"Yan ba talaga ang gusto mo?""Yes mom. At para na rin maka move on na ako sa nangyari noong nakaraan." Gusto kong pumunta ng maynila at maghanap ng trabaho dahil wala naman akong ginagawa dito sa probinsya. Kaya ganon nalang ang naging reaksiyon ng aking mga magulang nang sinabi ko ito sa kanila.
Wala naman silang magagawa kung gusto ko talagang magtrabaho dahil gusto rin nilang maging maayos at makapag move on na ako. Gusto kong makapag-ipon para narin makabili na ako ng mga books na gusto ko.
"Kung ganon, papayagan ka namin. Pero dapat kasama ang Kuya Thad mo." What?! Si Kuya? Tss. Palagi lang niya akong babantayan nito.
Pero yes. May bahay kami sa manila. Pero dito kami ni Kuya Thad lumaki sa probinsya nung 25 years old si Kuya tsaka ako naman ay 23 year old sa kadahilanang gusto kaming makasama ng aming Lolo Edwardo at Lola Theresita. Pinayagan naman sila ni Mama at Papa na dito kami ni Kuya Thad sa probinsya ng pitong taon at para narin may kasama kami dahil busy sila Mommy at Daddy sa work.
Hindi na kayo magtataka kung bakit nandito sila ngayon. It's about work. Hays.
"Dad, kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka kapag nandoon si Kuya hindi ako makakapagtrabaho ng maayos." Paliwanag ko kay Papa.
"You need to bring him with you, Lianne. Para may magbabantay sayo." Hindi ko sila gustong suwayin pero paano sina Lolo at Lola?
"Mom, like what i said kanina. Kaya ko ang sarili ko. I want to be independent, mom. At tsaka sino ang magbabantay kina Lolo at Lola?" Nagkatinginan muna sila at muling ibinaling ang tingin sa akin. I look at them with pleading eyes.
Dad sighed. "Fine. Uuwi rin kami after work. Nandoon rin naman si Manang Beth. Siya muna ang bahala sayo for a month." Tumango nalang ako.
"Thanks mom, dad."
"Basta mag-iingat ka, anak. We already informed Manang Beth about this." Ngumiti ako at niyakap silang dalawa.
"Oh! Bat di kami kasama nina lolo't lola?" I saw Kuya Thad with Lolo and Lola. Hays! Kaya ayaw ko siyang makasama dahil alam kong hindi ako makapag focus doon.
"Come here, anak! Join us ma, pa." Ngumiti naman ang mga matanda at dali daling yumakap sa amin.
***
"Message me when you arrived in Manila, Alright?" Hinatid nila ako sa airport.
"Sure mom. Mag-iingat kayo dito." Ngumiti naman siya at tumango. I kissed her cheeks and also Dad.
"Mag-iingat ka rin doon, apo. Mamimiss ka namin ng lolo mo." I smiled. Mamimiss ko rin sila. Nakasanayan ko talaga na palagi sila ang kasama ko. Pero kailangan ko ito, kailangan kong mag-heal.
"Mamimiss ko rin kayo, lola-lolo. Mag-iingat po kayo." Hindi ko na napigilan na maluha ng makita kong malungkot sila ni Lolo. "Huwag po kayong mag-alala. Babalik rin naman po ako 'e.. Kapag okay na.." Tumango sila at ngumiti ng mapait. "Mahal ka namin, apo." Sweet talaga ni Lolo.
"Mahal ko rin po kayo. Tsaka, Kuya! Wag mo silang pababayaan ha?! Humanda ka talaga sa akin." Pagbabanta ko.
"Talk like you're the old one, huh?" I glared at him. "Fine, fine! Hindi ko naman sila pababayaan." Madali naman pala tong kausap 'e. Pero kahit ganyan siya mahal na mahal ko parin 'yan. Nakasanayan lang talaga na palagi kaming nagbibiro-an at nag-aaway na parang mga aso't pusa.
Niyakap ko sila isa isa at nagpaalam ulit. Hanggang sa nandito na ako sa eroplano. Mamimiss ko talaga yung buhay probinsya. Yung feeling na palagi kang makakalanghap ng sariwang hangin, masaya at tahimik lang.
Sana ganon din sa Maynila...
I felt tired so I slept while still on the flight.
***
Fast Forward...
Nang makarating ako ng bahay ay kaagad kong pinindot ang doorbell. Agad namang lumabas si Manang Beth at pinagbuksan ako.
"Lianne, anak?! Ikaw na ba 'yan?!" Gulat na tanong ni Manang Beth.
"Opo, Manang!"
"Nako! Mas lumaki kana ngayon!" Nginitian ko siya. Di ko naman siya masisisi dahil pitong taon na ang nakakalipas nang umalis kami rito. "Namiss kita!" Dagdag pa niya.
"Namiss nga rin po kita 'e! Pitong taon akong nawala rito pero hindi parin kumukupas ang kagandahan mo, manang!" Biro ko.
"Ikaw talaga! Di parin nagbabago ang pagiging mapagbiro mo!"
"Sisihin mo si Kuya Thad, manang!" Sabay kami tumawa ng malakas. Nakapasok na kami sa bahay.
Sa pitong taon na wala ako dito, wala paring nagbago. Napakaganda parin ng bahay. Umakyat na ako sa itaas at tumungo na sa aking kwarto.
Pagkabukas ko ay kita kong napakalinis nito. Purple theme ang design ng kwarto ko dahil ito ang favorite color ko. Pati amoy ng kwarto ay lavender. I chuckled a bit.
I took a shower dahil nanlalagkit ako at para makapagpahinga narin. Pagkatapos kong mag shower ay tinawag na ako ni Manang Beth para maghapunan. Nang makababa ako ay nakita ko si Manang na nagliligpit ng pagkain sa mesa.
"Sabay na tayo, manang." Ngumiti naman siya ngunit umiling ito.
"Salamat, anak. Pero busog pa ako 'e. Ikaw nalang muna!" Tinapunan ko narin siya ng ngiti at kumain na. Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush na ako tsaka pumunta sa kwarto ko. Tinext ko narin si Mommy na nakarating na ako ng Maynila. Sa sobrang pagod ko, 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
hey guys! i hope you'll like my story. whoever reads my story, thank you for the support. i really appreciate it <3
- andrecious
YOU ARE READING
Meet The CEO (On-Going)
Teen FictionThalianne‚ a soft-hearted girl- living a simple life, finds herself betrayed by her own best friend who's having an affair with her boyfriend, reason for Thalianne to go home to Manila. But then, Thalianne unexpectedly crosses paths with Kio, a cold...