Kabanata 7:
Niligawan ko si Katherine hanggang sa maging kami. Pero iba parin ang pag mamahal na nararamdaman ko kay Lorein.
Malapit nang mag simula ang Stage Acting Competition. Almost two weeks nalang ang natitira. Need ko mag practice ng mag practice kasi marami akong practice na hindi na attendan. Ako pa naman ang isa sa main character.
“PRACTICE BUKAS, PLEASE ATTEND. THANK YOU.“ txt sa akin ni Direct.
May practice pala bukas. Makikita ko nanaman si Lorein. Teka? Bakit sya ang nasa isip kong makita. May Girl Friend na ako. Ayokong mawalan ulit ng minamahal.
As usual maaga parin akong dumating sa school Theater Room. Kalahating oras pa bago mag simula ang practice. Nandito na rin si Lorein. Nakikipag tawanan sya sa mga kasama nyang babae.
Maya-maya dumating na yung director at nag umpisa na kaming mag practice. Kung sa story ni Shakespeare namatay ang dalawang magkasintahan. Dito sa play namin happily ever after ang gagawin namin.
Nandito na kami sa part na itatanan ko daw si Juliet para magkasama na kami ng buo at wala ng hadlang. Ang mga salita at galaw namin ni Lorein ay pawang totoo. Iniisip ko tuloy kung meron pa syang nararamdaman sa akin.
May isang senaryo na kailangan naming mag kiss ni Juliet ito yung part na patapos na ang play.
“Pano ba natin i fe-fake yung kiss na gagawin natin?“ tanong ko.
“Lumapit ka lang pero wag mong ididikit ang labi mo sakin.“ sabi nya.
“Ah sige.“ sabi ko.
Nabuo namin ang play ng mabilisan. Saglit lang naman kasi iyon pero makikita mo yung kagandahan ng palabas.
Isang araw nag practice kami ni Lorein ng kami lang dalawa sa Theater Room. Para daw mas ma feel namin ang isa‘t isa sabi ni Direct. Pero shempre nag pa alam ako sa girl friend ko kasi baka magalit yun.
Nag umpisa kami sa sayaw. Isang slow walts ang sayaw namin na talagang pang mga sinaunang sayawan pa ang tugtog. Nakakatuwa dahil natutunan ko pa itong sayawin kasama si Lorein.
“Wag kang mahihiya sa akin ha?“ sabi ni Lorein.
“Ok lang naman ako hindi naman ako nahihiya.“ sabi ko.
Sa totoo lang nahihiya talaga ako. Kasi ang tagal narin nung huli ko syang makasama ng kami lang dalawa. Iyon yung mga araw na kasama ko sya sa pag lalakad sa kalye.
“I-practice na natin yung last part.“ sabi nya.
“O sige.“ sabi ko. Aaminin ko medyo kinakabahan ako sa last part kasi baka mahalikan ko sya ng totoo.
“Romeo, make me feel that you love me. I love you and I don‘t want to lose you“ Juliet said.
“I don‘t want to lose you too Juliet. All of my love is only for you my love.“ Romeo said.
Dahan dahan kong inilapit ang aking labi kay Lorein. Hininto ko ang pag lapit dahil alam kong malapit na ang labi ko sa labi nya.
Pero nagulat ako kay Lorein ng bigla nyang idinikit ang labi nya sa akin. Napahawak ako sa balikat nya. Sya ang first kiss ko. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Bigla akong nag init.
Hindi pa binibitiwan ni Lorein ang labi ko ng biglang sumarado ang pinto ng Theater Room.
Si Katherine. Nakita nya na magkahalikan kami ni Lorein. Naka titiglang sya sa aming dalawa. Kitang kita ko amg luha na umagos sa kanyang mga mata. Sabay labas sa kwarto.
“Bakit mo yun ginawa!!! Nakita tuloy tayo ni Katherine!!“ sagaw ko kay Lorein.
“Nag pa practice tayo? Ano masama dun?“ tanong nya na parang nang iinis.
“Alam kong practice pero sana hindi mo ko hinalikan ng totoo! Anu nalang sasabihin ko kay Katherine ha?“ sabi ko.
“Bakit? Anu bang meron sa babaeng iyon eh magkaibigan lang kayo?“ tanong nya.
“Girl Friend ko sya!“ sabi ko.
“Ay, kayo na pala. Sorry pero mukang maaga kayong mag be-break.“ sabi no Lorein.
“Plinano mo to no? Ang sama mo Lorein. Hindi na kita kilala!“ sigaw ko sa kanya.
“Hinalikan mo rin naman ako. Kaya may mali ka rin.“ sabi nya.
“Ewan ko sayo!“ sabi ko. Kinuha ko ang bag ko sabay alis sa kwarto.
Hinanap ko si Lorein sa Club nya wala sya dun. Pati sa coart at classroom nya wala sya. Tinanong ko narin sa mga kaibigan nya kung nakita nila si Katherine pero hindi daw, ang alam nila pumunta daw sakin para bigyan ako ng pagkain.
Hinanap ko pa sya ng hinanap hanggang sa matagpuan ko sya sa swimming pool ng school. Naka upo sa gilid ng pool habang yung dalawa nyang paa ay naka lublob sa tubig. Umiiyak sya. Kitang kita ko ang patak ng luha nya.
“Katherine! Katherine patawarin mo ko.“ sabi ko.
“Bakit? Sabihin mo! Bakit mo yun ginawa sakin?! Mahal kita Jeff simula nung umpisa kitang makita! Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka at maipakita ko na mahal kita! Bakit!“ sigaw nya. Talagang maririnig mo sa boses nya ang sakit na nararamdaman nya habang sya at umiiyak dahil sa akin.
“ Nag kakamali ka Katherine, kasama yun sa play namin. “ sabi ko. Di ko alam kung tama yung sinabi ko na iyon.
“ Play?! Kailangan totoong halikan?! Anu to? Lokohan? Hindi ako tanga Jeff ! Hindi! Alam kong may pagtingin ka parin dun sa babaeng iyon!“ sabi nya.
“ Wala na Kath. Hindi na kami!“ sabi ko.
“Hindi na kayo! Pero yung pag mamahal mo nandyan parin! Dyan sa manhid mong puso! Lagi kong nararamdaman yun sa tuwing mag kasama tayo! Tinitiis ko lang!. Pero ang sakit-sakit na! Oo girl friend mo lang ako! Pero wag mo kong gawing tanga Jeff ! May pakiramdam ako!“ diin nya sakin.
“ Mahal din kita, pero... hindi ko alam. Nalilito ako.“ sabi ko.
“ Mahal mo DIN ako? Edi lumabas din ang totoo. Na mahal mo parin sya. Para ano pala ako sayo? Design? Kunyaring Girl Friend. Pampalimot? Laruan? Hindi ako tangang katulad mo!“ sagaw nya sa akin.
Tanga? Oo siguro. Dahil sa araw araw na dumaan mula nung naging si Lorein at Troy hindi ko na sila na alis sa isip ko. Hanggang ngayon oo. Isang malaking “OO“.
“Pano mo nasabing tanga ako?! Kung ikaw ang laman ng puso ko!“ sigaw ko sa kanya. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya at inilapit ang muka ko sa kanya.
“Mahal kita! Oo aaminin ko naging tanga ako sa kanya! Oo dahil hanghang ngayon eto parin sya! Pero... ikaw ang mahal ko! Dahil ikaw ang nag mulat sa akin para huwag akong maging tanga. Alam ko yun kahit hindi mo sabihin.“ dugtong ko.
“Mahal din kita. Unang kita ko palang sayo. Sinabi sa akin ni Lorein nung nanalo ka, hinding hindi magiging tayo. Dahil gagawa daw sya ng paraang para masaktan ako. At eto. Ginawa nga nya. Siguro parehas lang tayong tanga. Nakakatawang isipin pero totoo. Ang hirap no?“ sabi nya. Bumalik na yung mahinhin nyang boses. Pero yung pag agos ng luha nya tuloy tuloy parin.
“Mahirap talaga. Pero alam ko kaya natin to. Patawarin mo ko sa ginawa ko. Sya ang dumikit sa akin. Sabi nya practice lang daw. Sorry. Patawarin mo ko.“ sabi ko.
“Minsan talaga kailangan mong masaktan para malaman mo na totoo ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa taong minamahal mo.“ sabi nya at biglang yakap sa akin.
Niyakap ko din sya ng mahigpit. At pinakiramdaman namin ang tibok ng aming mga puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/4936777-288-k892442.jpg)
BINABASA MO ANG
Pano Mo Nasabing Tanga Ako?
Teen FictionAlam kong nagmahal ka na. Pero, minsan ba naisip mo na naging tanga ka na dahil sa salitang PAGMAMAHAL? Ou, ako'y isang lalaki lamang na naging bulag sa isang taong alam kong hindi ko na kayang ibalik. At sa isang taong alam kong nandiyan lang sa ta...