CHAPTER 5

11 6 0
                                    

Kinabukasan, i woke up so early dahil excited na akong magtrabaho. Gosh!

Nang bumangon na ako, kaagad akong pumunta sa closet para pumili ng damit. Pagkatapos kong mamili ay naligo na ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at inayusan ang sarili ko. Naglagay rin ako ng kaunting powder tsaka liptint to make it simple. Dapat fresh na fresh look natin today! Nang matapos na akong mag-ayos ay bumaba na ako.

Naabutan ko ang mga kasambahay kasama naduon si Manang Beth na naghahanda ng almusal. "Oh iha, kumain kana para hindi ka gutomin mamaya sa trabaho mo." Pinaalam ko narin pala kay Manang na natanggap ako sa trabaho na pinasukan ko.

"Sige po. Sabay napo tayo! Tsaka yung iba pong mga kasambahay. Mas madami, mas masaya!" Napatawa naman si Manang. Tinawag niya narin ang ibang kasambahay para kumain.

"Nako ma'am, nakakahiya naman po.." Saad ng isang kasambahay.

"Ano kaba! Okay lang tsaka ako rin naman ang nagsabi. Wag kayong mahiya, ako lang to no!" Napatawa naman sila at nagsimula nang kumain. Napakasarap sa feeling na marami kang kasabay kumain lalo na kapag madami kayo.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na ako. Nag-commute nalang ako dahil syempre independent woman na ako ngayon, char!








***





Nakarating na ako sa kompanyang tatrabahuhan ko kaya nag ayos ulit ako ng aking sarili bago pumasok sa loob. "Magandaw araw po, ma'am!" Bati naman ng guard sa akin. Nginitian ko naman siya at sinuklian ng pagbati.

Nang makapasok ako ay tinanong ko yung ibang employees kung nasaan si Ms. Olivia. As usual, nandoon siya sa kaniyang opisina which is nasa 4th floor.

Kakatok na sa ako nang makita ko siya bago lang kakalabas galing sa isang opisina. "Ms. Rivera, you're here! Mr. Frostavilla is waiting for you. Let me accompany you to his office." Kaagad ko naman siyang sinundan. Doon kami pumunta sa isang opisina na kung saan doon ko rin siya nakita.

Kumatok naman siya. "Come in."

Napaka-cold ng kaniyang boses. Cold as ice! Nako... Ito na nga ba ang sinasabi ko..

Nang mabuksan ng assistant niya ang pinto ay kaagad naman akong umayos ng sarili. Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakatalikod siya sa amin. "Your new secretary is here, boss. Maiwan ko na po kayo." Saad ni Ms. Olivia at umalis na.

Unti-unti itong humarap at napatigil ako ng mamukhaan ko kung sino ito.

"Ikaw?!" Gulat kong tanong. Sa dinami-dami ba namang magiging boss, siya pa?! Nako naman lord! Sana sinabi niyo na kaagad sa'kin para sa ibang kompanya nalang ako nag-apply!

"Looks like fate is playing with us. Nice to meet you again, Ms. Rivera." Nakakainis! Siya yung tumalsik ng dumi sa damit ko noong mag a-apply ako ng trabaho. And guess what? Siya pa talaga ang magiging boss ko!

Letseng buhay 'to!

"Pinagtagpo naman talaga yung landas natin, BOSS." Diniinan ko talaga yung pagkasabi ng Boss. "Kasi hindi pa ako nakakaganti.." mahina kong saad.

Napailing naman siya. "Let's see." Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ay tinuro niya sa akin kung saan ang table ko at yung mga gagawin ko.







***






Hays! Nakakapagod mag type ng type. Nakakasakit rin ng mata. Kanina pa to pero hindi ko pa natatapos. Hays! Tumigil ako sa kabaliwan at napunta naman ang tingin ko sa boss ko na busy sa laptop niya.

Sa totoo lang, may itsura naman siya 'e. Kaso lang... Gusto ko parin siyang gantihan! Pero paano? Argh!

"Matutunaw ako sa titig mo, Ms. Rivera." Nagulat ako ng magsalita ito. Obvious ba na tinitigan ko siya? Hays.

"Hindi kita tinitignan, boss." Depensa ko sa aking sarili.

"Tsk. Are you done?"

"Hindi pa, boss. Bakit? Tatapusin mo ba?" Napatigil ako nang tinignan niya ako na parang gusto niya akong kainin. "Sabi ko nga po, tatapusin ko na." Dagdag ko.

Nakakatakot pala siya. Geez!

Lumipas ang ilang minuto natapos ko rin ito. I sighed heavily as i handed to him the papers. "Ito na po, Boss." Tiningnan niya muna ako bago ito kunin. "May ipapagawa ka pa po ba, boss?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya kumibo. Busy parin ito kaka-type sa laptop niya. Hays! Anong tingin niya sa'kin? Hangin? Tss.

"Boss, sabi ko may ipapa—" Napatigil ako nang ibigay niya sa'kin ang isang box na puno ng papeles.

"All of that. I need it before lunch." What?!?! Before lunch? Ang dami nito! Paano ko ito matatapos?! Tsaka mag l-lunch narin mamaya.

"P-po? Eh.. Hindi ko po 'to k-kayang tapusin before lunch.." Tsaka mukhang hindi talaga ako makakain dahil kailangan ko itong matapos kaagad.

Mukhang ako yata ang pinaparusahan nito 'e!

"Then why did you apply here if you can't do it?" Kung alam ko lang na ikaw ang boss ko, sana hindi nalang ako dito nag-apply!

No choice! "Fine. I'll d-do it.." Bumalik na ako sa aking pwesto. Nakakainis naman! Paano ko ba matatapos lahat nang 'to?! Tss. Bahala na.

After few hours...

Napatigil ako sa pagt-type nang biglang tumunog ang tyan ko. Hays! Kalma lang kapatid, hindi pa ako tapos. Kasalanan 'to ng asungot na 'yun.

Naramdaman kong tumayo ang boss kong asungot. Naglakad siya palabas ng opisina. Saan kaya pupunta 'yun?

Tss. Anong pake ko doon? Maka-type nalang nga!

Bumalik na ako sa pagt-type para matapos ko na ito. Nako naman! Ni hindi pa ito nakakalahati.








***







Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Bumungad naman ang boss ko. May dala itong paperbag. Hays! Kailangan ko nang tapusin 'to! Baka pagalitan ako ni BOSS! Bumalik nalang ako pagt-type.

Napatigil ako nang may naglagay ng pagkain at coffee sa table ko. Napaangat ang tingin ko dito at nagulat nang makita na si Boss ito.

"Eat." Tsaka bumalik na siya sa kaniyang upuan.

Buti naman at alam niyang kanina pa ako gutom! Binuksan ko na ito at sinimulang kumain. Infairness ang sarap ah! Napatingin ulit ako sa kaniya, hindi niya kinakain ang sa kaniya. Ano 'yun? Bibili siya tas 'di niya kakainin? Hays.

"Are you done with your work, Ms. Rivera?" Tanong niya.

"Hindi pa po, boss." Napailing naman ito at bumalik na sa ginagawa niya.

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at nagtype na ulit. Bumalik ulit yung lakas ko para makapag-type.

After few hours...

Finally! Natapos ko na rin! Naprint ko na rin lahat.

Tumayo na ako at pumunta sa pwesto niya para ibigay ang mga papeles. "Ito na po lahat, boss." Nakangiti kong saad.

"Good." Sa wakas makakapahinga narin ako! Babalik na sana ako sa aking upuan nang magsalita ulit ito.

"Very good, Tali." Hindi ko na narinig kong ano yung huli niyang sabi pero ang alam ko lang ay kailangan ko nang magpahinga


***


sorry guys! natagalan huhu busy kasi :(
babawi ako!

- andreciousx

Meet The CEO (On-Going)Where stories live. Discover now