CATHERINE felt sore, pero hindi naging hadlang iyon upang mag-enjoy siya sa mistulang fiesta sa hacienda. Ang lahat ay nagkakasiyahan. There were singing and dancing. Nang mga sandaling iyon ay tila walang nakaharang sa pagitan ng mga amo at mga tauhan.
Nakikipagsayaw si Mrs. Zaldivar sa mga trabahador sa hacienda na kasing-edad nito at ganoon din ang kabiyak nito. Sina Don Guillermo at Doña Rosanta ay hindi magkamayaw sa pagtawa at pagpalakpak. Clarence sat between the elderly couple, masayang nakikitawa at nakikipalakpak. He seemed very much at ease with his newfound lolo and lola already, and the old couple on the other hand showed fondness to him.
Masiglang atmosphere ang sumalubong sa kanila ni Jarrod. Lumuwang ang ngiti nito nang makalapit sa sayawan sa malawak na damuhan di-kalayuan sa villa.
"Let's dance?" Inialok nito ang kamay sa kanya, which she took lightheartedly. She might as well enjoy the festivity, saka na muna ang mga isipin.
Pumagitna sila sa mga mahaharot na magkaka-pareha sa bulwagan. Kompleto sa banderitas iyong kaya naman lalong nadagdagan ang festive atmosphere doon.
Nang waring pagod na ang lahat sa pagsasayaw, pinahinto na ni Don Guillermo nang tuluyan ang tumutugtog na combo. Gamit ang baston ay iika-ika itong pumagitna sa bulwagan.
"Silencio, amigos," wika ng matanda kasabay ng pagkumpas ng tungkod nito. Tumahimik nga ang lahat na abala sa paghuhuntahan at pagtatawanan. Ang lahat ng pares ng mga mata ay bumaling sa sentro ng bulwagan. "Nawa ay hindi ito ang huling pagtitipong madadaluhan nating lahat dito sa Hacienda Hermosa. Malay natin, sa taong ito ay magpasya ang kaisa-isa kong apong si Jarrod na lumagay na sa tahimik..."
Umugong ang bulungan at nabaling kay Jarrod ang paningin ng bawat isa. Napakamot ito sa ulo, sabay kabig sa kanya. Alam nitong hudyat iyon upang ipakilala nito sa mga taga-hacienda ang babaeng kasama nito.
"Please?" bulong nito bilang paghingi ng permisong akayin siya patungo sa kinaroroonan ni Don Guillermo.
Napailing na lamang siya ngunit nagpagiya naman sa gitna. Ipinakilala siya nito sa mga naroroon bilang nobya nito. Hiyang-hiya man ay nagawa niyang kumaway sa mga tao. Tila isang barangay yata ang dumalo sa pagtitipong iyon. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa lakas ng palakpakan ng mga ito.
"Sabihin mo sa kanila ang petsa, hijo," ani Don Guillermo.
Tumingin sa kanya si Jarrod na nagtatanong ang mga mata. Hindi siya kumibo. Dama niya ang pag-iinit ng kanyang mukha.
"As soon as possible, mga kababayan," saad ni Jarrod. "Huwag kayong mag-alala, imbitado kayong lahat."
Hindi na nangulit pa sa petsa si Don Guillermo. Nakipalakpak na lamang ito.
Hawak ni Jarrod ang kamay niya nang pasimpleng lumayo na sila roon. Sa swing sa may tagiliran ng villa sila nagtungo. Wala siyang reklamo nang hindi na nito binitiwan ang kamay niya.
The funny thing was, hindi naman sila nag-usap habang nasa swing. They just held each other's hand and listened to their heartbeats. Medyo malayo na sila sa lupon at bagaman malakas pa rin ang tunog ng combo na arkilado ni Don Guillermo, they could still hear their heartbeats.
Para sa kanya, iyon ang pinakaromantikong eksena nila ni Jarrod.
Pagsapit ng gabi ay nagbiyahe na sila pabalik sa Maynila. Naiwan ang mag-asawang Zaldivar. Tila tinamaan nang husto ang ginang sa sinabi ng ama nito na ang next homecoming nito could be her parents' funeral. Kung hindi nga lamang kinakailangan ni Clarence na makapagpahinga, at least twenty-four hours bago ang operasyon, marahil ay kinabukasan na ng hapon sila tumulak.
Her heart was a little heavy at their departure. Sa maikling panahon ay napamahal na sa kanya ang Hacienda Hermosa. Why not? All the things she had experienced took place there. Sa lugar na iyon, Jarrod turned her into a woman.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."