-CHAPTER 8-

20 10 0
                                    

It's currently 6am in the morning and i just woke up 5 minutes ago ng dahil sa pesteng alarm ko. Hindi ko siguro na off 'yong alarm kahapon na naka set ng 6am na dapat ay 6pm. Dang it's so early! Ako pa naman 'yong tipo ng tao na kapag nagising, hirap nang makabalik sa tulog. So i had no choice kaya bumangon na ako. What are you gonna do at this early rina??.

Tumayo ako at saka nagtungo sa banyo upang mag-sipilyo at maghugas ng mukha bago lumabas ng kwarto. I walked in the hallways and admired the paintings, again. I checked every paintings in the wall hanggang sa makarating ako sa bungad ng hagdan ng mansyon kung saan nakasabit ang isang napakagandang painting. It was a painting of Erich's family. Her dad, a baby that i think it's erich, and...mama. hope all may family picture.

Maybe tinatanong mo kung bakit 'her dad' ang mention ko sa lalaki na nasa portrait. Erich and I were only half sister. My dad is working sa korea, siya yung minemention ko na kapatid ni Tita Arlyn. Magkapatid lamang kami ni Erich sa ina. Halata naman na mas matanda ako kay Erich since i was born first so mas nauna si papa kay mama kesa sa kinakasama niya ngayon. I just don't know what happened to them, lola carms didn't mention anything, my dad left me kay lola when i was 5 and mom... Here, living a happy life with her family. Sana ako rin, kaso malabo na.

I continued walking, dinala ako ng mga paa sa kusina. Anong gagawin ko dito? Mag luluto? Ahh oo, tama mag luluto ako ng agahan. Buti pa yung paa ko may konsidirasyon. Hmm ano bang lulutuin ko?. Sinimulan kong buksan isa-isa ang mga cabinet at ang refrigerator at tumambad sa'kin ang tole-tolenadang hotdogs na pinamili namin ni Hugo. Seesh, naalala ko nanaman yung nangyare. Tagal ko pa magka amnesia. Kinuha ko 'yong isang pack ng hotdog, ham, at nuggets dahil 'yon ang lulutuin ko.

I was  busy unpacking the frozen goods nang may pumasok sa kusina. Si Hugo. Argh! Sa dinami daming pwedeng pumunta dito siya pa talaga! Hindi ko siya pinansin since I don't know how to start a conversation with him. I dont even want a conversation with him. Pumunta siya ng pantry at saka kumuha ng bread at blueberry jam, kumuha rin siya ng fresh milk sa refrigerator. Sanaol aesthetic yung morning routine. Pumunta siya sa lamesa at saka nag simulang kumain, ako naman ay nag p-prito na ng hotdogs.

"Good morning" emotionless na pagbati sakin ni Hugo. Good? Mukha naman 'di good morning mo. Yung akin talaga hindi good.
"Morning" sabi ko. Sandaling natahimik ang paligid bago nagsalita ulit si Hugo.

"Anong niluluto mo?" He asked.

"Yung isang baldeng hotdogs na pinamili mo" hindi ba halata? Nasa harap mo na nga 'yong mga naprito ko. He chuckled.

"Bakit ang aga mo bumangon?" Tanong ko sa kaniya. What the coconut rina? You have the courage to ask him na ha!

"I always cook breakfast in this mansion" he said bago isinubo ang isang buong tinapay. Siya pala ang breakfast chef nila, may pakinabang karin pala. "Thankyou for doing the favor for me" he added. Walang ano man po manong, lagi ko namang 'tong ginagawa samin.

Natahimik nanaman ang kusina hanggang sa matapos akong magluto. Inihain ko ang mga pagkain sa lamesa at saka umupo sa harap ni Hugo.

"I prefer peanut butter" sabi ko sa kaniya. Peanut butter kasi yung favorite palaman ko, lalo na sa pandesal. Kamiss!. He looked at me shortly then ibinalik niya ang atensyon niya sa kinakain niya.

"I'm allergic sa peanut butter" ahhh, okay.... Tumayo si Hugo at saka pumunta sa pantry, may kung anong bagay siyang kinuha do'n. He went back sa lamesa along with a jar of... Peanut butter?

"Oh akala ko ba allergic ka d'yan?" I asked pero hindi niya ako sinagot pinalamanan niya lang ng peanut butter yung isang tinapay.  "Sino bang nagsabi na para sa'kin to? It's for you" then he gave me the bread with peanut butter. Kinuha ko ito sa kaniya, "thanks" pagpapasalamat ko. I was not ready for that...

THE LAST QUEEN AND LOST KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon