21

45 0 0
                                    

Shan POV:

Nagising ako dahil sa inggay nina Kevin dito sa kwarto ko umagang umaga ay ginugulo nila ako. Gusto raw nilang magro ng basketball sa court kaya eto nandito sila ngayon sa kwarto ko ginugulo ako.

" Pre, gising na! " Pagyugyog sa'kin ni Kevin " basketball tayo sa court. "

" Preeeeee!! " Sigaw nina Jm, Kevin, Justine.

" Tangina pre, maaga pa " sagot ko habang tinataas ang kumot hanggang sa ulo ko.

" Basketball nga tayo pre " pangugulit nila. Kaya wala na'kong nagawa kundi tumayo na at maligo.

Nandito kami ngayon sa kusina at niyaya ko muna silang mag almusal para naman hindi kami gutumin mamaya. Pag ka tapos naming mag almusal ay nagpahunga lang kami saglit at maya maya ang pupunta na kami sa court. Nag suot lang ako ng sando at short para hindi ganon kaalingsangan nagdala narin ako ng tumbler para hindi na bibili ng tubig katapos ng laro.

Ka rating namin sa court ay may naglalaro kaya naisipan nina Justine na makipag pustahan nalang sa kanila para naman may makalaban kaming sakto naman na completo kaming lima at lima rin ang mga nag lalaro kaya walang naging problema.

" Ano pre magkano pustahan? " Tanong ng isa sa kanila.

" Kayo ba? Ilan ba budget n'yo? " Tanong ni Justine.

" Tig 300 nalang " wika nila. Kaya pumayag na kami.

Nag warm-up lang kami saglit para hindi ganon mabigla ang mga katawan namin, matagal tagal na rin noong last kong laro ng basketball. Ng matapos kaming mag warm-up ay nag umpisa nakami agad, magaling din ang mga kalaban namin magaling sila sa offense and defense parehong ayaw magpatalo.

Ng nasa third quarter na ay lamang kami ng 16, 53- 40 ang score. Habang matuloy ang laro namin ay dumating naman ang mga kaibigan naming mga babae kasama nila yung pinsan ni jenine, umupo lang sila sa bleachers at pinanood kami. Hindi naka takas sa'kin yung mga tingin nung pinsan ni jenine simula pumasok sila sa court ay hindi na alis ang tingin n'ya sa'kin.

Natapos ang laro 68- 56 ang score kaya nanalo kami, sila na ang kumuha ng pusta at ako naman ay dumaresto na sa mga kaibigan naming babae dahil nandon din ang tumbler kong dala.

" Congrats!! " Sabi nila. " Magkano pustahan nyo? "

" 300 " sagot ko habang umiinom ng tubig.

" Libre n'yo muna kami " wika nila. sakto naman ang dating nina Jm.

" Anong libre pinagsasabi n'yo " taas kilay na tanong ni Justine.

" Nanalo kayo, kaya dapat libre n'yo kami " taas noong sagot nila. Hinayaan ko lang silang mag sagutan at umupo ako sa harapan ni jenine kaya napa tingin ako sa pinsan n'ya, ng mapatingi ako sa kanya ay nag iwan ito ng tingin. Hindi ko mawari pero parang nakita kona ito pero hindi ko alam Kung kailan at kung saan. Ngayon ko lang din na pansin na hindi s'ya sumasali sa mga usapan nila nasa tabi lang ito ni jenine habang nakikinig at ngayon ko lang din napagmasdan ang kabuuan ng mukha nito hindi ko masabi kung gwapo ba ito o maganda. Ang kinis kasi ng balat nito, hindi s'ya payat hindi rin mataba sakto lang ang katawan nito. maganda rin ang mga mata at makakapal nitong kilay meron din itong pointed na ilong, napa tingin ako sa mga labi nito sobrang pula at kumikinang ito.

" Ano kayang pakiramdam na mahalikan ang mga labi nya " wika ko sa sarili. Ng matauhan ako ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga kaibigan kong hindi pa tapos mag bangayan.

Danie POV:

Habang nag lilinis ako ng kwarto ko ay tinawag ako ni Mama, nasa sala raw ang mga kaibigan ko at hinahanap ako kaya binilisan ko ang paglilinis ako at bumama na para harapin sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon