Chapter 2

854 16 0
                                    

"DAD, MY Everest quest starts next week. I'm leaving for Nepal on Tuesday."

Kumunot lamang ang noo ng ama ni Jarrod sa sinabi niya, saka muling itinuon nito ang atensiyon sa binabasang diyaryo.

"Dad..." aniya, saka bumuntong-hininga.

"Nagkausap na ba kayo ng mommy mo?" tanong nito, tutok pa rin ang paningin sa binabasa.

"N-no, but—"

"Puwes, makipag-usap ka sa kanya."

"Dad!" bulalas niya. "I don't believe it! I'm twenty-nine years old."

"And I'm seventy-seven. I'm wiser than you are."

"It's unfair!"

"Talk to your mother."

"This is foul, Dad—"

"I said talk to your mother. Sukdulang i-disinherit kita, huwag ka lang tumuloy sa kaletsehang 'yan."

"That's almost like killing me, Dad."

"Almost, but not quite. I prefer that to losing my child forever to that murderous mountain."

"That's preposterous!"

"Say what you want, you're not going."

Padabog na iniwan niya ito. Sa desperasyon ay napilitan siyang umapela sa kanyang ina. Magbabaka-sakali siya. Noong maliit pa siya, kapag may bagay siyang hindi ibinigay ng kanyang ama, madalas ay nakukuha niya iyon sa kanyang ina.

"Yes, darling?"

Napangiti siya. Maaliwalas ang mukha nito, meaning, maganda ang mood nito. Perfect timing iyon para sa kanya sa paghingi ng permiso rito.

Ngunit kaagad na nanghilakbot ang ekspresyon nito nang sabihin niya ang pakay. Nagsisimula pa lamang siya ay binara na siya nito.

"No, you're not going and that's final! You will be disinherited. Your dad and I have already talked about this and our decision is final."

"Mom!"

"I said you're not going. Bakit hindi ka na lang magseryoso sa buhay mo? Pumasok ka sa opisina ng daddy mo, settle down and have kids—you know, the stuff serious people consider."

"Mom, I belong to the world. And I'm quite young. This is against the law."

"Oh, really? What law?"

Napabuntong-hininga siya.

"Prove to us first na seryoso ka sa buhay mo, saka kita papayagan sa suicide attempt mo."

Nabuhayan siya ng loob kahit paano. Alam niyang kaya niyang suwayin ang mga ito ngunit natatakot siya sa magiging parusa ng mga ito sa kanya. Hindi siya idi-disinherit ng mga ito. No way. Siya ang solong tagapagmana, ngunit hindi rin siya kakausapin at kikibuin ng mga ito for the next decade or so. Nangyari na iyon noong teenager pa siya. Halos kalahating taon bago sila nagkabati ng kanyang mga magulang. Ganoon katindi maghinanakit ang mga ito.

"How do I do that?" tanong niya.

"Find a girl, settle down, if you want you can marry..." pagre-recite nito sa linya ng kantang "Father And Son."

"But I have so many girls!" He was grinning now.

"One girl, Jarrod. Only one girl that would suit mine and your dad's taste."

Napaangat ang kilay niya. Paano mangyayari iyon, eh, bawat babaeng ma-link sa kanya ay bad shot sa mga ito? "Ano ba'ng qualifications ninyo?"

"Simple lang. She doesn't necessarily need to be rich, basta may pinag-aralan. Disente ang pamilya, disente kung kumilos, magalang, humble, relihiyosa, hindi gold digger o social climber. At siyempre, maganda dahil mahirap nang malahian tayo ng pangit na genes."

Girlfriend For Hire - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon