Kabanata 4:
Si Katherine ang nakasama ko hanggang hapon. Tiga ibang section sya pero dahil wala kaming klasse dahil biglang nagka meeting sinamahan nya kong mag practice sa Theater Room. Ou nandun si Lorein. Kahit kasama ko si Katherine sa kanya parin ako naka tingin.
Dumaan ang maraming araw naging mabuti kong kaibigan si Katherine. May mga part na kakanta ako sa play kaya natutulungan nya ko. Kung dati si Lorein ang madalas kong kasamang babae ngayon si Katherine na. Ewan, ang gaan lang ng feelings ko sa kanya.
Until now hindi ko parin makalimutan si Lorein. Ang hirap kasi mag move on lalo na kung talagang mahal mo yung isang tao. Gusto kong kalimutan sya, pero may mga bagay na laging nag papaalala sakin sa mga araw na mag kasama kaming dalawa. First girl friend ko si Lorein. Kababata ko pa. Hindi pala totoo ang First Love Till The End. Ang hirap na tuloy mag mahal ulit.
Nalalapit na ang Sports Festival. At kasali nanaman ako. Ang hirap pag sabayin ang practice ng Play at Tennis. Na ha-haggard tuloy ako. Mas madalas ako ngayon mag practice ng Tennis. Kailangan ko daw manalo sabi ni Coach.
“Coach, ako lang ba ang kasali sa Tennis Competition sa darating na Sports Fest.?“ tanong ko. Sana may kasama ako para hindi lang sa akin lagi naka tingin ang mga mata ni Caoch.
“Meron, si Troy kasali din.“ sagot ni Coach.
Si Troy? Bakit sya pa? Sabi na, kaya siguro nag pa-practice ng madalas si Troy. Kasali din pala sya pero ni minsan hindi nya yun binangit sakin. Siguro gusto nya akong supresahin at talunin. Sa pangalawang pag kakataon, na challenge nanaman ako ni Troy. Kahit dito lang sa Tennis gusto ko syang talunin. Kahit dito lang.
Napansin ata ni Coach na napa tigil ako sa ginagawa ko.
“Ayos ka lang ba Jeff ?“ tanong ni Coach.
“Ay, opo sir. Medyo napagod lang siguro ako sa practice.“ sabi ko.
“Sige mag pahinga ka na. Bukas nalang ulit.“ sabi ni sir.
Sa totoo lang hindi pa ko makakapag pahinga. Kailangan ko pa kasi pumunta sa Theater Room at mag practice.
Pag bukas ko ng pintuan ay inaasahan kong umang makita ay si Lorein. Pero ang nakita ko ay si Troy. Pasalubong sya sakin. Akala ko kakausapin nya ko o anuman pero dumaan lang sya sakin ng parang wala syang nakita. Gusto ko sana syang kausapin about sa Tennis Competition pero, yamuna nagbago na ang isip ko.
“Jeff.“ isang kilalang boses ang tumawag sa akin. Si Lorein.
“Practice tayo? Gusto mo?“ sabi nya.
“Ok lang, sige. Anu bang part ang gusto mong i-practice natin?“ tanong ko. Parang noramal lang ang lahat habang nag uusap kami.
“Yung mag kikita tayo sa balkonahe.“ sabi nya.
“Ok, tara.“ sabi ko.
Habang nag pa-practice kami ni Lorein hindi na namin namalayan na Lunch break na pala. Pati yung ibang stuff ng play masyadong na focus sa mala tunay na pag ganap namin ni Lorein sa role namin. Sana nga ganun nalang kami.
Huminto na kami ng biglang dumating si Katherine. May dala syang pag kain para saming dalawa.
“Jeff, sabay tayong kumain. May dala akong food.“ ang sabi ni Katherine.
“Sige, no problem. Nag abala ka pa. Salamat.“ sabi ko.
Nag uusap kami ni Katherine ng biglang lumapit si Lorein.
“Sino sya?“ sabi ni Lorein.
“Si Katherine, friend ko.“ sabi ko.
“Friend? O Girl friend?“ sabi nya.
“Friend... bakit?“ pag tataka ko. Parang may gusto syang sabihin sa akin. Maya-maya ay bigla siyang humarap kay Katherine.
“Ang sweet mo naman Girl Friend?“ sabi nya. Biglang tinaasan nya ng kilay si Katherine.
“Salamat, but we‘re just friends.“ sabi ni Katherine.
“Oh really? Meron na palang friends na napaka sweet sa isa‘t isa. May dala pang Lunch.“ sabi ni Lorein.
Gusto ko na sanang pag layuin silang dalawa kaso...
“We‘re friends. Thank you. Tara Jeff kain na tayo.“ sabi ni Katherine kay Lorein sabay harap at hila sa akin palayo.
“Mabuti pa, gutom na rin kasi ako.“ sabi ko.
Iniwan namin si Lorein ng nakatayo mag isa. Parang may selos sa kanyang mga mata. Pero bakit? Diba may Troy na sya? And Katherine and I are just friends. She don‘t need to react like that?
Ang sarap pala mag luto ni Katherine. Swerte magiging boyfriend nito. Maganda na, magaling kumanta, matalino at masarap mag luto.
“Ang sarap ng luto mo ha?“ sabi ko.
“Salamat.“ tanging sagot nya.
“Sino ba yung babae kanina?“ tanong nya ulit.
“Classmate ko.“ sagot ko.
“Classmate o...“ sabi nya.
“Ex ko.“ sabi ko.
“Nag ka girl friend ka na pala. Sya ba yung iniisip mo palagi? Napansin ko kasi nung naka raan madalas kang tumitingin sa kanya. Tapos tinarayan pa ko kanina kaya napag isip isip ko na may relasyon kayo. Kwento mo naman sakin.“ sabi nya.
“Ayoko, mahaba eh.“ sabi ko.
“Ok lang, makikinig ako.“ sabi nya.
“I just don‘t want to talk about it Katherine.“ sabi ko. Ayoko kasing ma badtrip.
“O... ok. Sorry.“ tahimik nyang sinabi.
After namin mag lunch nag hiwalay na kami ni Katherine. May klasse na kasi ako. Sabi nya pupunta nalang daw sya sa Glee club. Dun kasi ang club nya.
Medyo nahirapan ako sa mga test ngayon. Nagka sabay-sabay pala lahat. Alam kong ganun din yung mga ka-klasse ko.
Patapos na ang second grading. Mag se-sembreak na. Pero bago ang sembreak ay yung patong-patong na exams, requirements, play sa darating na Stage Acting Competition, pati ang Tennis sa darating na Sports Festival. Buti nalang hindi nag kasabay ang play at yung laro ko. Patay ako pag ganun.
Next week na ang Sports Festival. Excited na ko lumaban at talunin si Troy. Gusto ko ipakita na kahit dito panalo ako. Pero, katulad din parin ba ng dati ang mangyayari sa laban ko? Yung makakarinig ako ng sigaw para sa akin. Sigaw ng taong mahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4936777-288-k892442.jpg)
BINABASA MO ANG
Pano Mo Nasabing Tanga Ako?
Teen FictionAlam kong nagmahal ka na. Pero, minsan ba naisip mo na naging tanga ka na dahil sa salitang PAGMAMAHAL? Ou, ako'y isang lalaki lamang na naging bulag sa isang taong alam kong hindi ko na kayang ibalik. At sa isang taong alam kong nandiyan lang sa ta...