CATHERINE sipped her passion fruit juice. Napabuntong-hininga siya. Hay, this is the life, naisaloob niya habang nakatitig sa pinakamatayog na bundok sa balat ng lupa.
Yes, she was in Nepal. Nasa isang nipa cottage siya na nirentahan nila ni Jarrod—her brand-new husband—for their honeymoon. Nagpapahinga siya roon from an exhausting mid-afternoon lovemaking nang may lumapit na batang Nepalese sa kanya. Mayroon itong iniaabot na kung anong bagay sa kanya. Nang kunin niya iyon ay saka niya na-realize na wooden sculpture iyon ng Madonna and the Child. Halatang bata ang gumawa niyon dahil careless ang mga ukit. But it was a beautiful piece of art nonetheless.
She took it. "How much?"
Nagsalita ang batang lalaki sa salitang Newari at nang hindi niya maintindihan ay sumulat sa lupa gamit ang isang patpat. 500 ang isinulat nito.
Napangiti siya. Eight hundred Nepalese rupees ang presyo ng wooden miniature Madonna and the Child. Converted to Philippine peso, marahil ay nasa three to four hundred iyon. Not bad. Medyo mahal pero magandang souvenir iyon sa pag-uwi niya sa Pilipinas. Besides, isang batang artist ang lumikha niyon.
"What's your name?"
Tila naintindihan nito ang sinabi niya. Kinuha nito ang sculpture at ipinakita sa kanya ang ilalim niyon. May nakaukit na maliliit na initials doon: K. Ketavong. Hinangaan niya ang patience sa pag-ukit ng halos microscopic initials na iyon.
"K. Ketavong is your name?"
Tumango ito. "Karvala Ketavong."
"Karvala, that's a good name. You're Hindu?"
"Hindu, Hindu," anito, panay ang tango.
"Baby," aniya, itinuro ang kanyang tiyan. "Touch it?"
Nasisiyahang hinipo ng siguro ay pitong taong gulang na bata ang kanyang tiyan. "Bebi, he-he..."
"Karvala, you're here," bungad ni Jarrod sa may-tatlong baitang na hagdanan ng cottage. Kinausap nito ang bata sa dialect ng huli. "You've met him," anito kapagkuwan. "Siya ang best friend ko rito."
Natawa siya, at the same time ay lalong nadagdagan ang paghanga sa asawa. He loved children, at kaya nitong pakitunguhan ang lahat ng tao from all walks of life. Lalo yata niya itong minahal sa katangian nitong iyon.
"Look at this, sweetie. May ginawa siyang miniature Madonna and the Child." Ipinakita niya sa asawa ang sculpture, sabay bulong. "Eight hundred rupees..."
Dumukot ito sa bulsa at iniabot sa bata. Nang makuha ang pera ay nagtatakbo si Karvala habang naghihihiyaw sa tuwa. Natatawa silang mag-asawa habang hinahabol ito ng tingin.
"He's going to make it big someday," ani Jarrod. "I have faith in him. Isa siya sa ini-sponsor-an kong mga bata in this part of Nepal. Ulila na siya sa ama, pero hindi pa siya ang pinakagrabe ang sitwasyon dito. We will meet Sakina tomorrow, pupuntahan natin siya sa US-sponsored orphanage, where I am a regular donor."
"Talaga?" Tila lalo pang tumaba ang puso niya sa nag-uumapaw na paghanga sa kanyang asawa. Ngayon lang niya lubusang napagtanto na charitable nga pala itong tunay, tulad ng mommy nito. "I can't wait."
"Before I met you, I was working on her adoption. Nagkaproblema lang dahil single ako. Siguro naman ngayon ay hindi na magiging problema ang pag-aampon ko sa kanya. But that's up to you now. Payag ka ba?"
Mabilis pa sa kidlat ang ginawa niyang pagtango. "Why not?"
Niyakap siya nito. "Thanks, darling. I love you," anito, saka siya kinintalan ng matunog na halik sa noo. "Sakina is three, and she's very beautiful. A black beauty. Come to think of it. Mukha siyang Santo Niño. When she grows up, magiging kamukha mo siya dahil kamukha ka ng mga estatwa ni Virgin Mary. Hindi mahahalatang adopted natin siya."
Maluwang ang pagkakangiti niya. "You know what? Bakit kailangan pa nating ipagpabukas? Puntahan na natin siya ngayon. Bihira akong makakita ng kasingganda ko, bah!"
Napangisi ito. "Sana lang ay makuha ni Sakina at ng baby natin—at ng iba pang magiging produkto ng ating genes—ang confidence nàyan!"
Hindi na nga sila nagpatumpik-tumpik pa. Nagtungo sila sa orphanage ora mismo, at noon din ay inaprubahan ng management niyon ang adoption nila kay Sakina.
Pagbalik nila ng Pilipinas, tiyak na matutuwa si Clarence. Sabi nito sa kanya bago sila umalis ni Jarrod, dapat daw ay may pamangkin na ito pag-uwi nila. Of course, lingid pa sa kaalaman nito na nagdadalantao na siya.
His wish would be granted. Pag-uwi nga nila, mayroon na itong instant pamangkin.
Wakas
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire - Camilla
Romance"I like kissing you. I only kissed you once, gusto kong masundan iyon. At huwag kang aangal, lubog ka sa utang sa akin."