Nang makauwi ako sa bahay ay napabagsak nalang ako sa aking kama. I'm so tired! Pero ginusto ko to, kaya koto!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at may nakita akong message galing kay Mommy at Victoria.
From: Mommy
Your dad and I finished our project early, so we're going home after 3 days. See you!
Sent 3 hours ago...
Akala ko isang buwan pa sila doon? Hays.
Minessage ko nalang ito ng "Okay" tsaka tinignan ang message ni Victoria.From: Victoria
I'm bored na dito sa house! Can I go there? Isang gabi lang, pleaseee :(
Sent 30 minutes ago...
Ano namang gagawin niya rito? Mas ma b-bored lang siya dito 'e. Pero no choice, minsan lang naman kami magkakasama.
To: Victoria
Sige. What time ka pupunta dito?
Sent.
Agad naman siyang nag reply.
From: Victoria
Now na!
Sent 1 minute ago...
Ginantihan ko nalang siya ng thumbs-up at nilagay ko na ang phone ko sa mini cabinet beside my bed.
Nagugutom ako!
Bigla naman sumagi sa isip ko ang binigay ni Boss na pagkain at coffee sa akin kanina. Infairness, may kabutihan rin palang natitira sakaniya. Oh baka ginagawa niya lang 'yun para hindi ko siya gantihan? Tse!
Nakaramdam ako ng antok kaya napagpasyahan ko na munang matulog para makapag-ipon ng lakas mamaya dahil alam kong kawawa nanaman ako kay Victoria mamaya. Masakit kaya manghampas 'yun.
***
Nagising ako nang may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Iha? Nandito si Victoria."
Agad naman akong napabangon at binuksan ang pinto. Nang makita ako ni Victoria ay kaagad niya akong niyakap. "I missed you, couz!"
"Miss ba talaga o kailangan mo ng chisMISS?" We chuckled. Kumalas na siya sa pagkayakap sa'kin at tiningnan ako ng masama. "Kidding aside. Syempre namiss kita! Ikaw paba?!" Napalitan naman ng saya ang mukha niya.
Bumaba na kami papunta sa sala. Linagay niya narin ang gamit niya sa kwarto ko dahil gusto niyang tumabi daw sa'kin. Mukhang hindi talaga ako makakatulog nito nang maaga.
"How's your work pala? Okay ba yung boss mo?" Tanong niya kaagad sa'kin.
"Okay naman. Yung boss lang hindi."
"Why? Sinasaktan ka ba niya?! Gusto mo bang resbakan natin??" She really reacts like this because she doesn't want one of our cousins to be hurt. Parang siya yung ate namin 'e mas matanda nga ako sa kaniya.
"OA mo ha, hindi niya ako sinasaktan. Parang tinotorture lang sa gawain hehe. Akalain mo 'yun, first day ko palang sa work as secretary madami nang pinapagawa sa'kin. Argh!" Inis kong sabi. "And guess what? Nung mag a-apply ako ng trabaho sa company nila, siya yung nag d-drive ng kotse na nakatalsik ng dumi sa damit ko that day! Ang malas ko, right?"
"Bakit ka ba kasi nagt-trabaho? Ang yaman yaman niyo girl, hello! Hindi mo na kailangan magtrabaho. Yan tuloy napala mo." Aba't? Kanina gusto niya resbakan namin ang boss kong asungot tas ngayon parang ako naman ang may kasalanan.
YOU ARE READING
Meet The CEO (On-Going)
Teen FictionThalianne‚ a soft-hearted girl- living a simple life, finds herself betrayed by her own best friend who's having an affair with her boyfriend, reason for Thalianne to go home to Manila. But then, Thalianne unexpectedly crosses paths with Kio, a cold...