"HINDI mo sinabi sa kanya kagabi, Cat?" Hindi makapaniwala si Celine. Naging matalik na niyang kaibigan ito. Nasa harap sila ng almusal kinaumagahan.
Ito ang naging hingahan niya ng mga suliranin the past several weeks. Alam niyang hindi niya dapat ipagtapat kay Fer ang tungkol sa kanyang kondisyon, hindi muna hangga't hindi niya naaayos at naisasagawa ang mga plano niya. Fer would interfere, pihado na iyon, lalo pa at boto ang mag-asawang Zaldivar sa kanya. Iyon ang ayaw niyang mangyari.
Ayaw niyang maipit si Jarrod sa isang sitwasyong tiyak na hindi nito gusto. Besides, she had been paid. Wala siyang karapatang maghabol.
Umiling siya. "Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon, Celine. Please, sana ay huwag mo munang mababanggit kay Clarence o kahit kanino ang tungkol dito."
"Walang problema. Kung kailangan mo ang tulong ko, sabihin mo lang, ha?" sabi nito. "But if I were you, kakausapin ko pa rin si Sir Jarrod. Hindi kailangang ikaw lang mag-isa ang magdala ng problemang iyan. Magkatulong n'yong ginawa iyan."
"You don't understand."
"Basta, makipag-usap ka pa rin. Malay mo naman kung welcome sa kanya? At tiyak na matutuwa ang parents niya dahil sabik ang mga iyon sa apo. Nakita naman natin pareho kung gaano sila kagiliw kay Clarence. Cat, huwag mong ipagkait sa kanila ang kaligayahang idudulot ng ipinagbubuntis mo."
Napaisip siya habang tahimik na ipinagpapatuloy ang pag-aalmusal. Tumimo sa damdamin niya ang sinabi ni Celine.
NAKATITIG sa kanyang black coffee si Jarrod. Alam niyang magulo ang kanyang buhok. Ni hindi niya napadaanan iyon ng suklay kahapon pang dalawin niya si Catherine. At alas-dos na ng hapon nang mga sandaling iyon.
Napangiwi siya nang pumintig ang kanyang sentido. He was mending a hangover. Kagabi ay walang humpay siyang nag-disco at nag-inom. Sa pagkakatanda niya ay tinawagan niya si Trina para samahan siya sa paggimik. Palaging handa ito na samahan siya.
She was the only female best friend he had ever had. And to think there was a time they went to bed together!
And speaking of Trina...
"Hello, crybaby! Good afternoon," bati nito na naupo sa garden set kaharap niya. Tulad niya ay halatang kakagising pa lamang nito.
Sa bahay nila ito natulog sapagkat hindi na niya ito kayang ihatid kaninang madaling-araw. Sa guest room ito natulog at siya yata ay nakatulog na sa carpet sa hallway sa sobrang kalasingan. Humingi rin ito ng kape sa isang maid at magkasabay silang nagkape habang naghuhuntahan sa highlights ng nagdaang gabi na halos hindi naman niya matandaan. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Tila sasabog ang ulo niya sa sakit niyon.
KINAKABAHAN si Catherine habang sakay sa taxi. Bago siya nagpasyang magtungo sa tahanan ng mga Zaldivar ay tumawag muna siya sa telepono upang siguruhing naroon si Jarrod. Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy ngunit sa huli ay ipinasya niyang dumiretso na. Baka matagalan bago siya muling makapag-ipon ng lakas ng loob para humarap sa binata at ipagtapat dito ang kanyang kondisyon.
Celine was right, after all. Jarrod was entitled to know. Kailangan niyang tanggapin anuman ang magiging reaksiyon nito. Iyon ang isang bagay na dapat niyang paghandaan.
Kilala naman siya ng guard sa mansiyon ng mga Zaldivar kaya mabilis siyang nakapasok sa bakuran. Doon ay magiliw siyang sinalubong ng alagang Pomeranian ni Mrs. Zaldivar.
Nakaakit yata ng pansin ang masiglang pagtahol ni Kutch, may dalawang pares ng mga matang magkasabay na nag-focus sa kanya.
Napamaang siya nang makilala ang dalawang iyon na nagkakape sa gitna ng katanghalian sa garden set. Humigpit ang pagkakahawak niya sa asong karga na niya. Magkasama sina Jarrod at Trina. Halatang parehong bagong gising dahil kapwa hindi pa nadadaanan ng suklay ang mga buhok.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."