18

25 3 1
                                    

Nasa hospital ako ng ako'y magising ko, sobrang sakit ng aking ulo, ng  bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa si mama. Na bigla ito ng makita n'ya akong naka gising kaya agaran nya akong nilapit.

" Anak, naririnig mo ba ako? " Nag aalalang tanong nito.

" Ma, ang sakit ng ulo ko " daing ko rito.

Nataranta ito kaya agad itong lumabas para tumawag ng doctor. Ilang minuto lang ay bumalik na si mama kasama ang isang doctor at chineck ang aking mga mata at tinanong ako kung ano ang aking nararamdaman ng matapos ito ay tinanong ni mama kung ok lang ba ako.

" Doc, kamunta po ang anak ko? Bakit s'ya nakaramdam ng sobrang pananakit ng ulo? " Nag aalalang tanong ni mama sa doctor.

" Misis, magsasagawa pa tayo ng ilang mga test upang matukoy  natin kung ok na ba talaga ang anak n'yo " sagot ni doc

" At sa tanong n'yo kung bakit nakaramdam ito ng sobrang pananakit ng ulo ay dahil sa isang taon itong naka coma kaya ito nakaramdam ng sobrang pananakit ng kanyang ulo dahil na bigla ang kanyang utak " mahabang paliwanag ng doctor.

Kaya nabigla ako sa aking narinig " anong sinasabi n'yong isang taon akong naka coma? " Naguguluhang tanong ko.

" Anak isang taon kang natutulog " malungkot na sabi ni sa'kin ni mama habang hinahaplos ang aking pisgi

" Ma! Anong pinag sasabi mo? Asan si Sean? " Naguguluhang tanong ko.

" Danie, sino si Sean " takang tanong ni mama. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito

" Ma si Sean boyfriend ko " sagot ko rito " dito rin ba s'ya dinala sa hospital? Nasaan s'ya? gusto ko s'yang makita ma " kinakabahang tanong ko

Kaya nagkatingin  si mama at ang doctor, naguguluhan ako sa kga kinikilos ng dalawa

" Ma, asan ho si Sean " pag uulit ko.

" A-anak sino si Sean, wala akong kilala Sean anak " naguguluhang tanong ni mama

" Ma! Anong pinagsasabi mo! Si Sean ma yung boy friend ko! " naiiritang sagot ko " Sean! Sean! " Tatayo sana ako para hanapin si Sean ng pigilan nila ako

" Anak wala akong kilala Sean, at anong binagsasabi mong boyfriend mo anak. " Takang taka tanong ni mama

" Ma!!, hindi ako nakikipag biruan, Saang hospital dinala si Sean " tanong ko " s'ya yung kasama kong na aksidente ma "

" Nak, anong pinagsasabi mo? Wala akong kilalang Sean at anong s'ya ang kasama mong na aksidente ang papa mo ang kasama mo noong na bungo kayo ng kasabayan n'yong truck " mahiwagang paliwanag ni mama. Halata parin sa mukha n'ya ang pag kalito.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni mama na isang taon akong naka coma at si papa ang kasama kong na aksidente gulong gulo na'ko naiiyak na'ko sa sobrang gulo sa pinag sasabi ni mama.

" Doc, anong nangyayari sa anak ko? " Tanong ni mama sa doctor habang ako umiiyak dahil hindi ko alam kung ano nag pinagsasabi nila.

" Misis, kailangan mu ng mag stay ng anak n'yo rito upang imonitor, meron talagang iilan mga cases na dahil sa tagal nilang naka coma ay gumagawa ang kanyang isip ng mga illusion habang s'ya ay walang malay, kaya ngayon na nagkamalay na sya ay inaakala n'ya na totoo ang mga tao o mga bagay na ginawa ng kanyang utak habang s'ya ay nasa coma. " Mahabang paliwang ng doctor.

" H-Hindi totoo ang sinasabi ko ma, nasaan si Sean" nag mamakaawa kong tanong kay mama

" Anak tama na, hindi totoong may boyfriend ka at hindi totoo si Sean gawa gawa lang ito ng utak mo anak " umiiyak na wika ni mama habang naka kayap sa'kin kaya lalo akong na iyak ng todo.

Ilang minuto na ang nakalipas ay iyak parin ako ng iyak dahil hindi ko tanggap ang mga pinagsasabi ni mama na isang taon akong na ka coma at hindi totoo lahat ng nangyari saakin, hindi totoo ang mga kaibigan kong sina Angeli, Angel, Glory, Jeremy at lalong hindi totoo Si Sean. Hindi ko matanggap ang lahat ng todo dapat ay hindi na'ko nagising kung isang malaking panaginip lang ang lahat ng nangyari saakin sobrang sakin kaya ba ganon ang mga binitiwan nilang mga silata bago kami umalis ni Sean at ganon nalang sila katamlay dahil alam nila na magigising na'ko at hindi ko na sila makikita, at kung paano nalang ako tignan ni Sean kung bakit ganon nalang nya ako yakapin dahil hindi ko na rin s'ya makikita, hindi ko ma process lahat ng ito sobrang bigat sa puso.

" Anak kamusta ang pakiramdam mo? " Tanong ni mama pero hindi ako makapagsalita at tinignan lang ito ng malungkot.

" Anak, alam kong hindi mo matanggap na hindi totoo lahat ng nangyari sayo, balang araw ay matatangap mo rin ang lahat anak, at balang araw ay mawawala rin ang sa'kin jan " pagpapatanan ni mama sa'kin habang tinuturo n'ya ang puso ko.

" Ma, bakit? " Hagulgol ko nanaman iyak. Kaya niyakap ako ni mama at pinatahan

" Shhh , tahan na anak " pagpaptahan ni mama sa'kin habang hinahagot nito ang aking likod.

Nalaman ko rin na namatay si papa dahil niyakap n'ya ako upang makaligtas ako sa impact ng pagkakabanga namin sa kabunguan namin truck kaya lalo akong nanlambot dahil sa balita ni mama, una hindi totoo ang mga kaibigan ko, hindi totoo si Sean, ngayon naman patay na si papa. Hindi ko na alam kung kakayanin kopa pero kailan kong magpakatatag dahil wala ng aatabay kay mama kung pati ako ay mawawala.

After 2 weeks na pag stay sa hospital ay nakalabas na rin ako, hindi pa ako ganon ka ayos mentally pero pinilit ko si mama na ilabas na'ko dahil kung mag s-stay pa'ko sa hospital ay lalaki lang lalo ang aming babayaran sa hospital.

Ngayon ko lang din nalaman na sa Malibu pala kami, dahil hindi kinaya ni mama ang bayarin sa hospital at nahihirapan ito dahil patay na si papa at walang mag tratrabaho para saamin kaya naisipan ni mama na umuwi nalang sa Malibu para rito na mamuhay, sa ngayon ay nakikitira kami sa kapatid ni mama habang wala pang matinong trabaho si mama.

Isang buwan na pag s-stay namin sa Malibu ay naging payapa at maayos naman ang naging pamumuhay namin dito.

Nag karoon ako ng mga bagong kaibigan dito sa aming baryo dahil ipinakilala ako ng pinsan ko sa mga kaibigan n'ya rito mayaman ang pinsan ko kaya alam ko na na mayayaman din ang mga kaibigan nito, pero hindi ito naging hadlang para makipag kaibigan sila sa'kin, as of now maganda ang trato nila sa'kin bale seven silang mag kakaibigan pang eight ako 4 na lalaki at 3 babae sina Marvin, Justine, Kevin, Jm, jenine, sam, at ang pinsan kong si Kath.

THE UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon