CHAPTER 7

9 6 0
                                    

She's at the Clark's Hospital...

Natutula ako sa aking nabasa.

"Couz, are you okay?" Di ko siya sinagot at patuloy paring nag s-sink in sa utak ko ang aking natanggap na message.

Tinignan niya naman ang phone kong nakabukas. Nabigla siya ng mabasa niya ito.

"Oh my god..."

"Kailangan kong tawagan sina Mommy ngayon." Agad ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan sina Mommy.

"What's w-wrong, anak?" Pakiramdam ko parang umiiyak siya.

"Mom. Lola's at the Clark's Hospital. Someone message me na dinala siya doon. Please, puntahan niyo siya doon..." Nagsimula na akong magpanic dahil baka kung ano ang mangyari kay Lola.

"What?! Kanina pa namin siya hinahanap. Okay okay. We'll go there."

"Mom, i-update niyo ako kaagad kung ano ang kalagayan ni Lola." Naramdaman ko naman na hinahagod ni Victoria ang likod ko para pakalmahin ako.

"Sure anak. We need to go. Take care." She ended the call.

"Couz, everything's gonna be fine." Pagpakalma sa akin ni Victoria. Mabuti nalang at nandito siya sa tabi ko.













***













Hindi parin ako natutulog dahil nag-aalala parin ako kay Lola. Si Victoria naman ay kanina ko pa pinapatulog pero ayaw parin niya dahil sasamahan niya daw ako.

"Magiging okay rin siya, Lianne." I weakly smiled at her.

"I hope so. Hindi ko kayang mawala ang isa sa mga pinakamamahal ko. Kung mawawala man sila, ewan ko nalang kung ano ang mangyayari sa'kin." Saad ko. Parang kanina ako ang nagc-comfort kay Victoria, ngayon siya na ang nagpapakalma sa'kin.


"Don't say that. Gagaling si Lola Theresita, couz."


Napatigil kami sa pag-uusap nang mag ring ang phone ko. Nakita kong si Mommy ito kaya sinagot ko kaagad.

"Mom? How's Lola? Is she okay?!" Sunod sunod na tanong ko.

Tahimik lang siya at umiiyak. "Mom... Tell me what's going on there?!" Nagpa-panic na ako. Pinapakalma naman ako ni Victoria.

"Mama is in c-critical condition... Wala parin siyang malay simula nung inatake siya ng sakit niya."

Napatigil ang mundo ko nang marinig ko iyon.

"Mama is in c-critical condition... Wala parin siyang malay simula nung inatake siya ng sakit niya."

"Mama is in c-critical condition... Wala parin siyang malay simula nung inatake siya ng sakit niya."

"Mama is in c-critical condition... Wala parin siyang malay simula nung inatake siya ng sakit niya."

Paulit ulit na nag s-sink in sa ulo ko ang mga katagang binitawan ng aking ina kasabay ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"B-ba... B-bakit?..." Parang may kung anong tumusok sa puso ko na dahilan para masaktan ako ng ganito.

"Tahan na.." Tumingin ako kay Victoria at nakikita ko rin ang sakit sa mga mata niya.

Naririnig ko rin ang paghikbi ni Mommy sa kabilang linya. "M-mom... I w-want to go there..."













***













Meet The CEO (On-Going)Where stories live. Discover now