag dating ko sa Canteen wala na sila Lorein at Troy. Ang ingay-ingay dito parang may gera. Kakain lang itong mga studyante na ito bakit dapat ganun pa sila kaingay?
Naupo ako sa malayo sa mga nag kakaingay na grade seven students. Mga bata pa talaga sila.
Maya-maya biglang may lumapit sa akin. Kilala ko sya. Sya yung babaeng sumali sa singing contest last month. Nanalo sya bilang Champion. Fan nya ko sa totoo lang. Maganda rin sya at ang lamig at ang lambing nang boses nya pag nag sasalita pero grabe sa ganda pag lumakanta.
“Pwedeng bang maki-share dyan sa table mo?“ sabi nya.
“Ou naman, sigee.“ sabi ko.
Magka parehas pa kami ng kinakain. Nakakatuwa. Gusto ko sya kausapin kaso wala naman akong masabi. Dahil nasa isip ko parin si Lorein.
“Ang lalim naman ng iniisip mo.“ sabi nya.
“Ah wala ito. Iniisip ko lang yung test namin kanina.“ sabi ko.
“Bakit bumagsak ka ba? Ok lang yan. Ganyan talaga. Minsan bago mo makamit yung gusto mo, kailangan mo munang maramdaman ang bumagsak. Pero yamo, next time galingan mo nalang. Alam ko makakabawi ka rin.“ sabi nya sa akin.
Parang napa isip ako sa sinabi nya.
“Ikaw diba si Katherine?“ tanong ko.
“Ou, ako nga. Nice to meet you, Jeff ?“ sabi nya.
“Ou, nice to meet you too.“ sabi ko.
Sabay lang kaming kumain. Ngitian.lang at pakiramdaman. Sa tuwing ngumingiti sya, naiisip ko si Lorein, ang Girlfriend kong manloloko. Pero tama si Katherine. Kailangan ko talagang bumagsak muna. Para matutunan ko rin kung paano tumayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/4936777-288-k892442.jpg)
BINABASA MO ANG
Pano Mo Nasabing Tanga Ako?
Teen FictionAlam kong nagmahal ka na. Pero, minsan ba naisip mo na naging tanga ka na dahil sa salitang PAGMAMAHAL? Ou, ako'y isang lalaki lamang na naging bulag sa isang taong alam kong hindi ko na kayang ibalik. At sa isang taong alam kong nandiyan lang sa ta...