Pano Mo Nasabing Tanga Ako? (6)

31 1 0
                                    

 Kabanata 6:

     Tinawag na kami ni Troy. Bago nag simula ang laro nakipag kamay muna ako kay Troy. Naka titig lang sa akin si Troy habang kinakamay ko sya. Ni hindi nga siya ngumiti oh anuman. Bakit? Siguro alam na nya yung tungkol sa amin ni Lorein. 

     Sa kanya ang bola. Isang matinding tira ang ginawa nyang serve papunta sa akin. Kamuntik ko nang hindi matira. Magaling talaga si Troy. Isa sya sa pinaka mahigpit kong kalaban pag dating sa laban. Ang bilis nya, pero kaya ko naman syang sabayan. 

    Ilang minuto na ang lumipas lamang na ako sa kanya ng pitong puntos. Halata sa muka nya na gustong gusto nyang habulin ang puntos na meron ako. Napapa ngiwi nga siya pag nalalamangan ko sya. Alam kong binibigay nya ang best nya, pero shempre ayaw kong magpatalo.

     Hampas dito, hampas duon. Nakaka pagod. Pero lamang parin ako. 

     “Kaya mu yan Troy!“ sigaw ni Lorein pati ng mga kasama nyang ibang babae.

     “Kaya mo yan Jeff !“ sabi naman ni Katherine.

     Ngayon ok na sa akin kung hindi ako suportahan ni Lorein. Anung magagawa ko? Bitter lang siguro ako.

     Malapit na akong manalo. Isang score nalang. Si Troy apat na puntos paang bubunuin. Halatang naiinis na sya dahil sa lakas ng tira nya sa bola alam nya siguro na baka matalo ko sya. 

     “Isa nalang! Isa nalang! Woo!“ sigaw ng maraming tao. Kung kanina walang nag chi-cheer sa akin ngayon halos lahat na. 

     Si Lorein ay tahimik nalamang na nanunuod sa laban namin ni Troy. Mukang malungkot na sya.

     Isang pa spike ang tinira ni Troy. Tinira ko naman ito pa itaas. Sunod syang tumira ng tama lang pero malakas. Sabay tira ko sa bola ng malakas. Hindi nya natira yung bola. Pinilit nyang habulin pero hindi nya nakuha. Duon na natapos ang laban. At ako ang nanalo.

     Napa luhod ako bigla sa pagod. Pumapatak ang bawat pawis ko sa sahig. Ang init. Gusto ko ng hangin. Hindi ko na pinansin ang tao sa paligid ko habang sabay sabay silang humihiyaw para sa pagka panalo ko. Tumingin ako kay Troy. Naka tayo lang sya at tulala sa akin. Parang iniisip nya na bakit sya natalo. Niyakap sya ni Lorein pero tinulak nya ito palayo. Nag babaan na ang mga tao sa court. Hindi ko na nakita si Lorein nang bigla syang tumingin sakin pagkatapos syang itulak ni Troy palayo. Halata sa muka nya na nalungkot sya sa pagkatalo ni Troy. Muka ngang iiyak sya eh. 

     Itinayo ako ni Coach. Niyakap nya ako ng mahigpit at nakipag shake hands ng todo-todo. 

      “Ang galing mo Jefferson! Alam ko na ikaw talaga ang mananalo umpisa palang.“ sabi ni Coach.

     “Salamat po sir.“ sabi ko.

      Maraming nag pa picture sa akin. Siguradong sikat na naman ako neto sa school. Sa lahat ng tao sa paligid ko wala ang taong nag bigay sa akin ng lakas ng loob para manalo. Si Katherine. Naka upo lang sya mag isa. Hawak hawak nya yung camera nya at kinukuhanan nya ako ng picture mula sa malayo. Lumapit ako sa kanya.

      “Bakit hindi mo ko pinuntahan dun?“ sabi ko.

      “Panalo ka na eh. Tsaka alam kong pupuntahan mo ko dito. At tama ako.“ sabi nya sabay hawak sa kamay ko. 

       Meron syang sasabihin sa akin pero biglang nag patutog ng malakas. Sumabay pa yung mga taong nasa paligid ko na gustong kumuha ng litrato para daw i post sa school paper. Hinatak din ako bigla ni Coach para parangalan sa king pagkapanalo. 

     Naiwan ko si Katherine. Ni hindi ko narinig yung huli nyang sinabi. Na ku-curious tuloy ako kung anu yun. 

    Nakatayo na ako sa champions place. Nasa kaliwa ko si Troy at nasa kanan ko si Marlon. Nag third nga pala si Marlon dahil natalo nya si Leonard. 

     Ayaw ako tigan ni Troy. Kahit second sya hindi parin nya tanggap na ganun ang pwesto nya. Wala na rin si Lorein sa court kahit sa bleachers. Hindi ko alam kung saan na sya nag punta.

     Sinabitan na kami ng medalya. Tuwang tuwa ako hindi dahil natalo ko si Troy kung hindi dahil nanalo ako sa larong gusto ko. 

     Pagkatapos ng kompitisyon na iyon marami na ulit ang nakakakilala sa akin. Marami rin ang bumabati para sa pagka panalo ko. Ang sarap pala ng feeling na ganito.

     Kinabukasan tanghali na akong na gising. Pagod na pagod ako dahil sa laban ko kahapon. Hanggang ngayon masaya parin ako.

     Pag babako sa hagdan galing kwarto napansin kong may handang masasarap na almusal sa kusina. Nag isip ako kung nandito ba si Tatay o ano? 

      “Hi, good morning.“ tinig ng isang babae mula sa likuran ko. Hindi si Nanay kundi si Katherine.

       “Oh?! Bakit nandito ka?“ tanong ko. Nagulat ako dahil ni hindi alam ni Katherine ang bahay namin.

       “Tineks ako ng kuya mo kagabi. Tinanong nya kung girl friend mo ba ko.“ sabi nya.

      “Eh, anung sabi mo?“ tanong ko ulit.

      “Sabi ko friends lang tayo. Nakita daw kasi nya ko na sweet sayo kahapon. “ sabi nya.

       “Adik talaga si kuya. Teka? Sinu nga pala nag luto ng mga pag kain na ito? Ang dami ha?“ tanong ko ulit sabay upo. Gusto ko na kasing kumain.

        “Kumain ka na. Ako ang nag luto nyang lahat.“ sagot nya sabay tabi sakin.

      “Oh? Hindi nga? Astig! Salamat!“ pasalamat ko kay Katherine.

       “Pasalamatan mo rin ang kuya mo. Tinanong nya kasi kung sanay ako mag luto. Sabi ko ou. Kaya pinapunta nya ako ngayon para ipag luto ka. Gift daw nya yan sayo kasi nanalo ka kahapon.“ sabi nya. Masaya pa nyang kini kwento ang mga sinabi ni kuya sakin. Ngayon lang ito ginawa ni kuya para sa akin kaya super saya ko.

     “Nasaan nga pala si kuya?“ tanong ko.

      “Nauna na sa school. Mag babantay daw sya ng booth nila. Sya dawkasi incharge sa Sports Fest Booth nila today.“ sabi ni Katherine.

     “Salamat ha? Kasi lagi kang nandyan sa tabi ko. Kahit yung ex ko hindi nya ito ginawa sa akin kahit minsan. Ikaw lang talaga.“ sabi ko.

     “Wala yun. Malakas ka nga sakin diba? Tsaka what are, friends are for?“ sabi nya. 

      “Yeah, friends.“ sabi ko.

      I still love Lorein but wala na sya sa puso ko dahil sapilitan syang lumabas. Pero may isang tao na pumapasok sa puso ko. Kahit ngayon lang kami nag kita parang matagal na kaming mag kakilala. Sya ang nag palakas ng loob ko sa lahat ng problema ko ngayon. Sya ang tinuturing kong best friend. Si Katherine.

Pano Mo Nasabing Tanga Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon