Chapter 7

750 17 0
                                    

NAI-SCHEDULE na ang operasyon ni Clarence. Dr. Dionisio assured Catherine that the chances for survival was high, lalo't magagaling na siruhano ang makakatulong nito sa pag-oopera sa kapatid niya. Pagkagaling sa ospital ay dumiretso na sila ni Jarrod sa Quezon as planned.

"Hindi ka na ba tutuloy sa Nepal?"

Umiling ito. "I told you the reason. My favorite Nepalese guide—the Sherpa—backed out. Hindi mapo-postpone ang trek ng team namin kahit wala ako."

Napailing din siya. "Hindi ka ba nanghihinayang, Jarrod? Puwede mong bawiin sa akin ang ibinayad mo sa serbisyo ko."

"No."

"Why not? Isasauli ko sàyo ang kalahati n'on—"

"Here we go again, Catherine." Halata ang inis sa tinig nito. "Must we talk about this all over again? Ituring mo na lang na tulong ko iyon para kay Clarence. Na ako ang sponsor ng operasyon niya. End of story."

Hindi na siya nagsalita pa. Complex ang pagkatao nito. Oo nga't nasa dugo nito ang pagiging altruist, but one million? Kung para sa katuparan ng pangarap nito—what did he call it, passion?—ay justifiable ang act na iyon, pero ganoon na lamang ba iyon? Nawalan ito bigla ng gana sa pag-abot sa goal nito and that was it?

Ah, she would never understand the affluent. Bale-wala sa mga ito ang mga bagay, no matter how big or small. Kung magpalit ito ng desisyon ay para lang nagpapalit ng damit.

Marahil ay hindi na siya dapat magtaka. Sinabi ni Fer sa kanya na ganoon din ito kung magpalit ng nobya.

Sa isiping iyon ay lalong bumaba ang morale niya. Maybe it was just a whim. Well, kung iyon ang trip ni Jarrod, then pagbigyan ang trip na iyon. Siya naman ang sinuwerte.

Pero suwerte nga bang maituturing ang nasumpungan niya? Yes and no. Suwerte dahil wika nga nito ay nagkaroon ng benefactor si Clarence, pero malas ng puso niyang mabilis na nahulog dito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit tila maluluha yata siya?

Don't be stupid, Catherine. It's just a crush, an infatuation, gaya ng sinabi ni Fer. You're just naïve, and it's about time you learned the ways of the world.

"You're griping. What is it about this time?" hindi na yata nakatiis na untag sa kanya ni Jarrod mayamaya.

Hindi siya tumugon. Baka ikagulat nito kung ano ang ipinagmamarakulyo niya nang lihim!

Sabihin kaya niya? Baka mabilis pa sa kidlat na bawiin nito ang pera at maglaho na sa buhay niya! Dahil ang mga tipo nito ang takot sa emosyon ng kababaihan at may phobia sa salitang "pag-ibig." He was a man of the world, and no woman was ever going to change that.

Napakurap-kurap siya. Iyon ba ang gusto niyang mangyari? Ang bawiin nito ang perang idineposito nito sa account niya kung para lamang sa ikapapanatag ng kalooban niya?

No, kailangan iyon ni Clarence. Kahit si Clarence man lamang. After the operation, kakailanganin pa nito ng maraming gamot upang i-sustain ito.

No, kailangan pa niya si Jarrod sa buhay ng kapatid niya. Iyon na lamang ang isinaksak niya sa kukote niya upang ma-pacify ang sarili.

"Women!" bulalas nito. "I could bed millions of you in my lifetime but I would never understand what goes in your minds!" Pinaharurot nito ang sasakyan.

Nakagat na lang uli niya ang ibabang labi niya. Kung alam mo lang, Jarrod. Men like you plague women's minds!

DUMIIN ang tapak ni Jarrod sa silinyador ng sasakyan. Women! exclaimed his mind.

But the truth was, ang sarili niya ang hindi niya maunawaan nang mga sandaling iyon. What was happening to him? Dumating lamang si Catherine sa buhay niya ay nagkagulo na lahat ng cells niya sa katawan. Tila wala sa coordination ang utak niya, he couldn't think straight. Kung anu-anong ka-weird-an ang napaggagawa niya in so short a time.

Girlfriend For Hire - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon