-CHAPTER 1-

34 16 1
                                    

Si Erich, ang aking kapatid. Nagkabangaan kami ng tingin at nagulat ako ng sumigaw Siya

"Ate Rina!!!!" Tumakbo papalapit sakin SI Erich at niyakap ako ng mahigpit.

"Ate Rina, na miss kita ng sobra!!!!"

"Ikalma mo Rich, mabibingi na yata ako yung tenga ko nasa tapat lang ng bibig mo" totoo naman kasi, ang lakas niya pa sumigaw

"Ayy sorry, nadala lang ng emosyon"

"Okay lang, I miss you more sissy ko" pag yakap ko ulit kay Erich. Na miss ko talaga ang kapatid ko ng sobra. Kung si Lalaine ay best friend ko na kapatid, si Erich naman ay kapatid ko na best friend. Oh Diba buy 1 take 1 yarn! Pero umalis si mama para mag trabaho at isinama si Erich noong 9 years old palamang ako, iniwan niya ako kay Lola. Unanswered parin ang matagal ko ng tanong kung bakit ako iniwan niya at si Erich ay sinama niya, dahil ba mas bata Siya sakin? Ng Isang taon?! Oh dahil SI Erich ang favourite niyang anak? Simula kasi ng Iwan niya ako kay Lola ay hindi na siya nag paramdam sakin, tanging SI Erich nalang ang nangangamusta samin ni Lola. Pero sabi ni Erich, busy lang raw talaga si mama palagi, kahit sa kaniya ay wala na raw time.

"SI mama asan?" Tanong ko may Erich dahilan para kumawala Siya sa yakap ko.

"Sorry ate pero ako lang ang sundo mo today. SI daddy kasi out of the country, SI mama naman nasa board meeting"

"Lagi naman" oh Diba, trabaho nanaman, di manlang sinundo yung anak. Kahit Isang beses lang oh, pamilya mo naman unahin mo, pwede ba?

"Hay nako ate hayaan mo na, babawi 'yon Sabi Niya sakin." Sabay ngiti sakin ni Erich

Tinanguan ko lang siya at Nagbugtong hininga ako.
"Sana nga" sana nga tuparin niya na 'yan. Lagi nalang napapako 'yong pangako niya, gaya nalang nung sinabi niyang babalikan niya ako kina Lola na 'di niya naman ginawa.

Nagulat ako ng Isinakay na ni Erich ang mga bagahe ko sa isang purple na kotse. Natitiyak kong mamahalin ang kotse na iyon dahil gano'ng kotse ang gamit ng mga artista sa TV. Pero mas nagulat ako nung binuksan ni Erich ang pintua ng driver seat

Iniharang ko ang katawan ko sa pinto ng drivers seat.
"Hephephephep!" pag pigil ko kay Lalaine. "Ikaw ang mag mamaneho??, kelan ka pa natuto??, may lisensya kaba??, saka sa'n mo to nakuha 'tong kotse na to?? Mamahalin 'to ah!" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Ate chill, pwede isa-isa lang??"
Aniya. "Una..." Iniurong ako ni Erich papalayo sa pintuan ng drivers seat at saka pumasok siya rito at pinaandar ang makina ng kotse senyales na siya ang magmamaneho nito.

"Yes ako ang mag d-drive kasi nga kotse ko to. Pangalawa, si mama ang nag turo sakin mag drive. Pangatlo, yes naman may license ako 'di naman ako baliw para mag maneho sa labas ng walang lisensya. At pang apat, Ang kotse na ito ay galing kay mama"
Tugon ng Kapatid ko sakin. Hindi ako nakagalaw sa mga sinabi niya sakin dahil pinoproseso ko parin ang mga ito sa utak ko.

Ano raw?? Si mama ang nag turo sa kaniya?? Kelan pa natuto si mama mag drive ng kotse e hindi nga marunong mag bike 'yon??

Nabalik lang ang diwa ko ng pumalpak sa mukha ko si Lalaine
"Huy teh! Okay kalang??" Tanong pa nito sakin.

Binuksan niya ang passengers seat at saka inalalayan akong sumakay rito.

"SI mama ang nag turo Sayo?? 'di ko alam na marunong 'yon ah. At saka sakaniya galing itong kotse?? Sure ka??"

Afford niya na pa ang gan'tong kamahal na kotse. Kelan pa naging gan'to karangya ang mama?? Gan'to na pala ang buhay niya rito. Sila siguro ang nagpapadala ng gamot at ng pera kay Lola, kaya pala't parang may pera siya lagi kahit wala siyang trabaho, 'kala ko pension eh.

THE LAST QUEEN AND LOST KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon