-PROLOGUE-

24 11 1
                                    

PROLOGUE

"Ha?! Sa Amazonite University ka mag-aaral?! Sanaol bes!"
'yan ang naging reaksyon ng bestfriend kong si Lalaine sa telepono ng sabihin ko sa kaniyang sa AU na'ko mag aaral.

Ang Amazonite University ay isa sa pinakamagandang paaralan sa bansa, or should i say sa mundo? Dahil maraming estudyante rito ang nagmula pa sa ibat-ibang lugar na talaga namang hindi rin biro ang estado sa buhay.

Mga prinsesa/prinsipe, anak ng presidente o ceo, mga anak ng miyembro sa gobyerno at iba pang matataas ng katayuan sa buhay.

Maaari ring makapasok ang hindi nagmula sa mayayaman na pamilya rito ngunit kong ikaw ay matalino lamang, sobrang talino dahil namimigay sila ng scholarship sa mga matatalinong mag-aaral ng bawat probinsya. Lahat ng magaaral ay nangangarap na makapasok rito, pero ako? HINDE! Oo sabihin na nating magandang paaralan ito pero mas gugustuhin ko nalang na sa probinsya mag aral at makasama ang lola carmielita ko. Pero wala eh, diko matanggihan ang kapatid kong si erich.

*/ 1 week ago (flashback)

"Sige na ba ate rina, sa AU ka nalang magaral, ako na bahala sayo, i gotcha!" Si Erich iyon sa kabilang linya

"Pero papano si lola rich? Walang maiiwan sa kaniya?"

"Ate nakausap ko na si lola, okay lang raw sa kaniya. Pauwi narin si tita Arlyne siya na raw bahala kay lola."

"Uuwi na si tita Arlyne?!"

Umuwi galing korea si tita Arlyne, siya ang nag iisang kapatid ni papa. Doon nag ta-trabaho ang papa kaya doon niya nalang rin pinaaral si tita Arlyne.

"Ay hindi mo pa ba alam?? Hala what if surprise yung balak ni tita?? Omg ate act surprised nalang please....." nako nako Erich

"Ayoko nga! Lagot ka!!!" Pang aasar ko rito

"Ihh, di ko naman alam eh. Pero ate ah, dito kana mag aral! Miss na miss na kasi kita..."

"Miss narin kita rich. Oh sige na nga, payag nako!!!"

(End of flashback)

"Oo bes, ayoko nga sana eh, mahihiwalay ako kay lola at sayo" tugon ko sa best friend kong kausap ko pa sa telepono kahit kapit bahay ko lang.

"Asus, huwag mo na akong intindihin! Lagi ko rin dadalawin si lola carms!"
Iyan ang gusto ko sa'yo Lalaine, pinapahalagahan mo rin ang mga taong mahahalaga sakin. Napaka swerte ko talaga at Ikaw ang naging bff ko!
"Thank you bes ha, mamimiss kita"

"Ang oa! Ako rin *sabay iyak ni Lalaine sa telepono

"Ako pa talaga yung oa, tahan na, sige na bye mag liligpit pako ng gamit" pagputol ko sa linya.

Pagkatapos kong makipagdaldalan sa bff ko ay nag impake na nga ako paluwas kina erich. Habang nag liligpit ako ay may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

*/ knocking..."apo pwede ba pumasok?" Ang lola carms ko pala iyon

"Opo naman lola, pasok po"

Pag pasok ni lola ay tumabi siya sakin at pinanood akong mag impake ng gamit ko.

"Okay kalang ba apo?" Pag basag ni lola sa pokerface ko. Alam kasi niya na ganon ang hitsura ko kapag malalim ang iniisip.

Inayos ko ang upo ko at saka humarap kay lola
"O-opo naman lola" opo?... rina alam mo namang di ka okay eh...

Binigyan ako ni Lola ng headpat pagkatapos ay nginitian ako nito
"Hay nako apo, yan ka nanaman sa okay mo. Anong gumugulo sa isipan mo apo ko?" Kilala mo nga talaga ako lola haha.

THE LAST QUEEN AND LOST KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon