PROLOGUE

389 33 32
                                    

***
Prologue
***

Halos mapaatras si Shiruo nang dambahin siya ng yakap ni Hanna mula sa likuran. Tawa pa nang tawa ito nang mabitiwan niya ang librong binabasa.

“Baby, I said not to do that, right? I don’t like it when you surprised me at the back,” inis niyang sabi.

Hanna didn’t said anything but laugh. Mabilis siyang yumakap dito at nilambing siya. Wala namang nagawa si Shiruo kundi ang yakapin siya pabalik. He can never be mad at his girlfriend, she’s only trying to tease him.

“Siguro puro aral na naman ang inatupag mo,” sabi ni Hanna. “Goods naman na nag-aaral ka ng mabuti pero sana huwag mong kalimutan na magpahinga at kumain.”

Mas humigpit ang yakap ni Shiruo sa kasintahan. He was thankful and never regretted courting her because he gets all the best love from her.

Sixteen pa lang ni Hanna noon nang ligawan at maging sila samantalang siya ay unang taon niya sa kolehiyo.

Napakabata pa noon ni Hanna at minsan iniisip niya na hintayin itong tumuntong sa tamang edad ngunit hindi na niya kaya pang pakawalan siya at sa limang buwan niyang panliligaw ay sinagot siya nito ng oo. Nirespeto naman niya ang babae at hindi ito hinalikan sa labi hanggang maging eighteen siya.

“Heto pala, nagluto ako ng paborito mong sisig. Dapat kumain ka ng marami.”

Shiruo smiled seeing all the good thing in her. She was the perfect wife he was looking for, and after graduating from college, he isn’t going to have a second thought of asking her hand in marriage. He needs to tie the knot with her.

“Thank you for this, baby.” Mabilis na humalik si Shiruo sa noo niya bago kinuha ang maliit na Tupperware.

“Malapit ka nang g-um-raduate baka may gusto kang regalo. Pero dapat iyong kaya lang ng budget ko, okay? After din kasi ng graduation ay uuwi ako sa Santa Rosa.”

Shiruo chuckled. He place the Tupperware on the cemented table and pulled her for a hug.

“You don’t have to give me anything, Baby. Sapat na sa akin na um-attend ka ng graduation ko o kaya ay paglutuhan mo ulit ako nito.” Inangat ni Shiruo ang pagkain, pinapakita sa girlfriend niya na ayos na iyon bilang regalo para sa kaniya.

Hanna smiled for having him as her boyfriend. She loves spoiling him a lot and she loves it when he’s happy when she pampered him with care.

“I love you, Shiruo Velarde.”

Shiruo lifted up his hand then pinch her cheeks. Paborito niya itong panggigilan dahil sa tambok nito.

“But I love you more, Hanna Mia Sarmiento.”

Tinapik naman ni Hanna ang kamay niyang nagsisimula na namang pisilin ng todo ang pisngi niya.

“Stop that, Shiro, palagi na lang ang pisngi ko!”

Tumawa ng malakas si Shiruo lalo na nang tawagin na siya ni Hanna sa kaniyang palayaw. Dahil ayaw naman niyang inisin ng lalo ang girlfriend ay humalik na lang siya sa noo nito.

“I’ll wait for you in my graduation,” he mumbled.

Walang imik na yumakap si Hanna sa kaniya habang patuloy siya sa pagkain. Kalaunan ay nakatulog ang babae sa kaniyang bisig kaya nilapag niya ang pinagkainan sa lamesa at binuhat ang kasintahan para ihiga sa damuhan.

It was one quiet afternoon in the garden at iilang estudiyante lang ang naroon kaya tahimik na tahimik ang buong lugar.

Shiruo carefully placed her head on his lap then started singing a melody. His heart is at peace whenever he does that to his sleeping girlfriend. At least by watching her sleep, he can have someone to call his home.

Isla Velarde #1: Raging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon