19

39 3 0
                                    

" danie " tawag sa'kin, kaya humarap ako kung sino ang tumatawag sa'kin

" Danie, kanina pa kita tinatawag anak. " Wika ni Mama " tulala ka nanaman "

" Sorry po Ma, may iniisap lang po " pag hihingi ko ng tawad.

" Iniisip mo nanaman ba si Sean?  yung sa panaginip mo anak? " Nag aalalang tanong ni mama.

" H-ha opo ma, hindi pa rin po kasi ako maka paniwala na hindi sila totoo " malungkot kong wika.

Sa loob ng isang buwan ay lagi nalang akong natutulala at naiisip sila, hanggang ngayon ay hindi pa rin ang si-sink in sa'kin ang lahat.

" Ok lang 'yan anak, darating din ang oras na matatangap mo rin ang lahat. Hindi man Ngayon pero darating din sa punto ng buhay mo na matatanggap mo rin ang lahat " paliwanag ni mama habang hinahaplos ang likod ko.

" Hindi ko alam kung makakalimutan ko sila, hindi ko kaya "pakikipag usap ko sa sarili.

" Daniee! " Masayang tawag sa'kin nina Sam.

" San kayo pupunta? " Tanong ko. Nandito kasi sila sa tapat ng bahay namin habang ako nag hihihaw ng mga bbq para makatulog kay Mama.

" Dito, naisipan lang namin na bisitahan ka " sagot ni Jm.

Nag tambay lang sila rito at tinulungan nila akong mag tinda, para raw may maitulong naman sila at hindi lang panggugulo ang ginagawa nila.

" Ano kaba Jm! " Sigaw ni Jenine.

" Bakit ba tama naman ginagawa ko ha? " Takang tanong ni Jm.

" Anong tama tignan mo, na susunog na yung niluluto mo!?! " Iritang sabi ni jenine. Kaya nag tawanan kaming lahat.

Namiss ko tuloy sina Angel sa mga kakulitan ng mga 'to, ganto rin kami pag nag aaway si na Angeli at Jeremy pag nag aaway.

" Ayos kalang? " Tanong ng pinsan ko. Kaya napa tingin ako sa kanya.

" H-ha, oo ok lang, meron lang akong naalala sa kakulitan nina Jm at Jenine " paliwanag ko.

" kala ko may problema ka, lagi ka nalang kasing natulala e " aniya

" Pag may problema ka nandito lang ako ha, ano pa naging mag pinsan tayo diba " pagpapagaan n'ya sa loob ko.

" Salamat, kath. " Pag papasalamat ko rito.

Hindi pa kasi nila alam, wala silang alam. wala akong pinagsabihan ng pinagdaan ko dahil hindi ko pa kayang i kwento sa iba.

" Hoy, alam n'yo bang uuwi na sa si shan? " Tanong ni Justine. Kaya napa tingin silang lajat pati na rin ako.

" Shan? " Tanong ko.

" Ay oo nga pala, hindi mo pa pala kilala si shan danie " wika ni Justine

" Kaibigan din namin, kaso umuwi sila sa Cebu, ngayon na sila babalik " paliwanag ni Marvin. Kaya tumango nalang ako.

Naalala ko nanaman si Sean, magka pangalan kasi sila, " kung sanang nabubuhay kalang mahal " wika ko sa isip ko habang naka tingin sa langit.

Natapos na kaming nag tinda agad naubos dahil sila ang nagtinda pag sila talaga nag titinda ng mga paninda ko ay lagi itong nauubos agad. pano ba naman ang gaganda nila at ang popogi. Ang daming bumibiling mga babae at lalaki para lang maka usap sila at tanungin ang mga pangalan nila.

" Ho, mag meryenda muna kayo " pag aabot ko ng juice sa kanila nandito sila ngayon sa loob ng bahay.

" Salamat, danie " pasasalamat nila.

" Enrollment na next week ha, anong course kukunin n'yo? " Tanong ni Marvin.

" Hindi ko pa alam pre " sagot ni Kevin.

" Kayo ? " Tanong ni Marvin

Kahit sila ay hindi pa nila alam kung anong kukunin nilang course, pag iisipan pa nila dahil next week pa naman daw ang enrollment.

" Ikaw Danie? Anong course kukunin mo? " Tanong ni Jm.

" H-ha, h-hindi ko alam kung mag aaral akoo " nakayuko kong sagot sa kanila.

" Ha, bakit? " Sabay sabay nilang tanong habang naka tingin sa'kin.

" Walang tutulong kay Mama sa pagtitinda at hindi rin namin kaya ang tuition sa university para makapag aral ako. " Paliwanag ko.

" Ano ka ba, nanjan naman si Mama. Tutulungan n'ya si Tita mag tinda pag wala itong ginagawa. " Wika ni kath

" Nakakahiya naman kay Tita kung maiistorbo pa s'ya ' sabi ko.

" Ano ka ba ok lang kay Mama, ano pa ba't naging magkapatid sila kung hindi n'ya tutulungan si Tita diba? " Paliwanag nito. Naka abroad kasi ang Papa ni Kath at si Tita naman ay   nasa Bahay lang at s'ya ang nag aasikaso ng mga business nila.

" Tsaka ano ka ba, meron scholarship sa university mag apply ka malay mo matanggap ka. " Suggestions nila.

" Kakausapin ko muna si Mama " sagot ko sa kanila kaya tumango sila.

Ilang oras pa silang namalagi sa bahay ng dumating na si Mama ay dun palang sila nag si uwi, dahil ayaw daw nila akong iwan mag isa.

Habang kumakin kami ng hapunan ay kinuha kona ang chansa para maka usap si Mama para sa pag aaral ko.

" Ma " tawag ko rito.

" Ano, anak? " Tanong ni Mama

" P-pwede po ba akong mag aral ulit? " Utal kong tanong.

" Ano ka ba anak, syempre oo naman karapatan mong mag aral danie, hindi ko naman ipagkakait sayo ang pag aaral mo anak " sagot ni Mama.

" Kaso anak, baka hindi natin kayanin ang tuition sa university, alam mo naman na nag titinda lang tayo at sakto lang tayong nakakaraos " malungkot ni wika ni Mama.

" Meron daw binibigay na Scholarship ang University Ma, i try ko mag apply sasamahan ako nina kath. " Paliwanag ko.

" Talaga anak?! " Mayasang tanong ni Mama.

" Opo Ma, sa enrollment po tutulungan nila ako. " Paliwanag ko.

" Mainam 'yan anak, para matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay, patawarin mo si Mama kung dahil sa'kin ay pati ikaw ay nahihirapan " malungkot na paghihingi ng tawad ni Mama.

" Ano kaba Ma, ok lang ako. Malalagpasin din natin ito.

" Anong balita? " Tanong nila sa'kin nandito kami ngayon sa bahay nina Jm nag aya kasi silang mag tambay dito.

" Nakausap ko na si Mama, pumayag itong mag aral ako " sagot ko sa kanila. Kaya nagsigawan sila at naging masaya sila para sa'kin.

" Anong course kukunin mo? " Tanong nila.

" Hindi ko pa napag iisipan, bahala na sa enrollment kung anong kukunin ko " wika ko sa kanila.

Nag matapos kaming mag meryenda ay naisipan naman nilang manood ng movie kaya lumipat kami sa kwarto ni Jm para don manood ng movies, naging relax lang ang naging araw namin sana ganto nalang lagi walang magiging problema sa susunod na mga araw.

Habang nanonood kami ay bigla nalang nag salita si Kevin.

" Mamayang gabi na raw uuwi si Shan " wika ni to. 

" Bakit bigla akong kinabahan? " Wika ko sa sarili habang naka hawak sa puso ko.

THE UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon