CHAPTER 4

11 8 0
                                    

Napagpasyahan ko na pumunta ng mall para bumili ng gamit at mga damit since mags-start na ako ng work bukas. Dapat maganda tayo no! Dapat yung mai-inlove yung boss sa secretary. Ganon dapat ang atake! Char.

Kakabasa ko ng libro 'to!

Nagpaalam na ako kay Manang tsaka nandoon narin ang mga kasambahay namin kasi tapos na yung rest day nila.

Since nag-insist si Manong Thomas na mag-drive, pumayag na ako. Napagpasyahan ko rin na bumili ng books. May extra money pa naman ako dito na bigay ni Dad, so ito nalang ang gagamitin ko.

Nang makarating na kami sa mall ay sinabihan ko na si Manong na wag na akong hintayin pero matigas talaga ang ulo niya dahil daw iyon ang utos ni Mommy at Daddy sa kaniya. Wala naman akong magawa kundi payagan siya.

Pumasok na ako at pumunta sa kung saan ako palaging bumibili ng damit which is DIOR. I really love Dior kasi maganda yung mga damit doon especially yung mga perfume!

I bought 5 dresses for work kasi syempre dapat ganda ng outfit natin no! First day palang dapat bonggabels na tayo, kidding!

Bumili rin ako ng perfume na Dior J'Adore! This is one of my favs too! This is an iconic fragrance and one of the brand's most sellers!

Pagkatapos ko namang bumili ay pumunta na ako sa National Bookstore. Tiningnan ko ang mga libro, lahat magaganda! Pro I think I need to save money for myself kaya isa nalang siguro ang bibilhin ko.

May nakita akong isang libro which is yung pinaka-favorite kong author ang nagsulat nito. Kukuhain ko na sana nang biglang may gusto ring kumuha nito. Unti-unti ko naman tinignan kong sino ito. At nang makilala ko ito, naisip ko na sana hindi nalang ako pumunta rito.

"L-Lianne?" He's with her GIRLFRIEND, huh? Kita mo nga naman, pinagtagpo parin ang mga landas namin. "Bakit k-ka nandito?" Dagdag pa niyang tanong.

"Do i know you?" I'm trying my best to act normal. Alam ko namang siya 'yan. Pero I have to pretend in a sarcastic way.

"L-Lianne... Sorry.." Sorry? Haha duh I'm okay now! Late na siya para mag sorry pa.

"Excuse me, Miss? Do you know me pala? Sorry ha? Hindi kasi kita kilala 'e." She started to cry. Napatawad ko rin naman siya 'e. Kahit ginawa niya sa akin 'yun noon, may pinagsamahan parin naman kami. Ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit kailangan nila akong gawing tanga.

I want to live peacefully! Gusto kong mabuhay ng mapayapa. Kinalimutan ko na sila 'e! Pero bakit nandito nanaman sila sa harapan ko?!

"L-Lianne... Wag namang ganon oh... Miss na miss na kita... Best friend ko..." Walang tigil siya sa pag-iyak. Hindi sana sila magkakaganon kung hindi nila ako niloko noon.

"Uhm miss? Hindi ko po kayo maintindihan? Ano pong bestfriend niyo ako? Wala po akong BESTFRIEND." Diniinan ko ang pagkasabi ng bestfriend. "Tsaka kung gusto niyo sa inyo natong libro. I can buy next time naman. Saksak niyo sa baga niyo." Hindi nila narinig ang sinabi ko sa huli dahil tanging ako lang ang makakarinig nito.

Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palabas ng Bookstore. Tinatawag parin nila ang pangalan ko pero nagpanggap nalang ako ng walang narinig. Buti nalang at nakapagtimpi ako.. Dahil kung hindi? Ewan ko nalang.

Actually he's one of my book buddy. Pareho rin ang favorite naming author. Kaya hindi na kayo nagtataka kung bakit pareho ang napili naming libro. Dahil din sa libro kaya kami nagkakilala hanggang sa naging kami.
Pero past is past!

***

Nang makauwi ako, inayos ko na ang mga damit na pinamili ko at nilagay sa closet. Nakuha naman ng bookshelf na puno ng libro ang atensiyon ko. Hays! Sayang naman. Bakit ba kasi pareho pa kami ng gusto!

Meet The CEO (On-Going)Where stories live. Discover now