CHAPTER 2

21 7 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil mag a-apply ako ng trabaho. Kaya naligo na ako at nagbihis. I just wore a light blue simple short sleeves dress and i paired it with 2-inch beige glossy leather heels. I'll just braid my hair and apply some light make up to my face. It really match to my outfit.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako for breakfast. I saw my Manang, busy preparing foods for breakfast. She saw me and smiled.

"Magandang umaga, iha. Kumain kana, naihanda ko na ang pagkain mo." Saad niya habang nagliligpit ng mga pagkain sa mesa.

"Good morning, manang. Sabayan niyo na po ako." Hindi kasi ako sanay na walang kasabay kumain. Tsaka naiilang ako kapag alam kong isa lang ako kakain tas yung kasama ko hindi. "Alam kong tatanggi kayo, pero hindi po kasi ako sanay na walang kasabay." Paliwanag ko naman sa kaniya.

Wala siyang magawa kundi pumayag. Nang matapos na kaming kumain ay nag toothbrush muna ako bago umalis. Si Manang Beth naman ay nagliligpit ng pinagkainan namin.

Actually, hindi lang si Manang Beth ang kasambahay namin dito. Meron pa kaming tatlong kasambahay kaso rest day nila kahapon hanggang bukas kaya wala sila dito. Tsaka may driver din kami, si Manong Thomas.

"Aalis napo ako, Manang. Kayo na po ang bahala dito." Paalam ko.

"Oh sige, iha. Mag-iingat ka." Tinanguan ko naman siya at lumabas na. Nadatnan ko si Manong Thomas na naglilinis ng kotse. Nakita niya rin ako kaya nginitian ko siya.

"Hatid na kita, iha." Tapos na niya itong linisin. Niligpit niya na ang hose at binalik sa lagayan nito.

"Nako, wag napo Manong! Mag co-commute po ako." Tsaka kapag malaman nila na may kotse kami ay baka iisipin nilang mayaman ako at hindi ako tanggapin sa trabaho.

"Sigurado ka ba, iha?" Tumango naman ako. Napabuntong hininga nalang siya. "Oh sige, mag-iingat ka."

"Sige po. Alis na po ako."




***



"Bakit po kayo huminto, manong? May problema po ba?" Nag-alala kong tanong. Bigla kasing huminto si Manong sa pagda-drive.

"Nako ma'am, pasensya na po pero naubusan po ng gasolina ang sasakyan." Huh?! Pano nato? Baka hindi na ako matanggap kapag huli na ako makapunta?
"Pero malapit narin naman po tayo sa KdF's company. Mga ilang hakbang nalang po at makakarating napo kayo doon. Pwede niyo pong lakadin kung kaya niyo po. Pasensya na po talaga, ma'am." Napabuntong hininga nalang ako.

No choice ako kundi bumaba nalang at maglakad. "Okay lang po, manong. Ito po bayad ko." Inabot ko sa kaniya ang bayad ko at bumaba na ng taxi.

"Kung minamalas nga naman..." Napailing nalang ako sa nasabi ko.

Nagsimula na akong maglakad patungong building kung saan ako mag a-apply ng trabaho. Pero ilang hakbang palang ay may dumaang kotse parang nagmamadali kaya natalsikan ng dumi ang suot ko.

"Aaaa!" Sigaw ko. Napatingin ako sa suot ko na natalsikan ng dumi, pati narin ang aking mukha.

"Sorry miss. I didn't mean to throw a dirt on you." Hindi ko namalayan na huminto pala sa harapan ko ang dahilan kung bakit andumi ko ngayon.

"Sorry?! Malilinis ba ng sorry mo ang dumi sa damit ko?!" Nang dahil sa inis ko hindi ko na nakontrol ang galit ko. Agad naman akong kumuha ng tissue sa bag ko at nilinis ang mukha ko pati narin ang suot ko.

"Look! i didn't mean it, Okay? I'm in a hurry." Paliwanag niya na parang nagmamadali. Di ko maipagkakaila na ang gwapo niya. Pero kahit gwapo siya, nakakainis parin!

"Hindi pa tayo tapos, ha! Wag lang talaga tayo magbangga ng landas kasi lagot ka talaga sakin. Naiintindihan mo 'yun?!" Inis inis talaga ako sa pagmumukha nito. Malas ko talaga ngayong araw!

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa building kung saan ako mag a-apply.

Pero napatingin ulit ako sa aking sarili, medyo madumi narin yung damit ko. Baka sabihan pa ako na dugyot doon. Naku!

"Bahala na." Pumasok na ako sa loob. Manghang-mangha ako ng makita ko ang kabuoan ng building ito. Napakalaki, mas malaki ito kompara sa company namin.

Hindi ko pa kabisado ang building na ito kaya nagtanong ako sa isang babae, batid ko ay isang din siyang employee rito. "Um, can i ask po?" Tanong ko.

"Yeah, sure!" Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti.

"Nasaan po ang opisina ni CEO? Andito kasi ako kasi mag a-apply ako for secretary." Tanong ko sabay paliwanag.

"Ah, si CEO po? Kakaalis niya lang po. May emergency kasi sa bahay nila pero don't worry dahil nandito naman yung assistant niya. She can assist you. Nasa 4th floor, sa kabila yung pinakauna, doon po ang opisina ni Ms. Olivia Clemente." Kaya kaagad ko siyang pinasalamatan at tumungo na kaagad sa itinuro niyang ikaapat na palapag.

Nang makarating na ako sa 4th floor ay tumungo ako sa may kabila sa pinakauna at doon ko nakita ang pintuan na may pangalang;

Olivia Clemente
    -Assistant


Kaagad naman akong kumatok sa pintuang iyon. "Come in." Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan at pumasok na.

"Good morning po." I greeted her with a smile.

"Good morning, hmm what can I do for you?" She asked.

"I am here to apply as the CEO's secretary because I saw that you are hiring."

"Oh! I see. Umupo ka muna." Dali-dali naman akong umupo. "Well, Mr. Frostavilla was not here but he told me to take care of hiring for the new secretary. So let's start the interview?" Tumango naman ako.

Bago ako magpa-interview ay binigay ko muna sa kaniya ang resume paper ko. Binasa niya naman kaagad ito at sinimulan niya nang magtanong at agad ko namang nasagot ito ng tama.

Napahinga ako ng malalim nang matapos ang kaniyang mga matanong. "We will send you an email if you've been selected by the CEO." Saad niya.

"Ok po. Maraming salamat po."



***

Author's Note:

actually guys, natagalan ako sa pag update dahil na aksidenteng na delete ko yung copy ng chapter two. so, binago ko po ulit kaya sana magustuhan niyo :)

Meet The CEO (On-Going)Where stories live. Discover now