LINGGO. Parang fiesta sa buong Hacienda Hermosa. Ang mga tauhan doon ay nagkaroon ng off. Ilang baboy ang pinatay at inihain. Iyon ay dahil sa pasasalamat ng mag-asawang Don Guillermo at Doña Rosanta sa pagkakasama-sama ng mag-anak sa hacienda.
"What's this fuss all about, Ma, Pa?" natatawang tanong ni Mrs. Zaldivar sa mga magulang. Lunes ng gabi ito dumating kasama ang asawa at umagang-umaga ay bumulaga sa paggising nito ang tila fiesta na iyon sa hacienda.
"This is a very special day, Lumen," tugon ni Don Guillermo. "Your next homecoming might be our funeral."
"'Pa..." Napabuntong-hininga si Mrs. Zaldivar.
Ang lahat ay pormal sa harap ng breakfast table. Si Catherine ay tahimik lamang, gayundin si Jarrod na tila mainit pa nga ang ulo nang dumulog sa hapag. He even groaned nang batiin niya ito ng magandang umaga.
Kunsabagay, naisip niyang mas mabuti na nga ang ganoong hindi sila nagkikibuan nito. Kahapon ay nagkasalubong sila nito sa lanai at tila matutupok ang mga pisngi niya sa labis na pamumula. Titigan ba naman siya na animo ay lalapain siya! Ngunit hindi naman siya pinansin. Dinaanan lang siya pagkatapos siyang titigan nang ubod ng lagkit.
Hindi niya maesplika ang ugali ng lalaking ito. May pagdaramdam siyang nadama subalit minabuti na rin niya iyon kaysa naman sa tuwing magkakatagpo ang mga paningin nila ay mistula siyang nakasalang sa hurno!
Ah, she would never quite recover from the fever his kisses and caresses inflicted on her. The power his animalistic sexiness possessed over her.
Nang matapos ang almusal, tumulong sila sa mga tauhang abala sa paghahanda para sa masaganang tanghalian para sa araw na iyon. Kahit pawisan ang mga trabahador ay may ngiti sa mga labi ng mga ito. Ang lahat ay bumati sa kanila.
"This is fantastic," wika ni Mrs. Zaldivar. "Para akong tumuntong sa time machine and I was transported to another era, like the fifties, noong kadalagahan ko. Ganito ang buhay rito sa hacienda noon. Mahilig magpa-'fiesta' ang papa rito, maisipan lang niya ay nagte-thanksgiving feast siya. He's always been like that."
Nasa rose garden sila nang mga sandaling iyon, pansamantalang inihiwalay ang kanilang mga sarili sa maingay na kasayahan. Naki-join na kasi sina Don Guillermo, Mr. Zaldivar, Jarrod at pati na rin si Clarence sa mga abalang trabahador. Si Doña Rosanta naman ay abala sa kusina sa pagmamando roon, katulong ang kusinera ng villa.
Nagkuwentuhan sila roon, kapagkuwan ay nagpaalam ito sandali at bumalik sa villa. Habang nag-iisa ay inabala niya ang sarili sa pag-iinspeksiyon sa mga bulaklak na naroon. Iba-ibang kulay, iba-ibang size, but nothing beat the American red rose that Jarrod gave her that morning after their stormy lovemaking. Isang bulaklak na kauri niyon ang pinakatitigan niya.
Bigla ay may kamay na humawak sa stem niyon, kasunod ang pagkaputol niyon mula sa halaman. Animo kandilang natulos siya sa kanyang kinatatayuan.
"Siguro naman sa pagkakataong ito ay tatanggapin mo ang bulaklak na ibinibigay ko sa iyo."
"J-Jarrod..." She felt the burning sensation on her cheeks. Siguro ay kakulay na ng rosas na hawak nito ang mga iyon. She took the rose reluctantly. "T-thanks..."
"You're welcome," pormal na turan nito. Nagpamulsa ito at pinakatitigan na naman siya. He must be enjoying the sight of her scarlet cheeks.
Hindi niya masalubong ang tingin nito. She thought about the rose he gave her that morning.
Iniisip marahil nito na hindi napasakamay niya iyon. He was wrong. Pinulot niya sa lawn malapit sa swimming pool ang naturang rosas nang matauhan siya. Alam niyang inihagis nito iyon doon nang makalabas siya ng silid nito nang umagang iyon. Now she kept it pressed between the pages of her Holy Bible na dala-dala niya saan man siya magpunta.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."