CHAPTER 3

15 8 0
                                    

Bago ako umuwi ng bahay ay pumunta muna ako sa pinakamalapit na restaurant. Gutom na gutom na kasi ako.

Nilakad ko lang ito hanggang sa nandito na ako sa harapan ng restaurant. Napatigil ako sa nakalagay na pangalan ng restaurant. Villa Café? Sa pagkakaalam ko, Frosta de Café yung pangalan nito dati 'e. Dito pa nga kami kumakain nina Mom, Dad and Kuya.

Hindi kaya, binago ito ng may ari?

Pumasok nalang ako at napahanga rin ako sa kabuuan nitong restaurant. Ang laki ng pinagbago nito. Noon kasi, wooden theme lang ito pero madami ang pumupunta dito kasi masarap ang mga luto nila. Ngayon naman modern ang theme ng restaurant.

Umupo na ako sa may kanang side kung saan makikita mo ang view sa labas nito. Nag order na rin ako ng crispy pork stir fried with spicy lemongrass sauce and rice, tsaka nag add narin ako ng dessert which is mango graham. Iyan din kasi ang kinakain talaga namin dito noong dito pa kami ni Kuya Thad tumira sa manila. I miss those days! Huhu.

Pagkatapos kong kumain ay umuwi na ako ng bahay. Nadatnan ko si Manang Beth na nagwawalis. "Oh iha! Kamusta ang pag-a-apply mo?" Tanong niya kaagad sa akin.

"Uhm so far, okay naman po. E-email nalang po nila if tanggap na po ako na magtrabaho doon." Napatango naman siya.

"Aba'y mabuti. Pero teka, bakit nadumihan yang damit mo, iha? May nangyari ba?" Pag-aalalang tanong niya. Tsk! Sino paba ang may gawa nito kundi yung lalaki na 'yun!

"Wala to, manang. Natalsikan lang po sa daan."

"Ay! Teka lang, ipaghahanda pala kita ng makakain mo." Dali dali niya naman tinapos ang kaniyang ginagawa.

"Nako, wag na po Manang! Kumain po kasi ako sa restaurant kasi gutom na gutom na po ako kanina 'e. Pasensya na po. Kayo po? Kumain na po ba kayo?" Tanong ko naman sa kaniya. Niligpit muna niya ang mga gamit bago sagutin ang tanong ko.

"Hindi pa 'e. Hinintay kasi kita para masabayan na kitang kumain." Mukhang na-guilty tuloy ako sa sinabi ni Manang.

"Sorry po, manang. Tawagin niyo nalang po si Manong Thomas para masabayan niya po kayong kumain." Tumango naman siya.

Sa sobrang pagod ko ngayong araw ay pumunta nalang ako sa aking kwarto. Mag na sana ako nang biglang nag rewind 'yung nangyari kanina sa daan.

Nakakainis 'yung pagmumukha niya. Natalsikan niya ako tas sorry lang ang sasabihin niya?! Ganon lang?

Teka, bakit ko nga ba siya iniisip? Wala naman akong pakialam doon. "Arghh!"

Since I felt like I'm sticky, I just took a shower again. I just wear my sleepwear. I checked my phone, it's already 1:30 in the afternoon. I saw some messages from my Mommy.

I opened it.

From: Mommy

How's your day, baby? How about yung sa pag a-apply mo ng work?

Sent 1hr ago.

From: Mommy

Are you busy?

Sent 59 minutes ago.

Sunod sunod niyang tanong. Hays! Si Mommy talaga!

To: Mommy

I'm doing good, mom. They'll just inform me through email if tanggap na po ako.

Sent.

Pagkatapos kong replayan ang Mommy ko ay nakaramdam ako ng antok. Kaya natulog muna ako.

***

Nagising ako nang may kumakatok sa pintoan. "Iha? Hindi ka pa ba maghahapunan?" Batid kong si Manang ito.

Meet The CEO (On-Going)Where stories live. Discover now