5

109 7 6
                                    

| | | Chapter 5 | | |

I've heard a lot of hurtful words, offended words, and the worst jokes, but it's a kind of pain when it comes to your special someone. I was offended that day. I tried to avoid following him or even taking a glance at his face for almost a week. Sa corridor ng mga ABM, madalas ko siyang matanaw, nakatambay kasama ang tropa. Kung hindi nagvivape ay nantitrip sa mga istudyante'ng dumadaan sa harapan nila. 

Sa mga nakalipas na araw doon ko napagtanto. Marami pa pala akong hindi alam sa kaniya. Ang akala ko normal na maligalig at pilyo lang talaga siya. Nagagalit pa ako sa mga kaklase kong sinisiraan siya at hinuhusgahan siya. Lahat pala ng naririnig ko noon ay totoo. Minsan ko na siyang nakita sa likod ng building ng Science lab. Nakikibasag ulo kasama ang tropa. Kitang-kita ko kung paano manlisik ang mata niya habang nakikipagsuntukan. Minsan ko na rin siyang nakita manigarilyo sa tapat ng tindahan tuwing uwian. Lumalandi sa mga babaeng magaganda. Walang araw na hindi ko siya makitang hinahabol ng guard.

Madalas rin siyang dumayo sa department namin. Hindi para sa 'kin. May pinupurmahan kasi siyang IT student. Lagi ko siyang nakikita tuwing umaga dumadaan sa hallway. May dalang kumpol ng tulips, minsan paper bag. Magkatabi lang kasi ang room ng  Information and Communications Technology at Art and Design, na siyang strand ko.

Nalaman kong Kyline Ferrero ang pangalan. Sikat ang mga Ferrero sa school namin dahil bukod sa matatalino sila, sila lang naman ang may ari ng school, FU o Ferrero University. Dahil sa mga Ferrero kaya ako nakapag-aral. Sa mga tulad kong may disability nakakapag-aral kami ng walang bayad, libre ang school uniform, mga gamit sa school pati foods sa cafeteria. May ibibigay lang kaming blue card I'd na para lang sa mga istudyante'ng may disability. Ako lang yata ang hindi gumagamit ng blue card, dahil mas prefer ko ang lutong bahay.

Ngayon nga ay halos maipit ako sa hallway. Break time ngayon. Lahat ng mga istudyante ay nasa labas. Hindi para makipag-unahan lumabas para pumuntang cafeteria. Kung hindi ay para makisilip sa pasilyo ng katabing room namin kung saan may nagliligawan.

Nangingibabaw ang tilian ng mga babae at pagsipol ng mga kalalakihan. Sinasabayan pa ng magandang musika ng gitara at pagkanta ng malamig at maangas na boses. Pilit kong pinagkasya ang sarili sa kumpulan para makisilip rin.

"Bawat lakad mo lahat sila napapatingin
Di mawari ba't ganon ang nagyayari sa akin
Isang ngiti mo lang parang nakakabaliw
Ano bang ginawa mo ako'y naaaliw"

Mas lalong naging magulo ang paligid. May pagkakataon na naapakan ang paa ko nang ilang beses, at muntik pa akong mapaupo nang may tumulak sa 'kin. Mabigat ang loob ko pero gusto kong makita. Gusto kong makita ang eksena baka sakaling magising na lang akong kinakalimutan ko na ang hibang na damdamin. Sa una palang dapat pinigilan na.

Natulala ako nang tuluyan makapunta sa unahan ng mga istudyante'ng nakikinood rin. May hawak siyang gitara. Kumakanta habang may ningning sa kaniyang mga mata. Pinapalibutan siya ng kaniyang tropa. Bilang suporta sa paghaharana niya ay nagsasaboy ang mga ito ng pulang confetti na hugis puso. Sa bungad ng pintuan ay napatingin ako sa babaeng nakatayo.

"O magandang dilag puso ko'y 'yong nabihag
Wala nang ninanais ligaya kang labis
O magandang dilag oh. Magandang dilag puso ko'y nahalina wala nang ninanais biyaya ng langit
O magandang dilag"

Tumigil yata ang pintig ng puso ko dahil sa nakikitang kumpol na tulips na ngayon ay hawak ni Kyline. Inaamoy nito ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung natutuwa ang babae dahil natatakpan ng bulaklak ang kalahati ng mukha niya. Pero base sa nakikita kong kislap ng mata niya, sa tingin ko nakangiti siya.

Biglang naiba ang tono ng gitara. Sa kaninang nakakaindak napalitan ito ng malumanay na ritmo. Mas lalong lumakas ang tilian. Niyanig ang tainga ko. Tinalo ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

SWD#1: Voiceless Feelings ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon