Pano Mo Nasabing Tanga Ako? (10) [WAKAS]

37 1 0
                                    

Kabanata 10:

      Ang lahat ng tao may karapatang mag mahal. Oo minsan kailangan mo munang madapa para may matutunan ka. Sinu ba ang nadapa? Lahat kami nadapa. Lahat kami naging tanga. Oo mahal ko sya. Mahal ko rin sya. Pero isa lang sa kanila ang mas matimbang sa puso ko. Kung hindi ang babaeng nagpamulat sa aking mga mata kung ano ang tunay na pag mamahal. Hindi mo kailangan ipag pilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa iyo. At huwag mong talikuran ang taong mahal mo. Dahil isa lang yan upang tawagin kang isang tanga.

      Hanggang ngayon kami parin ni Katherine. Si Lorein at Troy naman ay tuluyan nang nag kahiwalay. Naging magkaibigan ulit kami ni Lorein at hanggang duon nalang yun. Masaya kami ni Katherine. Kitang kita ko na mahal nya talaga ako. At alam kong alam nya na mahal na mahal ko sya. 

     Summer nuon ng magkita kami ni Katherine sa isang pala isdaan malapit sa kanila. Malinis dito at napaka tahimik. Magkasama kami ditong nakaupo at naka tingin sa magandang pag lubog ng araw. Kinausap ko sya.

      “Kath. Mahal na mahal kita tandaan mo yan.“ sabi ko.

       “Mahal din naman kita eh. Mahal na mahal.“ sagot nya.

       Yung mga salitang yun. Nakaka gaan ng loob. Oo hindi pa kami matanda para sa mga ganitong bagay. Pero masisisi mo ba kung ang puso na ang nag salita? Kung mahal mo ang isang tao. Mahalin mo, lalo kung mahal ka rin nya. 

                                                                                       [WAKAS]

Pano Mo Nasabing Tanga Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon