🦂17

625 21 0
                                    

Habang papalapit ay tanaw namin sina nanay Carolina na may kausap na dalawang dalaga.

“Parang pamilyar yung mga yun ah. Sandale, si Solene ba yun?! Oo si Solene nga! Talagang batang yun, anong ginagawa nya dito?” Tarantang ani Yves at agad naglakad ng mabilis papalapit kina nanay Carolina. Nang makalapit ito ay agad niyang nilapitan ang Isang dalagang nakaupo sa harap nina nanay Carolina.

“Ate?!” Gulat na sigaw nito ng mapalingon kay Yves, tumayo pa ito para yakapin si Yves. Kapatid? Mukhang oo.

Nang tuluyang kaming makalapit ay agad akong nagmano kina nanay Carolina.

“Oh Ashianna, McZinn, nandito na pala kayo at may mga kasama pa.” Ani nanay Carolina habang nakangiti at nakatingin sa mga kasama namin.

“Friends ko po nanay.” Sabat ni McZinn.

“Ah ganun ba?” Tanong nito.

“Yes po nay, she's Calista po, then Jhoy, Lindsey, at yun po si Yves. Guys, s'ya si nanay Carolina and he's tatay Marlo.” Pakilala ni McZinn sa mga ito.

“Ikinagagalak kong makilala kayo mga ija. Nga pala kilala n'yo din pala itong mga dilag na ito?” Tanong ni tatay Marlo na tinutukoy ang dalawang babae sa harap namin. Tahimik lamang yung isang babaeng maiksi ang buhok habang yung isa naman ay mahinang sinisermonan ni Yves.

“Opo nanay Carolina? Tama po ba?” Tumango lamang si nanay Carolina para ikumpirma na okay lamang sa kanya na tawagin siya ni Yves na nanay Carolina. “Little sister ko po itong si Solene.” Dagdag nito habang masamang nakatingin kay Solene.

“Ate ko, ‘wag ka na po magalit, safe naman ako e—”

“Kahit na! Tinakas mo yung kotse ni Dad, for sure malalagot ka at madadamay ako pag nalaman niya na kasama kita ngayon, at saka ano ba kasing naisipan n'yo ni Gaia at nagroad trip kayo? Okay lang sana kung alam n'yo ang ginagawa n'yo o di kaya naprepare n'yo ng ayos lahat lahat para sa road trip n'yo, kaso hindi n'yo naisip na baka mangayari to? What if sa ibang lugar na pugad ng mga masasamang loob kayo nastock at hindi dito? Sigurado ako na ni hindi n'yo alam kung pa'no mags-survive sa mga dangers na pwede n’yong kaharapin kung sakaling—”

“Ate, Ate! Ano ba yan, ang OA mo naman.” Sabat ni Solene sa sermon ng ate n'ya.

“Manahimik ka!” Inis na ani Yves.

“Okay po, pero pwede mamaya mo na ako pagalitan? Nakakahiya kasi.” Nakangusong ani Solene. Napabuntong hininga naman si Yves at tumango tango, pero ng magtangkang yayakapin ito ni Solene ay agad itong umiwas. Napanguso naman muli si Solene. Ang cute.

Ilang sandali ay naging maayos na ang atmosphere, back to normal na ulit si Yves at tila pinilit na talaga niya ang sarili na kalimutan muna ang Inis sa nakababatang kapatid.

Matapos ang ilang oras na kwentuhan ay napagpasyahan na naming magsimula sa paghaharvest ng mga pangangailangan namin sa loob ng Isang linggo. Ito na ang huling linggo namin dito dahil malapit ng matapos ang summer vacation kaya't kailangan na rin naming umalis.

“Huling linggo na pala ninyo ito dito Ashianna no?” Tanong ni Kuya Carlos.

“Opo, malapit na matapos ang bakasyon kaya kailangan na rin naming umalis.” Sagot ko dito.

Kasalukuyan na akong nakaupo sa ilalim ng puno ng manga kasama si Kuya Carlos, Gaia, at Calista habang pinapanood ang iba na nakikigulo sa mga naghaharvest. Well, tumutulong daw sila pero mukhang mas nakakagulo lang talaga sila dahil lahat naman sila ay hindi marurunong, kahit na si McZinn na hindi na first time pero hindi parin talaga gaanong alam ang mga pinag gagawa niya. Ilang beses ko na din ito tinuruan pero wala talagang pag asa.

“Kung ganun dapat pala sulitin n'yo na ang mga araw n'yo dito dahil ilang buwan bago ulit kayo bumalik—babalik pa ba iyang si McZinn sa susunod na bakasyon?” Tanong ni Kuya Carlos. Napatingin ako kay McZinn sa di kalayuan.

“Hindi ko alam. Ang sabi kasi n'ya parusa lang daw ng Dad niya ang dahilan ng bakasyon n'ya dito.” Simpleng sagot ko.

“Parusa? Ganto kagandang lugar?” Natatawang anito.

“Sa tingin ko ang parusa ay yung ilayo siya sa aming mga kaibigan niya, hindi kasi siya sanay na wala kami since kami lang lagi n'ya kasama.” Sabat ni Calista.

“Ganun pala yun? HAHA pero mukha namang inienjoy niya ang buhay nya dito kahit nung si Ashianna lang kasama niya.” Ani kuya Carlos. Hindi naman sumagot si Calista at tumango tango lamang.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon