4

62 3 0
                                    

Lumipas ang dalawang ligo simula nung magsimula ang klase ay may naging kaibigan pa kaming, si angeli kaya naginb apat na kami. Sa loob ng dalawang ligong pag pasok namin ay lagi nalang stress ang inaabot namin lalo na sa mga major subject namin. Quiz don activity dito report don walang katapusang school work ang pinapagawa ng mga prof saamin.

"Bwicit ang daming pinapagawa ni ma'am e minor subject lang naman course natin sa kanya." Ani angeli saamin habang nasa bleachers kami dahil vacant namin ngayon ng 2 oras kaya napang pasyahan namin na mag palipas muna ng oras dito.

"Oo nga feeling mayor nanaman si ma'am, pati sa diff cal putanginaa meron pa tayong quiz nex meeting" sagot naman ni angel baskas mo sa mukha n'ya yung pagka stress.

"Gagi, oo nga daming ginagawa jusko walang kataposang school work" sagot ni glory.

Hinayaan kolang silang mag kwentuhan bahala sila sa buhay nila, mag scroll nalang ako sa tiktok para mawala naman yung stress ko jusko.
Habang ng scroll ako sa tiktok ay bigla nalang nagtanong si angeli saakin kaya sinagot ko sya.

"Danie - tawag sa'kin ni angeli

"Hmm ??" sagot ko

"Diba sabi mo may crush ka sa room?" Tanong nito saakin kaya napa tingin sina glory at angel

" Oo " maiklkng sagot ko habang nag scroll parin ako sa tiktok.

" Sino dali chika mo naman saamin kung sino" exited na tanong ni angel

"Secret, hulaan n'yo sino." Sagot ko kaya inirapan nila kong tatlo

"Tangina nito bakit hindi nya kaya i spill" niinis na sabi ni angeli

"Sino ba? si patrick" sagot naman ni glory

" Gaga baka si jerald" sagot naman ni angel

Kaya natawa ako sa mga sinasabi nilang pangalan ng mga kaklse namin. kaya pinatay kona yung phone ko para pagtoonan sila ng pansin. Habang hinuhula nila yung sino ba yung crush ko ay dumating si jeremy kasama n'ya yung maliit n'yang kaibigan na kaklse rin namin at tumayo lang sa harap namin at nakikinig sa pinag uusapan namin.

" Baka si jeremy" makahulugang sabi ni angel habang nag pipigil ng tawa

" Oo nga no" pag sangayon naman ni angeli

"Putanginaa anong pinagsasabi n'yo gago" saway ko sakanila wala talaga silang hiya gagi, nasa harapan lang namin si Jeremy baka narinig nya napatingin kasi sila saamin.

"Jeremy crush ka raw ni danie" tawang tawa sabi ni angeli kaya pulang pula ako ngayon sa hiya bwct sila.

" Gago hindi man anong pinag sasabi n'yo putanginaa talaga kayo nakakahiya kayo" wika ko sa kanila Pero sila tawang tawa sa mga pinag gagawanila.

" Ha?? " Takang tanong ni jeremy

"Wala wala* sagot ko buti naka airpods s'ya hindi nya narinig pinag sasabi ng mga 'to

"Crush ka raw ni danie pre" sagot naman ni nicolo habang tumatawa.

Putangina narinig pala ng maliit na to yung pinagsasabi ng mga 'to, kaya nag tawanan naman sila habang ako gusto ko ng magpalamom sa lupa dahil sa kahihiyan.

"Gago hindi man nag bibiro lang tong mga kaibigan ko" demensa ko naman sa sinabi ni nicolo.

" Gago tara na, nakakahiya kayo" pag aaya ko habang ng reready na para umalis doon kaya nag ayos narin sila at umalis na. bago kami umalis ay nagpaalam muna sila kari jeremy habang ako na una na dahil sa kahihiyan na dulot ng mga kaibigan ko.

Nung natapos na ang vacant namin ay pumasok na kami sa room at nag hanap na ng pwesto para maka upo nakami, ka upo namin ay nag kwentuhan silang tatlo habang ako tahimik lang dahil na iisip ko parin yung kalokohan ng mga to kanina pogi naman si jeremy mabait malaki rin ang katawan pero bwct hindi s'ya yung crush ko kaya hinanap ko nalang s'ya sa room kung nandito naba s'ya. Nakita ko s'ya na sana dulo katabi ng bintana ang tahimik n'ya talaga taka patong ang ulo nya sa kamay na habang yung kamay na naka sa desk nya natutulog siguro ang baby ko hahaha. Kaya pa simple ko s'yang kinuhanan ng picture upang ipakakita kay ronneth.

Pretty 🤧🥱


Maee

Pretty 🤧🥱:
Napano ka te?

Look HAHAHA
Sent a photo.

Pretty 🤧🥱:
Bwct ka te, sino yan?

Gaga ayan yong chika ko sayo na crush ko which is my baby🥰🥰

Pretty 🤧🥱:
Delulu ka nanaman te

Ang pogi n'ya te

Pretty 🤧🥱:
Gaga ka wala naman hinidi pogi sayo e

Kaya natawa ako sa reply n'ya at nireact ko nalang ng "haha" yung reply nya dahil saktong pumasok na ang prof namin sa IT kaya binulsa kona yung cellphone ko at nakinig na. Makalipas ang isang oras ay naiinip na'ko sa discussion tinignan ko naman sina angeli nag ta-take down sila kaya sinabi ko pa kopya nalang ako sa notes nila naiinip na'ko e. Kaya naiisipan ko nalang na tignan nalang ang baby ko sa likod titignan kona sana s'ya kaso napaharap agad ako sa harapan dahil

" putanginaa naka tingin s'ya saakin shett, tumingin ulit ako kaso hindi n'ya s'ya naka tingin kaya nakinig nalang ulit ako kay sir kahit na bored na bored na talaga ako. Tapos ang oras ni sir at vacant namin ng 30 minutes kaya nag aya sila pumunta muna sa canteen. Habang papunta kami sa canteen ay chinika ko sa kanila yung kanina

" Mga te alam n'yo ba titignan ko sana baby ko kaso putanginaa naka tingin s'ya saakin" sabi ko kaya napatingin sila sa'kin

" Te delulu kalang baka napatingin lang sayo sakto titignan mo rin s'ya." Sagot naman ni glory

" Oo nga, gaga ka malay mo ako pala tinitignan ng crush mo " wika naman ni angel kaya nag make face ako kaya nag tawanan silang tatlo

" Hindi te ikaw talaga tinitigan n'ya" pag aagree naman ni angeli sa akin

"pero sino muna crush mo gaga ka para naman makilala namin" dugtong nito.

"Secret " sabi ko kaya nag make face silang tatlo

"bahala kayong tatlo hindi ko i spill baka pagsabi n'yo pa "wika ko sa kanila sakto nakarating nakami sa canteen at bumili sila ng shomai at ako tubig lang busog pa naman ako. Katapos namin bumili ay bumalik na kami sa room at magbaka dumating na ang next prof namin kaya umupo nakami bago ako umupo ay tinignan ko muna si tyler kung ano ginagawa n'ya as usual naka duko nanaman s'ya.

THE UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon