" ma, alis po muna ako darating daw po yung kaibigan nina Jnn at sinasama nila ako " paalam ko kay mama." Osige aAnak, mag inggat ka " sagot ni Mama
Nag nakapag paalam nako ay agad na'kong lumabas para maglakad na papunta sa bahay nina Jm dahil nandon daw silang lahat at ako nalang ang hinihintay para maka punta na sa kaibigan nila.
Ng makarating ako ay nadatnan ko silang nag uusap sa sala. Umopo ako sa tabi ni Jm dahil 'yon nalang ang may bakanteng pwesto nag uusap sila kung anong oras darating yung kaibigan nila at mag aalas otso na kasi at hindi pa ito ng tetext sa kanila kung nasaan na s'ya.
" Ano nasan na raw si shan? Tanon ni Kevin.
" Hindi pa nag tetext kung nasan na s'ya, mag tetext naman yon kung malapit na 'yon " sagot ni Marvin.
" Iinom ba tayo? " Tanong ni Justine.
" Oo, pa libre tayo kay shan " natatawang sagot ni Justine. Kaya nag tawanan kami.
Nag patuloy lang ang kwentuhan nila minsan ay sumasali ako sa kanila kapag tinatanong nila ako, hindi ko kasi alam kanina pa'ko hindi mapakali, bigla bigla nalang akong kinakabahan ng Hindi ko alam ang dahilan. Ano kayang intsura nung kaibigan nilang galing cebu sana naman mabait din ito gaya ng mga kaibigan n'ya at sana maging close ko rin ito upang mas dumami yung magiging kaibigan ko. Hindi ko nga maisip na magiging parte ako ng groupo nila dahil sa mayaman na sila ay hindi rin biro yung ganda at gwapo ng mga ito.
Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ni Jm kaya tinignan n'ya ito kung yung kaibigan ba nila yung nag text kaya agad n'ya itong tinignan, hinintay lang namin itong magbasa at mag reply bago ito tanongin.
" Ano, sinong nag text? Si shan na ba? " Tanong ni kath.
" Oo, nasa bahay na raw sila, pinapapunta na tayo " wika ni Jm. Kaya nagsigawan sila at halata sa kanila ang excitement na makita ang kanilang kaibigan.
Nag makapag ayos na ang lahat ay mag tungo na kami sa bahay ng kaibigan nila, nag lakad lang kami dahil malapit lang naman ang bahay nila sa katunayan ay magkakalapit lang naman ang aming mga bahay.
Nandito na kami ngayon sa gate ng bahay nila sobrang laki ng bahay nila mansion na ito hindi bahay, nag doorbell lang kami at ilang minuto lang ay may matandang babae ang nag bukas ng gate.
" Ho kayo pala mga hijo " wika nito nag mabuksan n'ya ang gate.
" Kayo pala aling melda, good evening po. " wika nila sa matanda na si aling melda raw.
" Magandang gabi rin sa inyo, si shan ba ang pakay n'yo mga hijo? " Tanong ni aling melda.
" Ha opo, aling melda pinapapunta n'ya po kasi kami " sagot ni Sam. Kaya pinapasok na kami sa loob.
Nag makapasok kami at dumaresto kami sa sala at hintayin nalang daw namin si shan at naliligo daw ito sa kanyang kwarto. Habang naghihintay kami ay nag masid masid ako sa buong bahay nakaka mangha dahil sobrang ganda ng loob ng bahay puno ng malalaking painting sobrang maalisasan tignan at maganda dahil kulay puti ang pintura nito. Habang tinitignan ko ang kabuuan ng bahay ay may dumating na magandang babae nasa 40+ na siguro ito pero sobrang ganda parin n'ya at ang kinis parin ng kanyang balat.
" Good evening mga hijo/ hija, kanina pa kayo? " Masayang bati nito saamin kaya tumayo kami at bumati rin.
" Good evening po tita, hindi po halos kararating lang po namin " wika ni Kevin.
" Kumain na ba kayo? Mag food kaming dala kain muna kayo. " Pag aaya nito.
" Hindi na po tita, kaka kain palang namin. Salamat nalang po " pag tanggi nila.
" Ganon ba, o sige maiwan ko muna kayo at magpapahinga na'ko. Hintayin n'yo nalang si shan at bababa narin 'yon " paalam nito. Kaya balik kwentuhan nanaman ang ginawa namin.
Ilang minuto lang ay naka rinig kami ng yabag ng paa na bumababa sa hagdan kaya sabay sabay kaming tumingin dito. Napa nganga ako ng makita ko kung sino ang bumababa sa hagdan hindi ako makapaniwala. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan, nanginig ako bigla at kinabahan.
" S-sean " nangiginig ko bulong.
" Shan, pre! " Sigaw nina Kevin kaya tumingin ito sa gawi namin at ngumiti ito, ng mag tama ang aming mga mata ay bigla nalang kumonot ang kanyang mga kilay at nawala ang kanyang mga ngiti sa kabi.
Ng makababa ito ay tinambagan agad ito ng nga yakap nina Kevin at pinag sasakal, sina jenine naman ay hinintay nalang ito makalapit sa namin bago ito yakapin.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko, nakatitig parin ako sa kanya habang niyayap s'ya ng nga kaibigan n'ya.
" Totoo ba itong nakikita ko? " Sabi ko sa sarili.
Ng matapos silang magyakapan ay bumalik na sila sa aming pwesto. Ng tumapat sila sa'kin ay nagka salubong nanaman ang aming mga mata kaya naging seryoso na naman ang kanyang mukha at naka kunot ang kanyang mga kilay.
" Pre, si Danie pinsan ni jenine " pakilala ni Jm sa'kin habang naka akbay ito kay shan.
" A-amiel " mahinang bulong ko. Kaya napa kunot lalo ito ng kilay.
" Kilala mo'ko? " Kunot noo nitong tanong sa'kin, narinig n'ya ata ng sinabi ko. Kaya na taranta ako.
" H-ha? " Patay malisya kong tanong.
" Ang sabi ko kilala mo ba ako? " Ulit nito.
" Ano kaba pre, anong klaseng tanong yan, malamang hindi ka n'ya kilala, e kararating molang at hindi kapaman nag papakilala. " Natatawang sagot ni Jm, buti nalang at sumabat ito at hindi na ulit ito ng tanong.
" Shan Amiel Sebastian" pakilala nito habang nilalahad ang kanyang kamay kaya lalo akong nanginig at napa tingin sa kanya.
" B-bakit sila magkapangalan? " Tanong ko sa sirili ko.
Bumalik lang ako sa sarili ng magsalita ito.
" Ano tititigan mo nalang ako? Nangagawit ang mamay ko " irita nitong tanong.
" S-sorry, J-josh D-daniel Ronquillo " kabado kong pagpapakilala at kinamayan ito. Ng magtama ang aming balat ay sabay naming inilayo ang aming mga kamay dahil bigla nalang akong nakaramdam ng kuryente ng mag dikit ang aming mga palad. Kaya napa tingin ako sa kanya ng nakatitig pala ito ng masama sa'kin, kaya napa iwan ako ng tingin dito.
Buti nalang at kinabig na ito ni Jm upang maka upo na at makapag kwentuhan na ang mga ito, nag aya silang uminon kaya nag labas ito ng alak at ng pulutan ilang oras din kaming nag iinuman, konti lang ang aking ininom dahil hindi mapakali ang isip ko at lagi ko rin tinitignan si shan at nahuhuli ko rin tong tumingin sa'kin paminsan minsan kaya napapaiwas ako ng tingin baka anong isipin n'ya bakit ko ito tinitigan.
" Bakit?, bakit sila magka mukha ni Sean at magka pangalan? ang naiba lang ay ang spelling ng sean n'ya ay Shan, at mas matangkad ito at mas malaki ang katawan. kulay abo rin ang kulay ng kanyang mga mata. " tanong ko sa sarili ko habang naka titig sa kanya. Napaiwas ako ng titig sa kanya ng mahuli n'ya akong naka titig sa kanya, kaya napa kunot ito ng kilay. Inuon ko nalang ang atensyon ko sa ibang bagay upang hindi na ako mapa titig sa kanya at mawala rin ang gumugulo sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED LOVE
RomanceSi danie ay isang first year college, sa unang araw palang ng klase ay may lalaki ng umagaw sa kanyang atensyon ano kaya ang mangyayari sa kanyang collage life ni danie? Magiging maganda ba o mauuwi sa isang malagim na panaginip?