"DAMN shit! I know this guy!" Napatayo si Jarrod habang nanonood ng CNN News nang umagang iyon. "That's Martin Bartlett, the Canadian golfing engineer I met in Africa two years ago. Mom, Dad, he was able to reach the summit of Kilimanjaro, pero nahulog ang golf club niya on his way up kaya sinipa na lang niya ang golf balls!" Napasipol pa siya. The man was cool. Isa ito sa mga naka-vibes niya sa pag-akyat niya sa Mt. Kilimanjaro adventure niya.
"And what happened to that man? Why's he on the news? Naabot niya ang peak ng Everest?" tanong ng kanyang ina na si Mrs. Lumen Zaldivar. Sixty-four years old na ito.
"No, Mom. He lost his leg at the infamous 'Three Steps'!"
Kung bakit may excitement pa sa mukha niya gayong nanghihilakbot na ang mga magulang niya, was way beyond the elderly couple's logic and reason. Their jaws dropped. Nagkatinginan ang mga ito, as if asking themselves: Did we conceive and raise this child?
"W-what was so exciting about that?" tanong ng kanyang ama na si Virgilio Zaldivar. Matikas pa rin ito sa edad na setenta y siyete. He was an insurance magnate. Naging milyonaryo ito sa edad na beinte-singko at nakapangasawa ng socialite na nagmula sa isang old rich clan sa Southern Tagalog.
"Don't you get it, Dad? He should've been dead by now! The bastard is one lucky son of a bitch," iiling-iling na saad niya. Sa edad niya na beinte-nuwebe ay adventurer pa rin siya. Siya ang sole heir ng Zaldivar fortune. "Kung makakaakyat lang kayo sa Everest, Mom, Dad, you'll be amazed at the bodies you'll encounter there. Na-preserve na sila roon."
Nangingilabot pa rin ang mga ito habang nakikinig sa sinasabi niya. "And you said your major goal is to be the first Filipino to ever climb the summit of that goddamn mountain?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ng kanyang ina. "Goodness, Jarrod, you're out of your mind!"
"Mom, I belong to the summits." Nginitian niya ito, that syrupy smile that was yet to fail dissolving a woman's heart.
BUMAGSAK ang mga balikat ni Catherine nang marinig ang sinabi ng kaibigan niyang si Fer.
"Pasensiya na talaga, Cat. Talagang walang-wala rin ako ngayon, eh. Ito lang isanlibo ang maitutulong ko sa inyo ni Clarence. Over bale na kasi ako kay Ma'am. Nahihiya naman akong bumale na naman dahil inilalaan ko rin ang susuwelduhin ko para sa mga bills sa darating na buwan."
"O-okay lang, Fer," aniya, saka napabuntong-hininga. "Kung sapat nga lang sana ang iniwan sa amin nina Papa at Mama..."
Nakagat nito ang ibabang labi. "Pasensiya na talaga, Cat."
Ginagap niya ang kamay nito. "Sabi nang okay lang, eh." Nginitian niya ito. "Bastàyong promise mo na ipapasok mo ako sa trabahò pag nagka-opportunity, don't forget."
"No problem."
Pinanatili niya ang cheerful na ekspresyon upang hindi ito ma-depress sa pagkabigong matulungan siya sa kanyang problema. But the moment she walked out of Fer's door, hinayaan niyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. Mistulang baliw siya na naglakad nang wala sa sarili.
Paano na ang operasyon ni Clarence?
Si Clarence ay ang kaisa-isang kapatid niya. He was twelve years old, at may sakit sa puso. Kailangang ma-bypass operation ito sa lalong madaling panahon ngunit salat siya sa salapi. May naiwang pera at maliit na bahay at lote sa probinsiya ang yumaong mga magulang nila. Naibenta na iyon ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kahit na ang naipong pera sa bank account ng mga ito ay naidagdag na niya ngunit kulang na kulang pa rin. Beterinaryo ang kanyang ama at plain housewife naman ang kanyang ina. Isinama na niya ang mga nakolektang abuloy sa burol ng mga ito pero ginastos naman nilang magkapatid iyon sa pag-upa ng bahay sa Maynila.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."