Kinabukasan, maagang inasikaso ni mommy ang tungkol sa bahay kaya maaga rin kaming umalis papuntang airport.
Nang makarating kami sa airport ay saktong 7:20 ang dating namin dahil 7:30 ang flight namin. Hays! Mamimiss ko talaga ang probinsya. Pati na rin si lola...
After a few hours... We've already arrived in manila. Nagpasundo kami kay Manong Thomas gamit ang family van. Habang nasa byahe kami ay napaisip ako bigla. Nasa maynila na 'rin kaya si boss? What if mag-iba yung isip nun tsaka isesante ako? Halaaaaa! Wag naman sana..
"Lianne, are you okay? Malalim yata ang iniisip mo? May problema ba?" Mom asked me, she's concerned.
"Uhh.. yes mom, i'm good.. Wala naman po akong problema.." ikaw ba naman matanggal sa trabaho, nakooooo! Edi wala na akong pambili ng books nun.
"Just tell us if you need something, hmm?" Tinanguan ko naman siya.
Ganyan talaga si mommy and si daddy everytime na napapansin nilang tahimik ako, tatanong na kaagad sila n'yan to make sure na okay ako. That's why I love them both.
Few minutes later...
"Finally! After almost 8 years, nakabalik na 'rin ako dito." Kuya really missed our house.
"Yeah.. welcome back lolo and kuya!" I welcomed them with a wide smile. If only lola was here.. She'll be happy with us..
Pumasok na kami sa loob. "Ang laki na ng pinagkaiba ng bahay niyo. Noon parang ang liit liit lang nito.. Ngayon ang laki laki na!" Natawa naman kami sa sinabi ni lolo.
"Dahil 'yan sa sipag at tiyaga, pa..." Nakangiting sagot ni daddy. Manghang-mangha rin kami sa kasipagan ni daddy at mommy para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan.
Iniwan ko muna sila sa living room at pumunta muna ako sa kitchen para kumuha ng tubig. Nakita ko naman si Manang Beth na nagluluto ng... adobo?
"Adobo po ba 'yang niluluto mo, manang?" Nagulat naman siya sa tanong ko.
"Oh iha! Nandito na pala kayo? Nako, sandali lang niluluto ko pa 'yung ulam niyo na adobo..." Dali-dali niya naman itong tinapos sa pagluto.
"Okay lang 'ho.. Makakahintay naman po kami, lalo na ako. Favorite ko 'yan 'e!" Masaya kong sabi sa kaniya, napatawa naman ito.
Kumuha na ako ng tubig sa ref. Pagkatapos kong uminom ay bumalik na ako sa living room. Nakita kong nagkukwentuhan sila kaya agad akong tumungo sa direksiyon nila. " Anong ganap, guys?" Nakangiti kong tanong.
"Wala, nagtatanong lang si lolo kung may boyfriend kana daw. Pftt!" Sagot ni kuya. "Ikaw magkakajowa? I can't imagine it, sis." Hinampas ko ang braso niya ng malakas kaya napadaing ito sa sakit.
"Ang yabang mo eh torpe ka naman! Ni hindi mo nga napasagot si Ate-" Naputol ang sinabi ko dahil tinakpan ni kuya ang bibig ko habang sina daddy naman ay gulat parin sa sinabi ko.
"Hey! Di ko alam 'to anak ha? May tinatago kana pala sa amin? Who's that unlucky girl, hmm?" Dad teased him.
Tinatakpan niya parin ang bibig ko kaya hindi ako makasabat. "Naniwala naman kayo sa kaniya, dad? She's just kidding dad... Right, LIANNE?" tinignan niya ako ng masama kaya wala na akong choice kundi tumango para bitawan na niya ako.
"Okay.. tutulungan pa sana kita.. Hays! Sayang naman.." Napatawa naman sina mommy at lolo sa sinabi ni dad, pati narin kami ni Victoria. Si dad talaga!
***
Nandito kami ni kuya sa mall dahil daw magpapatulong siya kung ano ang babagay sa susuotin niya para sa party sa house nila Victoria. "How about this one?"
YOU ARE READING
Meet The CEO (On-Going)
Teen FictionThalianne‚ a soft-hearted girl- living a simple life, finds herself betrayed by her own best friend who's having an affair with her boyfriend, reason for Thalianne to go home to Manila. But then, Thalianne unexpectedly crosses paths with Kio, a cold...