KINABUKASAN,mas nauna pang nagising si Missy kaysa sa akin nagulat nalang ako ng paggising ko nasa tabi ko na siya she's just staring at me na parang ewan. I understand naman why she's acting like this malalayo ako sa kaniya and i know na nalulungkot siya ako din naman pero hindi ko iyon pinapakita sa kaniya.
"Baliw kana Missy" sambit ko sa kaniya, then tinakpan ko siya ng unan at tumayo para magshower. "Para lang maalala ko ang mukha mo" ani naman niya, see she's crazy.
"Sis, hindi pa ako mamatay okey?pwede tayo mag video call" natatawang sabi ko. "Yeah, i know pero iba parin when in person" Missy.
"Alam mo, maliligo na ako baka malate pa ako sa flight" ani ko, then pumasok na ako sa banyo.
After kong maligo ay sumunod naman si Missy may work pa kasi siya. Nagbreakfast nadin ako baka kasi gutumin ako sa byahe and gaya nga ng sabi ko hindi nako hinatid pa ni Missy sa airport para less hassle.
Pero syempre tinawagan ko siya through video call.
"Sis, nandito na ako sa airport" bungad ko ng sagutin niya ang tawag ko. "Magiingat ka sis ha" sambit niya, sumingit naman si Jane and Tom.
"Roni, tawagan mo kami lagi ha" Jane said. "Mamimiss ka namin Roni, don't worry soon kami ang dadalaw sayo" singit ni Tom. Ngayon palang namimiss ko na sila ang kukulit kasi nila.
"Sige aasahan ko 'yan ha, bye na i need to go na" ani ko then nagpaalam na din sila.
Pumasok na ako sa loob and sakto ang sit ko ay sa bintana kaya makikita ko ang view. Hindi pa nakakalipad ang eroplano ay lumabas na naman ang luha ko.
Grabe ang daming nangyare sa lugar na ito, maraming nangyare na hindi ko enexpect like na pumunta lang naman ako dito para lang magtrabaho pero hindi ko sukat akalain na magkikita pala kami muli ni Borj at dito pa sa lugar na ito what a small world pero pinaglayo din kami ulit, buhay nga naman hindi mo malaman kung ano ba talaga at kung sino ang nakalaan sayo.
Umidlip muna ako dahil mahaba pa ang byahe ang lamig buti nalang at naka jacket ako and also dinala ko din yung blanket ko dahil kahit naka jacket kana tumatagos pa din ang lamig.
It took an hour bago mag land ang eroplano, nagtext na din ako kanila mom na nakarating na ako susunduin daw kasi nila ako.
Malayo palang ako ay tanaw kona si mom and dad, paglapit ko sa kanila i hug them so tight sobra ko kasi silang namiss ilang buwan din ako nawala and hindi din ganun ka dalas kung tumawag sila dahil busy sila.
"Mom, Dad I miss you both so much" mangiyak ngiyak na sabi ko. "Nako, namiss ka din namin" saad naman ni mom.
Kumalas ako sa pagkakayakap. "Tara na nga sa bahay na tayo mag iyakan" ani ko. "Oo nga, and also may isa pang nakakamiss sayo" sambit ni dad, kaya nagtaka ako.
"Sino po?" kunot noong tanong ko, pero nagkibit balikat lang sila.
All the way home hindi ko maiwasang ngumiti iba parin talaga ang feeling kapag nakauwi kana hanggang sa pag dating namin sa subdivision ganun padin ang ekspresyon ko.
YOU ARE READING
MAYBE THIS TIME
RomanceAfter many years, two people who have hidden feelings for each other meet again. Could this be the right time for both of them? this time, will they be able to show and feel their hidden love for each other?