KINABUKASAN, dumating si Jarrod sa condominium nito na kasama ang isang unipormadong nurse.
"Siya si Celine, ang nurse ni Clarence. I just got her from my cousin's recruitment agency. If any trouble comes up, all you have to do is call up Damien. Siya na ang bahala." Ibinigay nito kay Catherine ang calling card ng nagngangalang "Damien Zaldivar."
Iniwan niya sa sala sina Clarence at Jarrod na naglalaro ng chess, habang si Celine ay hinayaan niyang ma-acquaint sa okupahing silid nito. Napailing siya habang nagbibihis.
Maaga pa lang ay bumili na siya ng damit para sa okasyon. Kailangang presentable siya kapag iniharap siya ni Jarrod sa mga magulang nito upang hindi naman ito mapahiya. Bago ito umalis nang nagdaang gabi ay inabutan siya nito ng pera.
Pink na bestida iyon. Conservative ang cut niyon pero na-emphasize ang mga curves niya. Strappy sandals na pink din ang sapin niya sa mga paa. Tinernuhan niya iyon ng bag na kulay-rosas din na hindi naman masyadong mamahalin. Bumili rin siya ng mamahaling pabango.
"Wow! You look..." Tila nabatubalani si Jarrod nang lumabas siya ng silid. "You look yummy," sabi na lamang nito nang makabawi, sabay bungisngis at nakipag-high-five kay Clarence. "You love ice cream and your favorite color is pink. Catherine Mananquil, you are just too good to be true."
Just like you, Jarrod Zaldivar, piping tugon niya. Sa halip, ang lumabas sa bibig niya ay, "Shall we?"
Nagkukumahog na tumayo ito mula sa pagkaka-salampak sa carpet at mabilis na inalalayan siya sa siko.
"You smell sweet, too," seryosong komento nito nang sakay na sila sa elevator. Sila lamang dalawa ang naroon. "Baby Doll?"
Tumango siya.
Habang lulan sa kotse nito ay b-in-rief nila ang isa't isa. Ilang beses na nilang na-practice iyong nang nagdaang gabi, pero kailangan nilang magsiguro. Sa panig niya, hindi na niya kailangang paulit-ulit na itanim sa isip ang mga bagay na may kinalaman kay Jarrod. Memoryado na iyon ng puso niya.
Kinabahan siya nang humimpil ang kotse sa loob ng garahe ng isang magarang mansiyon. Puting-puti iyon. Kawangis iyon ng mga American villas sa Miami na napapanood niya sa TV.
"Relax," natatawang sabi ni Jarrod, sabay pisil sa kamay niya. "You'll do just fine. I'm sure my mother will love you."
"Paano ka nakasiguro?" diskumpiyado pa rin sa sariling tanong niya. "Hindi n'yo ako kauri."
"Hello?" He rolled his eyes. "You're just the type a man brings home to Mama. Just relax, you're simply perfect." Hindi na nito binitiwan ang kamay niya hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.
Dumiretso sila sa dining hall. Gustong bumigay ng mga tuhod niya pagkakita sa mga magulang ni Jarrod na nakapuwesto na sa harap ng parihabang hapag na punung-puno ng pagkain. Paano siya kikilos sa dami ng pagkain sa ibabaw ng mesa? Baka sa isang kilos ay may matabig siyang bowl o plato o kristal na baso.
Pero hindi iyon ang major problem niya. Gaya ng sinabi niya, hindi siya kauri ng mga ito. Baka aristokrata ang mag-asawang Zaldivar, at hindi siya sanay makisalamuha sa mga miyembro ng alta sociedad. May kaalaman naman siya sa table manners, pero naasiwa pa rin siya. Hindi kaya gawin niyang katatawanan ang kanyang sarili sa harap ng mga kasalo?
Tila may nag-anunsiyo ng pagdating nila dahil tila inaasahan na ng mag-asawa ang pagsulpot nila sa dining hall.
Ipinakilala siya ni Jarrod sa mga magulang nito. Habang nagkukuwentuhan sila, gumaan naman ang pakiramdam niya. Mukhang mabait ang mga magulang nito, maliban kung civility lamang ang pinaiiral ng mga ito.
"We'll wait for Tweetums and Damien. They'll be here any minute now," sabi ng ama nito. "Nasa rest room si Tweetums. You know expectant mothers, always so insecure about their beauty." Pumalatak ito, saka umiling. "Sana ay hindi ka magkaganoon 'pag nagbuntis ka, Catherine. No matter what, you'll still be beautiful."
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."