"PUWEDE ba, Fer? Itago mo nàyang wallet mo dahil treat kòto," saway ni Catherine sa kaibigan. "Para kang sira. Ako'ng nagyayang kumain, natural na ako ang magbabayad sa kinain natin. Talagàto, oo!"
They were inside Nikishi, that same restaurant where Jarrod had taken her for lunch that day she first met him. Naging mahalaga sa buhay niya ang naturang lugar for the very reason that it had something to do with Jarrod. She associated Nikishi with Jarrod Zaldivar.
"Oki doki," nagkibit-balikat na tugon ni Fer. "I kinda forget, my friend. Milyonarya ka na nga pala."
Wala namang kalakip na sarkasmo ang tono nito pero hindi niya naiwasang makadama ng bahagyang pagkapahiya. She was not very proud of her one million pesos, hard-earned though it would be. Kung hindi nga lang kailangang-kailangan ng kapatid niya ang malaking halaga, nunca na pumayag siya sa ganoong klase ng serbisyo. Kahit ganoon kalaki ang talent fee.
"Dito muna tayo," sabi niya. "Puwede ka naman sigurong magpaalam kay Mrs. Zaldivar na male-late ka nang kaunti after lunch. Gusto ko lang ng maka-chika-han." Because she was depressed. At sa haba na ng oras na ginugol nila sa pagtatanghalian, hindi pa rin niya nagawang buksan ang tungkol sa kanyang problema.
Hindi naman matatawag na problema iyon. She was in a state of dilemma. At dahil iyon kay Jarrod Zaldivar.
Ngunit paano ba niya sisimulan ang pagse-share sa kanyang best friend?
"All right, wala naman akong masyadong ginagawa sa office ni Ma'am. Eklat lang naman kasi n'on ang pag-o-office-office pa. Formality lang 'yon, no problemo kahit ma-late ako. Ite-text naman ako n'on when something comes up," sabi ni Fer. "Siyanga pala, matanong ko. Ano ba'ng problema mo?"
Napangiti siya bagaman medyo mapakla. "Pansin mo?"
"Aba'y natural! Naisip ko nga tuloy, baka may kinalaman kay Sir Jarrod ang problema mo. O baka naman siya na mismo ang pinoproblema mo?" panghuhuli nito.
Napaingos na lang siya. Mula't sapul ay mahilig magbasa ng damdamin at isipan ng ibang tao itong si Fernandina, hindi naman ito psychic.
Sumeryoso naman ito. "Look, Cathy. Iyang si Sir Jarrod, may pagka-moody talaga iyan pero super generous naman. Nakita mo naman. Kung naba-bad trip ka, sarilinin mo na lang. Tutal ay sandali lang naman ang ipinagagawa niyang trabaho sàyo, eh."
Hindi agad siya nakapag-react. "H-hindi naman iyon ang problema, eh."
"Ano pala?"
"A-ako mismo," lakas-loob na pahayag niya.
"Oh?" Tumaas ang isang kilay nito. Naintriga ito bigla. Nakatunog. "Bakit? Hmm... let me guess. You're falling in love with him?"
Napamaang siya. "H-how did you guess?"
Ngumisi ito, proud sa sarili. "Tawagin mo akong 'Madam Fernandina.'"
"Fer, seryoso ako. Naguguluhan ako sa damdamin ko. Alam kong hindi nararapat. In the end, alam kong ako rin ang masasaktan..." paglalahad niya ng damdamin. "W-what shall I do?"
"Anong 'what shall I do'? Wala. Relax ka lang. Hayaan mo, it'll pass. Crush mo lang siya. Hello? Gaano ka ba katagal na hindi nakakita ng lalaki? Normal lang 'yan sa sitwasyon mo. Saka hindi kita masisisi, women practically throw themselves into Sir Jarrod's bed. Tao ka lang, Cat. Hindi ka santa. Face the reality, kahit maka-Diyos ka ay hindi ka immuned sa cruelty ng mundo."
Hindi na siya nagkomento pa. Hindi sineryoso ng kaibigan niya ang isinangguni niyang problema. Marahil ay hindi rin niya dapat indahin iyon. Maybe Fer was right. She was not a saint, she was a human. Normal lang ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."