CHAPTER 8

8 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo nang namatay si lola. Lahat kami ay parang binagsakan ng langit at lupa dahil ngayon na ito ililibing. Napakasakit isipin na wala na yung palagi kong kakwentohan noon.

"You're now in God's hand, lola... No more pain na... I will miss you and I love you.." Iyak kong saad at itinapon na ang bulaklak sa kaniyang kabaong. Sumunod naman sina mommy at daddy, sina kuya, lolo at mga tita't tito ko sa side ni mommy. Victoria's here beside me, comforting me.

Nang matapos nang ilibing sa lola ay mas lalo akong nasaktan at umiyak habang hinahawakan ang picture frame niya. I really miss my lola so bad...

"A-Anak... Aren't you coming home with us?" Mom asked. Tinignan ko siya at umiling naman ako.

She looked at me, weakly. "Okay.. but we'll wait for you in the car..." They kissed my forehead before they leave.

Tinignan ko naman ulit kung saan si lola inilibing. "Why did you leave us so early, lola? Diba sabi mo, hindi mo kami iiwan nina lolo?.. Pero bakit mo parin kami iniwan?... I don't want to lose you, lola.." Patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga mata. "I'll always cherish the moments we share together nung dito pa ako sa p-probinsya... Kaya pala... Kaya pala gustong gusto mo k-kami ni kuya na dito muna sa probinsya dahil ganito pala ang m-mangyayari.. Kung alam ko lang... sana hindi na ako umuwi ng m-maynila..."

Hindi ko parin matanggap na wala na siya. Ang sakit lang isipin na kapag umuwi ulit ako dito sa probinsya, wala na akong Lola Theresita na makikita. Yung lola kong palaging nakangiti, mabait, maalaga at higit sa lahat– mapagmahal.

Napatigil ako sa aking iniisip ng may umabot ng panyo sa akin. Napatingin ako sa nag-abot sa akin nito. Napatayo ako at pinunasan ang luha ko dahil sa gulat.

"B-boss?!" Bakit siya nandito? Omg.. wag niyang sasabihin na sinusundan niya ako dahil hindi ako pumasok sa work... "Bakit kayo nandito, a-akala ko nasa opisina ka?" Dagdag kong tanong.

"I took a leave 3 weeks ago for work and to visit my lolo here, then i saw you crying that's why nilapitan kita." Lolo niya? Tsaka saan siya nag stay? May bahay ba sila dito?

"L-lolo mo po?" Hays! umayos ka nga, Lianne! Para kang lutang.

"Yeah. Can I ask the same question to you? Why are you here? Shouldn't you be there at the company?" Malamang namatay lola ko 'e. Alangan namang hindi ko puntahan. Hays!

"Namatay po kasi yung lola ko.." tinignan ko ulit ang puntod ng lola ko.. Nako naman! Sana wag ako mapagalitan..

"Sorry for you loss. Condolence." Wait?! Akala ko papagalitan niya ako dahil hindi ako pumasok?

"Hindi niyo po ako p-papagalitan..?" Nag aalinlangan kong tanong.

"For what? You have a valid reason so no worries but don't do that again." Unti unti naman akong tumango. It makes me think na wag ko nalang siya gagantihan. Kalimutan ko nalang siguro 'yun? Hays!

"Ah... Sige po.. Mauuna na po ako, inaantay na ako doon.. Salamat, boss..." Nagsimula na akong lumakad papuntang sasakyan kung saan ito naka park.

Nang makarating ako ay napangiti naman si mommy. "Why did you take so long there?" Tanong niya.

"I was just talking to her tsaka nagpaalam lang ako sa kaniya kasi babalik na tayo ng maynila bukas.." malungkot kong sagot sa kaniya. "Mom.. can i ask a favor? Can we take Lolo to manila, so that we can take care of him?" Ngumiti siya sa akin. I think we're planning the same thing.

"Pinaplano rin namin 'yan, anak... Pero 'di ko alam kung susunod siya sa atin. I'll ask him later, hmm?" Tinanguan ko nalang siya. I hope lolo will go with us... I don't want to lose my lolo too...








***










Nang makarating kami sa bahay ay nagpahinga muna kami saglit at pinag-usapan yung tungkol kay lolo.

"You'll safe if you'll go with us, pa." Pagkukumbinsi sa kaniya ni mommy. Hindi ko naman kasi siya masisisi dahil marami kaming nagawang masayang alaala sa bahay nato. Pero mas maganda kung sumunod siya sa amin para maaalagaan siya.

"Lo, mom's right.. I know it's not easy to leave this house.. even me! Maraming masasayang alaala sa bahay na'to. But.. what's important now is you.. Sumama kana lolo so that we can take care of you.." Bumuntong hininga ito at tinignan ang buong bahay.

Tumango ito. "Oh sige... Wala akong magagawa.." Tinignan ko naman si mommy, nginitian niya ako.

Nagsimula na kaming mag impake ng mga gamit namin para bukas. Mamimiss ko talaga 'tong bahay na'to. Actually hindi daw ito ibebenta, ipapatuloy muna daw dito yung mga na hire ni mommy na magmamanage ng farm kaya pwede parin kaming pumunta dito.

Pumasok naman sa isip ko si Boss kanina. Ngayon ko lang nalaman na nandito pala siya sa probinsya tsaka dito rin nilibing yung lolo niya. Hays! Naalala ko tuloy yung kinwento sa akin ni lola.





-FLASHBACK-



"Alam mo ba apo? Bago ko paman makilala ang lolo mo, may naging kasintahan ako noon." Habang nagtutupi ako ng mga damit ko, pumunta si lola sa kwarto ko dahil may ikikwento daw siya sa'kin. "Siya ang pinakaunang lalaki na nagparamdam sa akin na mahal niya ako." Ngumiti ito at nagpatuloy sa pag ki-kwento.

"Napakabait at napakasipag nun, pero hindi siya gusto ng pamilya ko. Mahirap lang kasi kami at mayaman sila, kaya ayaw ng pamilya ko sakanya dahil minsan narin kaming minamaliit ng mayayaman. Nanligaw siya sa akin kahit na hindi ito naging madali. Hanggang sa sinagot ko siya, kahit na ayaw ng pamilya ko. Itinago ko ito sa kanila. Naging matigas ang ulo ko nung mga araw na 'yun. Pero..." Ang kaniyang masayang mukha ay napalitan ng mapait na ngiti.

"Pero..?"

"Gusto naming magpakalayo sa aming pamilya pero naaksidente siya habang papunta sa bahay nung gabi na 'yun. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyare sa kaniya, hanggang ngayon..." Malungkot niyang saad.

"Ano pong nangyare sa kaniya, lola?"

"Namatay siya. Maraming dugo ang nawala sa kaniya, na damage rin ang utak niya kaya hindi na rin ito naisalba... Naglasing ako, nasaktan ko ang aking sarili dahil sising-sisi ako sa sarili ko..." That was.. tragic..

"Hanggang sa pinadala ako ng pamilya ko sa maynila pansamantala, para magbago.. Umuwi ulit ako dito sa probinsya nung maging okay na ako, at dun ko nakilala ang lolo mo— na nagpatibok ulit ng puso ko." Ngumiti ulit siya ng matamis. "Napakabait at mapag alaga ang lolo mo. Kaya nung niligawan niya ako, sinagot ko kaagad siya. Palagi siyang nagbibiro, palibhasa alam niya kung paano ako kunin kaya bumalik ulit ako sa pagiging ako. Mahal na mahal ako ng lolo mo kahit minsan inaaway ko 'yan." Tumawa ito ng malakas.

"That was... Wow! Grabe yung mga pinagdaanan mo, lola. Sana mahanap ko rin yung katulad ni lolo! Pero sana... Wag mangyari sa akin yung nangyari sa inyo ng dati mong kasintahan.." Bumuntong hininga nalang ako.

"Apo.. darating din ang panahon na makikita mo ang para sa iyo pero wag mo itong mamadaliin dahil kusang darating ito sa'yo. Tatandaan mo na mas mabuting maghintay kesa maghanap." Nginitian ko si lola ng matamis at niyakap ito ng mahigpit.


"Sana nga, lola.." sana nga mahanap ko na’rin ang para sa akin...



-END OF FLASHBACK-




***

hi andees! sorry for long update huhu, i hope y'all like it :)

- andreciousx

Meet The CEO (On-Going)Where stories live. Discover now