13

32 4 0
                                    


" Happy new year!!🎆 " Sabay na bati nina angel at angeli

" Happy new year mga ate ko, sana maging mabuti na kayong tao" biro kong bati sa kanila

Katapos kong batiin ang mga kaibigan ko ay nag scroll ako sa fb pampa antok, dito kami ulit kari Joana nag new year munting salo salo lang ang ginawa namin. Habang nag scroll ako ay dumaan yung post ni jeremy.

" Happy new year pre @ Sean Amiel  Sebastian sana umamin kana "

Post ni Jeremy kaya natawa ako at tinignan ko yung mga comment nakita ko nag comment si Sean.

" Tanginamo talaga Jeremy " comment ni Sean nireact lang ito ni Jeremy

" I greet ko kaya si Sean" wika ko habang naka titig sa kisame

" Go te, malay mo mag reply diba " sagot naman ni Joana kaya napa tingin ako sa kanya

" Malay mo hindi mag reply or mas masaklap hindi mag seen " tanong ko

" Gaga at least binati mo diba" sagot naman nito habang nakatutok sa cellphone

Kaya binuksan ko ang messager ko at sinearch ang pangalan ni Sean, nag dadalawang isip pa'ko kung babatiin kona s'ya o hindi na.

" Happy New year, Sean🐯" bati ko nilagay ko rin yung tiger para malaman ko kung ako ba yung sa note n'ya noong pasko.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi parin s'ya ng seseen kaya kinakabahan na'ko, kaya ginawa ko pinatay ko na muna ang cellphone ko at tumitig sa kisame ng tumunog ang cellphone ko kaya napa upo ako ng wala sa oras.  chineck ko kung Sean ba yung nag chat, napamura ako nung si Sean nga ang nag chat.

"AAAA, PUTANGINAA INA TE!!, NAG REPLY SI SEAN!!!" tili ko kay joana

" Te, tignan mo na gaga ano sabi? " Tanong nito kaya agad kong chineck ang message n'ya.

"Happy new year, danie🐰"

" Putanginaa ina tama ako, ako nga yung sa note n'ya nung Christmas" hindi maka paniwalang sambit ko.

!abigla ako ng mag notif ulit ang messager ko kaya chineck ko kung sino ang nag chat, nabigla ako ng si Sean ang nag message.

" Musta danie? " Message nito kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko o anong irereply ko, ng tignan ko si joana para mag pa tulong ay malalim na ang tulog nito kaya wala akong nagawa kundi mag reply dito. " Bahala na "

" Ok lang, ito na bobored na sa bahay. ikaw?  HAHAHAHA" Tanong ko

"Shit hindi ko alam pano mag reply sa kanya " problemado kong sabi sa sarili

" Ito, buhay pa naman " reply nito

Lumipas ang ilang oras ay ka chat ko parin si Sean, hindi ko lubos ma iisip na makakausap ko si Sean.

" Ahm, Sean bukas nalang ulit HAHAHA, inaantok na kasi na'ko" chat ko sa kanya pasado alas 3 na kasi gusto ko man na makausap s'ya hindi kona talaga kaya inaantok na talaga ako.

" sige sige danie, pasado 3 na pala. Goodnight/ good morning 🤍🐰! "

" Thankyou sa time!! " Pasalamat nito

"Good night/ good morning din 🐯! Bye!" Reply ko. Hindi kona hinintay yung reply n'ya at naka tulog na'ko dahil sa antok.

"Good morning po " bati ko ng maabutan ko sina mama sa dinning area habang kumakain ng umagahan

" Good morning anak, maganda ata gising mo anak? " Tanong ni mama dahil kanina pa ako naka ngiti naalala ko kasi yung usapan namin ni Sean kagabi

" Opo ma, malamig po kasi " palusot ko

" Osya na, halika na rito at kumain kana " utos nito

nang matapos kaminv kumain ay ako na ang nagkusang mag hugas ng plato para makapag pahinga na si tita. Ng patapos akong mag hugas ng plato ay nakita ko si Joana na sa sala na nonood tv kaya tinabihan ko na ito. Ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag message ng tignan ko ay laking tuwa ko ng si Sean ang ng message.

" Good morning Danie"

" Good morning Sean" reply ko naman dito

" Nag breakfast kana? " Tanong nito

" Ha, oo kakatapos lang"  sagot kaya nag send naman n'ya ng picture, picture nya habang kumakain.

" Gagi ka, kain ka muna " utos ko rito

" Sige sige, chat kita pag natapos nako" reply nito

" Eat well Sean! " Reply ko kaya pinatay kona ang cellphone ko hindi kona tinignan kung nag reply ito o hindi tinoon ko nalang ang sarili ko sa  TV.

Lumipas ang dalawang ligo ay napapadalas na ang mag uusap namin ni Sean, ganon nalang ang naging routine namin mag good morning sa umaga ina update kung anong ganap namin tapos pag gabi naman ay nag vivideo call kami.
Magkaibigan na siguro kami?

" Danie malapit na pasukan ha " sabi ni Sean  nasa video call  kami ngayon nag dradrawing s'ya habang ako nag lalaro sa cellphone

" Oo nga, sa Monday na pasukan ang bilis ng bakasyon HAHAHJAH" natatawang sagot ko

" Danie " tawag nito saakin kaya tinignan ko ang screen ng laptop ako

" Hmm? "

" Sa pasukan pwedeng tumabi sayo? " Tanong nito habang nagkakamot ng batok

" bawal kasama ko sina angeli " sagot ko

" Ganon ba " malungkot na wika nito kaya natawa ako

" Joke lang HAHHAHA, sige tabi tayo " wika ko

" Talaga ? " Masayang tanong nito

" Osige 'wag na , nag bago na isip ko " wika ko

" Jack n poi nalang, pag nanalo ka hindi ako tatabi pero pag nanalo tatabihan kita" paliwanag nito

" Parang bata naman " wika ako

"Sige na " pangugulit nito

No choice ako sino ba naman ako para humindi sa crush ko diba? " Sige nanga " sagot ko

" Jack n poi " sabay naming bigkas, papel s'ya bato ako kaya natalo ako.

" Panalo ako, yess! " masayang sabi nito

" Tatabi ako sayo sa pasukan " dugtong nito habang malawak parin ang ngiti nya sa labi

" Bahala ka buhay mo " wika ko pero ang totoo ay kinikilig ako dahil tatabi sya sa'kin sa pasukan hindi na'ko makapag hintay na makatabi sya.

THE UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon